"Brad, pakisabi madami kaming inumin, hindi namin 'yan kailangan." sabi ni Francis.

"Bago ka lang ba?" tanong ni Acey.

"P-po?" parang nalilitong sabi ng waiter.

"Ma'am pasensya na po, bago lang po sya rito." yung waiter kanina ang lumapit samin.

"Hindi ninyo ba ino-orient ang mga bagong salta ninyo?" may himig na inis ni Acey. Hinawakan ko kamay nya para pakalmahin sya. Tumingin sya sakin at bumuntong hininga.

"Pasensya na po ma'am. Ako na pong bahala sa kanila." sabi ng waiter at hinila ang waiter na bago.

"Ano 'yon Acey?" tanong ko.

"Ayoko lang na susundin nila ang mga customers sa ganong bagay dahil minsan nagsisimula 'yon sa gulo. Paano kung ang pagbibigyan ng drinks ay kasama ang boyfriend or girlfriend nito? magkakaroon 'yon ng gulo at yung mga tauhan ko pa ang pag-iinteresan nila kahit na inutos lang sa kanila 'yon kaya mahigpit na pinagbabawal ko 'yon dito." sabi nya at uminom ng iniinom nya.

"Baka kasi ron daw dito makita ang true love nila." sabi ni Jelly.

"Sus sinasabi mo lang 'yan dahil doon nagsimula ang love story ninyo ni Francis." sabi ko.

"May naidudulot naman na maganda ang ganon, Acey. Ayun nga lang madalas ay gulo ang nangyayari." sabi ni Francis.

"Alam ninyo, hindi ako makapaniwala na kayo ang magkakatuluyan." sabi ni Gil.

"True." pagsang-ayon din ni Acey. "Habol ng habol 'yan kay Janine pero sayo natali."

"Janine? ayun ba yung pumunta sa shop noon?" tanong ko kay Acey. Tumango sya. "Hindi ba ikaw ang gusto non?" napangiwi sya sa sinabi ko.

"Patay na patay kamo." sabay na sabi Gil at Jelly.

"Shut up!" pikon na sabi ni Acey. "Wag ninyo ng ipaalala ang babaeng 'yon."

"Minsan ko na rin nakasalubong si Janine. Maganda naman sya ah? bakit hindi mo patulan." sabi ni Christian.

"Edi ikaw ang pumatol." asar na sabi ni Acey at uminom.

"May asawa na 'yon." sabi ni Francis. May asawa na pala pero hinahabol nya pa rin si Acey.

"Mabuti naman at para tantanan nya na ako." sabi ni Acey.

"Oh tama na 'yan, magsayaw naman tayo." sabi ni Gil at tumayo. "Tara, Christian baka rito makahanap ka ng bago mong asawa." hinila nya si Christian patayo.

"As if naman 'no." sabi nya pero sumama pa rin kay Gil.

"Let's go hubby papakitaan kita ng sexy na sayaw." sabi ni Jelly at sumama naman sa kanya si Francis na walang angal kundi ay mas masaya pa sya.

Naiwan kaming dalawa ni Acey. Tahimik lang kami at nanonood sa mga taong sumasayaw sa dance floor. Nakita ko pa si Jelly at Francis na mukhang magma-make out na dahil sa sobrang dikit nila sa isa't isa. Nakita ko rin si Gil na may kasayaw ng iba at ganon din si Christian.

"Kapag sinagot mo sila, kawawa ka." bigla na lang nagsalita si Acey. Tumunga sya sa pangalawang bote nya. Ang lakas naman nitong uminom wala pa nga sa kalhati ang akin.

"Hindi ko naman sila sasagutin." sabi ko.

"Good." sabi ni Acey at tumingin sya sakin. 

Hindi ako tumingin sa kanya, nakatingin ako sa mga sumasayaw. Ramdam ko pa rin na nakatingin sya sakin kaya wala akong magawa kundi tumingin din sa kanya. Nakatingin lang kami sa isa't isa at hindi nagsasalita. Bumaba ang tingin nya sa labi ko at napansin kong napalunok sya. Mariin syang pumikit at umiwas ng tingin.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon