Chapter 11 Part 2 (Wakas)

Mulai dari awal
                                    

Natawa ito nang malakas. "Promise, ni tingin hindi ko sila pagbibigyan. You're the only one these eyes can see."

"Huu... maniwala. Bakit ka pumapayag payakap kay Melai? Kulang na nga lang maglingkisan na kayong dalawa." Naniningkit ang mga matang tiningala niya ito. Huwag itong magkakamali ng sagot at talagang ihahagis niya ito.

"Nagseselos ka nga sa kanya. Siya lang naman ang yumayakap sa akin. Hindi ko ginusto iyon, pramis. Nagkataon lang kasi na magkaibigan ang pamilya namin at close siya sa hindi lang sa akin, pati sa ibang pinsan ko rin."

"Swear?" nagdududa pa rin niyang tanong dito pero panatag na ang puso niya sa paliwanag nito.

He sighed. "Oo nga. Sandali at may ipapakita ako sa iyo para maniwala ka." Tumayo ito at lumabas saglit ng kuwarto at pagbalik ay dala nito ang wallet nito. Sumampa itong muli sa kama at tumabi sa kanya. "Here."

"O, ano'ng gagawin ko diyan sa wallet mo?" umupo na rin siya at tinitigan ang iniaabot nito sa kanya.

"Just open it." Napansin niyang medyo namumula ang mga pisngi nito at hindi ito makatingin sa kanya. "Sige na." Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang wallet.

"Okay, okay. Titingnan ko na." Nilingon muna niya ito bago binuklat ang wallet nito. Halos ikalaglag ng panga niya ang nakita niya doon. He is keeping a picture of her! At hindi lang isa dahil nang tangkain niyang alisin iyon ay natuklasan niyang mayroon pang ibang nakasuksok sa likod niyon. "Ano 'to?" bulalas niya.

Nahihiya itong tumingin sa kanya. "I was very curious about you since I met you. Hindi ko naman puwedeng gamitin sa iyo ang charm ko tulad ng ginagawa ko sa ibang babae dahil kay Xanthe. So, I always end up making you mad. Nagpapapansin lang naman ako."

"Iba rin ang trip mo ng pagpapapansin 'no?" panunudyo niya. "Alam mo bang sa sobrang inis ko sa iyo noon kaya ko pinadugo ang ilong mo?"

Ngumuso ito. "Muntik na kaya akong magpaopera sa ginawa mo." Magaang nitong pinitik ang ilong niya. "Ang alam ko lang, kumita ang photographer ng newspaper club sa akin. Ang mahal pa namang maningil nu'n." Ngumiti ito habang isa-isang dinadampot ang mga litrato niya. "But worth it naman. These are my precious treasure." hinawakan nito ang kamay niya.

"Rui..." It's her turn to blush. Muli na naman niyang naramdaman ang pagkahulog ng puso niya dito. Ngayon niya napagtanto na hindi lang mga cake niya ang ninakaw nito sa kanya. Pati ang puso niya ay hindi niya namalayang pag-aari na pala nito.

Nagpatuloy ito. "Kapag naaalala ko iyong ginawa mo sa ilong ko, hindi ko maiwasang magdalawang-isip sa tuwing tatangkain kong lumapit sa iyo. How I missed your cooking but I contained myself. Aba, pati si Xanthe ay ibig din akong bugbugin noon at binalaang huwag kitang lapitan kung hindi ako sure sa ibig kong mangyari. Naguguluhan pa ako noon kaya ipinokus ko muna ang pansin ko sa pag-aaral.

Pero nang matikman ko ang cake mo minsang may dala si Jacob, my desire to taste your cooking again occupied my head. Sabi ko, I just need a taste of it again para matahimik na ako. But it only made me want more and more each day na magkasama tayo."

"Rui..." gusto na niyang batukan ang sarili dahil puro pangalan na lang nito ang nasasabi niya.Pero paano pa siya makakapagsalita gayong naninikip na ang dibdib niya sa mga emosyong bumabaha doon ngayon? Ang bawat salitang lumalabas sa mga labi nito'y parang isang napakagandang musika sa kanyang pandinig na ayaw na niyang matapos pa.

He touched her face. "It's not a coincidence na sumabay ako sa inyo pauwi dito. I was asked by Xanthe to spy on you while you were here. But the thought of you making meals for another man punched the lights out of me. And then I realized what you meant to me. Gusto ko pa ngang sipain ang sarili ko dahil muntik ka nang may makitang boyfriend sa katauhan pa ng pinsan ko. Hindi mo ba alam ang tindi ng pagtitimpi kong huwag masugod si Jordan tuwing magkasama kayo? I'm so jealous I thought I could die. Muntik-"

"Teka." Pigil niya dito. "Ang daldal mo naman pala." Then she pressed her lips to his surprised lips in a brief kiss. "Puwedeng ako naman? We have all the time in the world para masabi mo ang mga litanya mong iyan sa akin saka maikli lang naman ang sasabihin ko."

He smiled sheepishly. "Sige."

Napangiti siya. "I love you."

Eksaherado itong bumuntung-hininga. "Hay, salamat akala ko bukas mo pa sasabihin iyan."

"Rui naman, eh." Kinurot niya ito sa tagiliran. Tatawa-tawa nitong hinuli ang mga kamay niya at saka siya kinabig palapit dito.

"I love you too." Then he kissed her tenderly to seal their new-found relationship.

Sa hinaba-haba man ng pag-dedeny niya sa damdamin niya, sa mga bisig pa rin nito ang bagsak niya. Gaya ng pangako nito, he'll be her slave forever. A willing slave for her love. Siguradong pagbalik nila sa Maynila ay uulanin sila ng maraming tanong. But that can wait. Susulitin niya ang ilang araw pang bakasyon kasama ni Rui. Besides, nakahuli naman na siya ng pana ni Kupido.

WAKAS


*Maraming salamat sa pagbabasa! - Ella Raye Venice

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 11, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang