Chapter 11 Part 2 (Wakas)

4.3K 129 13
                                    


SHE was having a happy dream. Ang paligid ay puno ng napakaraming bulaklak. Pati ang nilalakaran niya ay nalalatagan ng mga petals. She was walking in her dreamy wedding dress.

She's smiling happily habang walang alis ang tingin sa groom niyang naghihintay sa kanya. Tumatahip ang dibdib na humawak siya sa kamay nitong nakalahad sa kanya. He's gazing at her lovingly habang papalapit ang mga labi nito sa kanya. She closed her eyes habang hinihinatay ang paglapat ng mga labi nito sa kanya.

Vanilla? She almost smiled at lalong ibinaon ang mukha sa unan. Unan? Pero kakaiba ang unan na ito. It was warm and very cuddly. Parang nais niyang matulog na yakap ang unan na iyon habangbuhay.

She dreamily opened her eyes. Nangunot ang noo niya nang mapunang sa isang dibdib siya nakasubsob. And what's worst, mahigpit ang yakap niya doon! Bigla siyang bumitiw at nilingon ang may-ari ng dibdib na iyon.

"Rui?" tulirong sambit niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Gising pala ito!

"Good morning din." Nag-iinat na bumangon ito. "Sa wakas, nakahinga din ng maluwag."

"Ano'ng ginagawa mo dito?" napapikit na nasapo niya ang ulo sa biglang sipa ng hang-over. Damn all alcohols in this world!

"Hmm... 'Yan ang napapala ng mga umiinom ng hindi naman kaya."

"It's none of your business!" she hissed. "You shouldn't be here in the first place. You maniac!" hinampas niya dito ang nadampot na unan.

"Whoa! Look who's talking. Why don't you ask yourself? Ikaw nga ang ayaw bumitiw sa akin mula pa kagabi." Napangisi ito nang makita ang panlalaki ng mga mata ng dalaga.

"W-why would I do that? I would never do that!" nag-papanic na napa-iling-iling ang dalaga. "Or did I?" bulong niya sa sarili.

Natawa ito. "Hmmm... ang mahal ko talaga, masyadong mahinhin. Halika nga rito." Impit siyang napatili nang haklitin siya nito at yakapin sa ilalim ng kumot. "I love you, say you love me too. Gusto kong marinig iyon ngayong hindi ka na lasing." Bulong nito sa tenga niya.

"T-teka." Pinilit niyang lumayo dito ngunit ang init ng mga bisig nito ay nakakapagpaliyo sa kanya. Gusto lang niyang humilig sa dibdib nitong nang-iimbita.

"Sige na, makikinig ako." He said lovingly.

Napabuntung-hininga siya. Hindi na niya maitatago pa ang damdamin niya ngayon. Ang pagpapakatotoo na lang ang kaya niyang gawin. Nahihiyang isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.Pinuno muna niya ng amoy nito ang baga niya bago nagsimula. Ang bango talaga!

"Itutuloy pa rin natin ang punishment mo. But this time, you'll be my slave forever."

"Gladly." Yumugyog ang balikat nito tanda ng pagtawa.

Hinampas niya ito. "Tinatawanan mo ako!" nakasimangot na tiningala niya ito.

"Of course not, ituloy mo lang ang pagsentensiya sa akin." Humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Ikaw din lagi ang magluluto." She toyed with his shirt's button. "Kasi, I like it when I watch you cook in that pink frilly apron." Napahagikgik siya. It's her sole entertainment.

"Tsk,tsk... Basta ba ipagbe-bake mo ako ng maraming cake. Alam mo namang weakness ko iyon."

"Uh-huh." Parang sasabog ang puso niya sa sobrang kaligayahan nang mga sandaling iyon. "Ipagbubukas mo ako ng pinto, susubuan, ima-massage, hahawakan mo lagi ang kamay ko..."

"Kung gusto mo papaliguan pa kita... ng halik."

Kinurot niya ito sa braso. "Possessive ako, tandaan mo iyan. I don't want to see you with other woman. I swear kakalbuhin ko sila! Gusto ko, ako lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Where stories live. Discover now