Chapter 5

2.8K 55 0
                                    


RUI'S eyes seemed so serious that moment. Dinibdib yata nitong masyado ang pagkakakuha niya ng litrato nito wearing that frilly apron. Based on the glint of his eyes, she could sense that he's into something.

"Sahara, hand it over this very moment or you'll regret it."

Pilit niyang sinugpo ang pag-uunahan ng tibok ng puso niya. Bakit ba siya kinakabahan? Pero ang ipinagtataka niya, hindi iyon kaba ng nerbyos o takot. Parang excited pa nga siya na ewan. Lihim siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

Pinamaywangan niya ito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? With that, isang araw pa ang madadagdag sa pagtigil mo dito."

"Wala akong pakialam. Isang araw lang naman 'yun, ayoko lang may makakita sa akin na ganito ang hitsura. Kung anuman ang mga ipinagagawa mo sa akin, dapat hindi iyon lumabas sa apat na sulok ng bahay na ito."

Napasimangot siya. "Ang arte mo naman, para 'yun lang." Kung umasta naman ito akala mo naman a matter of life and death na yun. Kung gilitan na lang kaya niya ito para maging ganoon na nga ang sitwasyon? Badtrip! "Pero hindi ko pa rin ito buburahin."

Napapitik ito. "Siguro, may gusto ka sa akin 'no?"

Kunwa'y dumuwal siya. "In your dreams!" Siya? May gusto dito?

Sa pagkagulat niya ay bigla itong humalakhak ng malakas. Nawala ang kaseryosohan nito kanina and she must admit, he really had a sexy smile! Tumalikod na ito at binalikan ang niluluto.

"Oh well, as long as hindi iyan makakalabas sa public, ok lang. I'll take action kapag kumalat yan." He smiled lazily and then he winked at her as if iyon na ang pinaka-natural na gawain nito.

Umusok ang bumbunan niya sa ginawi nito. Ang kapal lang talaga ng mukha at binabantaan pa siya!

"AYUSIN mo iyang pagpukpok at baka mabitak iyang dingding." Kanina pa hindi maalis-alis ang kunot sa noo ni Sahara habang pinapanood si Rui.

Nagpalagay siya ng pakong pagsasabitan niya ng malaking painting na gawa ng kaibigan niyang si Ariannesa sala niya. Kadarating lang nito noong isang linggo galing Amerika at ibinigay nito ang naturang painting bilang regalo sa nakaraang birthday niya.

"Ikaw na kaya dito." yamot na baling ng binata sa kanya.

Pinandilatan niya ito. "Baka gusto mong daliri mo ang pukpukin ko?" sumimangot ito pero itinuloy naman ang ginagawa.

Kinuha niya ang notebook niyang nakapatong sa mesita. Inilista na niya kagabi ang lahat ng iuutos niya dito para sa araw na iyon. It's gonna be a busy day.

"Sahara." Tawag nito sa kanya.

Hindi lumilingon na sumagot siya. "Bakit?" kasalukuyan siyang may isinusulat sa notebook na hawak.

"Bakit hindi ka pumayag na hiramin ako ni Faith? Bestfriend mo 'yun, 'di ba? Nagtataka lang talaga ako."

Natigil siya sa pagsusulat. Napahigpit ang hawak sa ballpen. "Oo, bestfriend ko si Faith. Pero hindi ibig sabihin niyon na ipapahiram kita sa kanya." Mukhang gusto yata talaga nitong ipahiram niya ito sa bestfriend niya!

"Bakit nga?" pangungulit nito.

Hinarap niya ito. Bumulaga sa kanya ang maiitim nitong mga matang nagtatanong na nakatitig sa kanya. Nakalapit na pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya napaghandaan ang biglang paghahabulan ng tibok ng puso niya. Ano ba talaga'ng nangyayari sa kanya? Nakatitig lang naman sa kanya ang binata.

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon