Chapter 11 Part 1

2.9K 61 0
                                    


Chapter 11

"HAPPY Fiesta!" masayang sambit ni Faith nang salubungin sina Sahara at Jordan pagdating ng dalawa kinatanghalian. Maraming tao nang mga sandaling iyon sa bahay ng mga ito dahil sa bahay ng mga ito ang last station ng patron ng bayan.

"Aba, narito na pala si Sahara." Ani Tita Mercy na sumilip sa pinto ng kusina. "Halina kayo at marami kaming inihandang pagkain." Yaya nito.

"Salamat po."

Kinalabit siya ni Faith nang papunta na sila sa loob. "Girl, umamin ka. Ano'ng nangyari sa inyo ni Rui? Buong magdamag ka sa bahay nila."

Namula ang mga pisngi ng dalaga. "Wala."

"With that look, alam kong may nangyari sa inyo." Impit itong napatili.

"Ano ka ba Faith, baka may makarinig sa iyo." Saway niya. Buti na lang at kausap ng mama nito si Jordan sa unahan nila. Subalit patuloy lang ito sa kakatanong sa kanya. Alam niyang hindi siya nito titigilan kaya hinila niya ito sa kuwarto nito.

"He said he loves me." Sabi niya nang makaupo sila sa kama.

Namimilog ang mga matang napatanga ito sa kanya. Maya'maya'y bigla siya nitong pinaghahampas. "Ang landi! Ang landi-landi talaga!" natatawang tili nito.

"Ano ka ba? Ang boses mo!"

"Ano ang sagot mo?" tanong nito nang kumalma na ito.

"Wala, ano'ng isasagot ko sa kanya?" nakalabing sabi niya. Napa-aray siya nang kurutin nito ang tagiliran niya.

"Ay, gagi! Hindi mo sinabing mahal mo rin siya?"

"Bakit ko gagawin iyon? Eh hindi naman totoo 'yun."

"Queen of denial ka talaga! Baka mamaya sa kaka-deny mo, maniwala sa iyo iyon at ibaling na lang sa iba ang pagtingin niya."

Napamata siya dito. "Don't tell me, you l-like him?" bakit hindi? 'Di ba't nu'ng minsan, gusto nitong hiramin si Rui? At open ito sa paghanga nito sa binata.

"Of course I like him."

Nawalan siya ng kibo. Kung gusto man nito si Rui ay karapatan nito iyon. Napayuko siya sa naramdamang bigat ng dibdib.

"Tingnan mo ito. Para kang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura mo." Natatawa siya nitong inakbayan. "I like him for you. And I know you love him too. Alam kong hindi ang tulad ni Rui ang magsisinungaling ng damdamin niya."

"Pero-" naroon kasi ang takot niya na baka niloloko lang siya ng binata.

"Trust him, friend. Dapat sabihin mo na sa kanya ang damdamin mo pag nagkita ulit kayo mamaya, ha?"

Tumango siya. Siguro nga dapat na siyang magpakatotoo sa nararamdaman niya.

HINDI maipinta ang mukha ni Sahara habang nakaupo sa swing. Inis na inis ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. Ginusto muna niyang mapag-isa at baka makapatay siya ng tao sa sobrang sama ng loob.

Kaninang pagdating nila ni Jordan mula sa bahay nina Faith ay naabutan niyang magkayakap si Rui at si Melai. Napagpasyahan pa man din niyang sabihin sa binata ang damdamin niya pero ang tagpong naabutan ay sapat na upang gustuhin niyang patayin ang nararamdaman. Sa buong durasyon ng hapunan kanina ay hindi siya nagpahalata sa mga kasama na halos hindi niya malunok ang kinakain. Nasa harap kasi niya ang dalawa.

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Where stories live. Discover now