Chapter 9

2.7K 65 1
                                    


Chapter 9

"HOY, Rui. Halika na doon." Yaya ni Jordan kay Rui sa gitna kung saan naroon na ang mga kabinataang gustong makasalo sa garter na hawak ni Mike.

"Go, Jordan! Go, Rui! Huwag kayong papayag na may ibang makakuha ng garter!" pagchi-cheer sa kanila ni Faith nang madaanan nila ito.

Hindi siya makapaniwalang si Sahara nga ang makakakuha ng bouquet. Napailing siya. Wala naman siyang pakialam doon. Prente lang siyang nakasunod sa pinsan niyang excited na lumalakad.

Nakipaggitgitan si Jordan sa gitna ng grupo samantalang mas pinili niyang sa likod na lamang pumuwesto. Hindi naman siya makikipag-agawan, kaya okay lang na naroon lang siya.

Napabuntung-hininga siya habang nakatingin kay Sahara. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito habang inililibot nag paningin sa mga lalaki. He knew that these guys see how pretty she is. Naisip niya, ito na ang magandang pagkakataon nito para makahanap ng boyfriend.

Mabilis na iginala niya ang mga mata upang sipating mabuti ang mga naroroong mga kalalakihan.

Malaki ang porsiyento na maaaring isa sa mga lalaking naririto ang magiging nobyo ng dalaga. Pansin din niyang halos lahat ng naririto ay kilala niya, at mga galing sa mabubuting pamilya. He just have to report to Xanthe na okay naman ang napili ng kinakapatid nito, tapos ang pag-i-spy niya.

Ibinalik niya ang paningin sa dalaga. Nakita niya nang huminto ang mga mata ni Sahara kay Jordan. Dapat nga matuwa siya kung ang pinsan man niya ang makatuluyan ng dalaga pero kabaligtaran niyon ang nararamdaman niya. Nakapagtatakang mabigat ang pakiramdam niya sa isiping iyon.

"Okay, here's the countdown. Three..." pagbibilang ng emcee.

Napagtanto rin niyang hindi niya matanggap sa sarili na may makakasama nang lalaki sa buhay si Sahara. Na may kasalo ito sa pagkain. Masayang nagsusubuan.

"Two..."

Na may katabi ito sa pagtulog sa kama nito. Na may kayakap at... No!

"One!"

Then the garter came floating in the air. Hindi niya alam kung ano'ng puwersa ang sumanib sa kanya nang sa pagtalon niya ay mapunta sa kamay niya ang garter na iyon. The moment he held that, he knew there's no turning back now. To hell with being a spy.

He'll be the one to get this girl.

PILIT na ngumiti si Sahara upang pagtakpan ang pagkagulat niya. Paano ba naman, kitang-kita niya kung paano mag-ala superman si Rui sa pagsalo ng garter! Ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga sandaling iyon.

Bakit nito ginawa iyon?

Impit na tumili ang emcee. "Ladies and gentlemen, nakita n'yo ba iyon? Isang San Juan ang nakakuha ng mahiwagang garter. Papa Rui, halika na dito!" Tawag nito si Rui at pinapupunta sa tabi niya.Nagpakuha ng upuan ang emcee sa isang waiter at inilagay sa tabi niya.

Naitapat niya sa dibdib niya ang hawak na bouquet habang papalapit ang binata. She thought she could hear drum rolls in her head as he approach her. Napahawak siya sa sandalan ng upuang nasa tabi niya dahil pakiramdam niya'y nanlalambot ang mga tuhod niya.

Bakit ba biglang-bigla ay naging ganito ang epekto ng mga titig ni Rui sa kanya? Ibang-iba ang ipinahihiwatig ng mata nito nang mga oras na iyon, waring nanunuot sa kanyang kaluluwa at para siyang napapaso sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon