Chapter 8

2.6K 55 0
                                    


HINDI magawang alisin ni Rui ang mga mata sa babaeng nakaupo di-kalayuan sa kinauupuan niya. Wala sa ikinakasal ang pansin niya sapagkat ang buong atensiyon niya ay okupado ng babaeng walang iba kundi si Sahara.

Hindi niya mapigilang lumapit kaninang bagong dating ang mga ito nang makitang isinuot ni Sahara ang damit na ipinasukat niya dito noong nag-shopping sila. Natutuwa siya at binili pala iyon ng dalaga. Unang kita pa lang kasi niya sa damit na iyon ay alam niyang babagay iyon dito.

Itinaas pa ng dalaga ang buhok nito na nag-expose sa makinis at mabalbong balikat at likod nito na inilitaw ng haltered baby blue dress na iyon. She's really beautiful.

"Hey, sino ba ang tinitingnan mo at hindi mo ako pinapansin kahit kanina pa kita tinatawag?" napalingon siya nang mahina siyang sikuhin ni Jordan na nasa tabi niya.

Pinsan niya ito na kadarating lang galing New York. Jordan is an international model at narito ngayon sa Pilipinas upang saksihan ang kasal ng kapatid at para makapagbakasyon na rin. Mula kasi nang maging professional model ito limang taon na ang nakararaan ay ngayon lang ito muling bumalik sa bansa.

"Wala." Sagot niya na ibinaling na ang pansin sa kasal.

"Hmm.." nakita nito kanina na hindi maalis ang tingin ng binata sa babaing naka-baby blue na damit. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae, hindi lang niya matiyak kung saan niya ito nakita.

Natapos ang seremonya nang hindi namamalayan ni Rui. Kaya nagulat na lang siya nang nagsipalakpakan na ang mga katabi.

Matapos ang picture-taking ay nagsimula nang lumapit ang mga bisita sa bagong kasal upang bumati. Sila mang mag-pinsan ay lumapit na rin. Nang makita ng bride ang kapatid ay namilog ang mga mata nito saka patiling sumugod sa kanila.

"Jordan, you're here!?" tuwang-tuwang niyakap nito si Jordan. Ang asawa nitong si Mike ay napakamot na lang sa ulo sa ginawi ng asawa.

"Congratulations, sis!" Gumanti ito ng yakap sa kapatid. "You're the most beautiful bride I've ever seen, sis." Humahangang pinagmasdan nito si Jenny.

"Thanks. Nagulat talaga ako, akala ko hindi ka makakauwi. Kaya pala sabi ni Rui may dala siyang regalong tiyak na ikatutuwa ko." Hinarap nito si Rui na nakangiting nakatingin sa magkapatid.

"I want to see your epic reaction, Jenny." Niyakap ni Rui ang babae. "Congrats."

"Kayo talagang dalawapinaiiyak n'yo naman ako kahit sa kasal ko." Tumutulo ang luhang sumbat nito sa kanila na tawa lang ang isinagot nila.

Kahit kasi noong mga bata pa sila ay hilig na nilang paiyakin ang kapatid ni Jordan. Pero kahit ganoon, alam nitong lambing lang nila iyon dito.

"Masisira ang make-up mo, Jen." Natatawang pinahid ng asawa nito ang luha ng kabiyak.

"Congratulations, bayaw. Alagaan mong mabuti ang iyaking iyan, ha?" sabi ni Jordan kay Mike.

"Oo naman, bayaw. Gagawin ko talaga iyon. I'll make her the happiest woman in the world." Buong pagmamahal na tinitigan nito si Jenny.

"At huwag na huwag mo kaming gagayahin na pinaiiyak iyan." Dagdag na bilin ni Rui. Kahit nakangiti niyang sinabi iyon, ramdam ng kaharap na seryoso siya sa sinabi niya.

"Hinding-hindi ko gagawin iyon." Puno ng determinasyong pangako nito.

Nakangiting humiwalay na sila sa mag-asawa upang bigyang daan ang iba pang bisitang nais bumati dito. Naging tila munting reunion ng pamilya nila ang okasyon subalit pawang mga tiyo at tiyahin nila ang mga dumalo dahil na rin sa kaabalahan ng mga pinsan nila sa iba't ibang lugar.

Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon