Chapter 08

2.8K 89 60
                                    

Narinig kong nag-iingay sila sa sala.

"Ano kaya yun?"

Pinuntahan ko sila at sinilip mula sa pintuan. Nagtatawanan silang lahat maliban kay Davion na nagbabasa na naman.

''Um..anong meron?"

"Oh, Annaise, 'lika dito tamang tama." sabi ni Zet. Umupo ako sa tabi ni Davion dahil wala na rin bakante.

"Nag-uusap kasi kami tungkol sa kabataan ni Davion at Kaf." Az said as he laughed hard. "Alam..mo..kasi-haha...hahahaha!"

Di pa nga siya nag kukwento ay natatawa na siya. Hahaha, pati ako natatawa dahil nakakahawa ang tawa niya.

"Wag ka ngang tumawa!" sigaw ni Kaf na napatayo sa kinauupuan niya. "Well, well, relax lang." Zet pulled Kaf back on his seat at sinumulan niya na ang kwento.

"Silang dalawa ay magkasama noon pa. Alam mo ba tong si Kaf iyakin to hahaha!''

Tumawa ulit sila habang magkekwento pero si Kaf naman nahihiya at naiirita. Parang gusto niyang suntukin si Az eh.

"Takot din siya sa papa niya hahahaha, lagi siyang tumatakas sa kanila," dagdag pa ni Zet. Davion suddenly snickered habang tinatabunan ng libro ang bibig niya.

"Pati ba naman ikaw Vion? Argh!"

Ginulo ni Kaf ang buhok niya sa sobrang asar. For some reason na enganyo akong makinig dahil bihira lang silang mag kwento tungkol sa mga sarili nila.

''Kita mo? pati si Vion natawa."

"Hahaha, ano bang nangyari?" tanong ko. Nagsmile si Zet habang nakatingin sa taas. Inalala niya ang lahat na naganap noong kabataan nila.

"We might as well tell you,"




Flashback 13 years ago 


Pinakilala ang batang si Kaf ng Lord of The Underworld sa lahat.

"Ito ang aking anak, ang pangalan niya ay Ishkafel at siya ang appointed heir ko."

Oo, Kaf is the prince of the underworld. Lumuhod ang lahat ng devil sa harap niya. Limang taong gulang palang siya noon at di pa tapos ang ang ceremony pero tumakas na siya sa seremonya at pumunta sa labas. May nakita siyang isang batang lalaki na nasa ilalim ng puno. Nababasa ito ng libro na parang walang pakialam sa mundo.

"Ano yan?" tinanong niya pero di siya pinansin nito. "Hoy kinakausap kita ah!" dagdag niya. Pero hindi parin siya pinag tuunan ng pansin ng bata.

He pouted. "Hoooy!" ginawa niya ang lahat para pansinin siya nito pero walang umubra. "Bakit magkaiba ang kulay ng mata mo?" tanong ni Kaf. Biglang nagulat ito ng sinara ng bata ang libro niya at tumayo. Hindi man lang siya tumingin kay Kag at tumalikod nalang ito at lumayo.

"H-hoy!"

Biglang dumating ang mga bantay ni Kaf. "Master Kaf, bumalik ka na sa loob."

Ayaw sana niya pero napilitan siya. Inaalala niya ang batang nakaupo sa ilalim ng puno at nagsimulang magtanong sa mga bantay niya.

"Sino ang batang yun?" tinuro niya.

"A-ah, di ka dapat lumalapit sa kanya." wika ng bantay.

"Bakit naman?"

"Ang batang yun ay sinumpa."

Hinila na nila agad si Kaf papasok. Makalipas ang ilang araw nakita niya naman ang bata sa punong yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Where stories live. Discover now