Chapter 05

1.6K 49 3
                                    



"Si Davion at Annaise?" people around us murmured.

"Annaise!"

"Yeli..." I wiped my tears.

"Ayos ka lang ba? nag-alala ako ng sobra.''
"Ayos lang ako...I just twisted my ankle."

Nilapag ako ni Vion sa mesa at nilapitan ako ng teacher at in-examine ang binti ko. "This is bad, you won't be able to go on activities for a while. Magpahinga ka muna sa kwarto niyo." wika ng teacher na punong-puno ng pag-aalala ang mukha.

"Opo...pasensya na sir."

Tumingin si Kaf sakin then his gaze turned to Davion. ''Buti naman nahanap mo ang baliw na babaeng 'to.''

"Hmm..." sagot ni Vion.

"First time lang kitang nakitang gumawa ng ganung bagay, at sa tao pa."
Agad naman tumalikod si Vion na parang umiiwas siya sa tingin ni Kaf.

"My body just reacted on it's own...yun lang...ikaw na bahala..."

Pagkatapos umalis ni Vion, kinausap ni Yeli si Kaf na alalayan siyang dalhin ako sa assigned room namin. Hindi naman tumanggi si Kaf pero masyado na akong nahihiya dahil naabala ko pa sila ng sobra. Pinag-alala ko talaga sila, naguguilty tuloy ako. Bakit ba kasi napaka clumsy ko? nakakainis!

Nagpakawala ako ng buntong hininga nang lumapit si Claude sakin at humingi siya ng paumanhin.

"Ako yung tumakbo kaya ako dapat sisihin, sorry."

"Mag pagaling ka." I nodded.

Dahan-dahan akong tumayo at kumapit sa balikat ni Yeli at Kaf, di na kami nag-aksaya ng panahon at dumiretso na sa kwarto. Pagpasok namin agad nagreklamo si Yeli sakin.

"Geez, you're so clumsy." Yeli pouted as she fixed my bed.

"Sorry." payuko kong sabi. Tumingin ako kay Kaf, he didn't say anything but-

"Kaf, sorry kung pinag-alala ko kayo."

Nagtaas agad siya ng kilay at napatupi ng mga braso niya. ''Di ako nag-alala sayo, idiot.''

What?! grabe suplado talaga grrr!

He went ahead and closed the door. What's with him? just when I was about to think there's good in him. I got a little sulky sa inasal niya at napasimangot. Bakit pa ako nag expect? he's a devil so he just acted like one. I'm an idiot for thinking he's going to treat me like a friend.

"Although sinabi niya yun, siya ang naghanap sayo kanina sa gubat."

Nakangiti si Yeli habang inaayos ang iba pa naming kagamitan sa closet at drawers.

I gasped. He did? that devil did?

So he was worried about me...napangiti ako ako habang iniisip yun kasabay ng pag takip ko sa mga labi ko. Baka hindi lang siya marunong mag express ng nararamdaman niya towards other people. Umupo ako sa kama ko at agad inabot ang suklay. Habang sinusuklayan ko ang mahaba kong buhok, siniko ako ni Yeli.

"Anyway...anong nangyari sa inyo ni Davion?"

Yung itsura niyang parang curious na kinikilig. "W-walang nangyari!" I blushed.

"But for someone like Davion to do that, It isn't like him. He gives off that 'wag kayong lumapit aura,''

Di ko rin maipaliwanag kung bakit eh. Ang weird niya kasi, yung tipong on and off. Una aawayin ka niya or di papansinin and the next thing tutulungan ka niya at magiging mabait siya sa'yo. Plus his behaviors are strange. Tumayo si Yeli at pumunta sa kusina at nagtimpla ng hot chocolate.

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon