Prologue

4.2K 59 0
                                    


Nung araw na iyon, ano ba talaga ang nasa likod ng pangyayaring naging dahilan ng pagbago ng buhay ko?
Namatay ba ko? Pinatay ba ako? Patay na nga ako.



May humarurot na sasakyan sa harapan ko. Hindi ako nakagalaw, let alone be able to scream or shout knowing I would get hit. 

Sa nakita ko, nasira ang brake ng sasakyan. Nakita ko lang ang dalawang taong nasa loob ng sasakyan na iyon ay nagsisigawan at nag-aaway sa mga huling sandali ko. Nasagasaan ako, and I didn't survive the impact. 


Pagmulat ng mata ko, nasa di maipaliwanag na lugar ako, Napaka dilim at kakaiba.

"Ano to...? Patay na ba ako...?"


Sa pagkakaalala ko nasagasaan ako at-

 Lumingon lingon ako ng may narinig akong nag-uusap mula sa malayo.
 "Tingnan niyo, gising na siya."

Tinig ng lalaki ang narinig ko. Isa sa kanila ang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. I never seen anyone so intimidating before. Tiningnan niya ako ng malamig na ekspresyon.

"S-sino ka?" Panginig kong tanong.
Di sya sumagot. "Kaf, kakainin mo na ba siya?"
May isa pang lumapit na nakangiting lalaki na nagmula sa kadiliman. Nakasuot siya ng itim na sombrero at ang pananamit niya ay ang tipong walang magsusuot sa kapanahunan ngayon, it was old fashioned. 


Kakainin? ako? anong pinagsasabi nila?


"Ang daya...akin nalang ang kaluluwa niya."

At heto na naman, pagkatapos ng isa may isa na namang sumunod. Parang popping mushrooms.


Mataas siya, medyo payat at weird. Ang buhok niya ay parang di nahuhugasan ng ilang araw dahil napakamessy tingnan. Nakasuot siya ng sweater at ripped jeans. Ang nakakuha ng atensyon ko, ay ang maiitim na eyebags na nasa ilalim ng mata niya. He hardly gave any expression for me to read at naglalabas ng napakagloomy na aura. 

"Tigilan niyo yan, tinatakot niyo siya."

Ang pang huling lalaki  na lumabas ay parang normal lang. But then again, hindi mag-iiba ang katotohanan na nandito parin ako sa napaka-uncomfortable na sitwasyon kasama ang mga binatang nasa harapan ko. 

''Akin ang isang to.''

 Ang lalaking nakatitig ng malamig kanina ay naglakad papunta sa akin pero ngayon, nagpalabas ito ng nakakatakot na ngisi sa mukha niya na naging dahilan ng pangangangilabot ko. 


I-I need to run!

Tumayo ako kaagad at nagsimulang tumakbo palayo sa kanila, pero napaurong ako ng biglang napunta sa harap ko ang tinatawag nilang ''Kaf'' kanina. H-how did he?!-

''Sinong may sabing umalis ka?'' Binuhat niya ako.

"H-hoy sandali!!! Saan mo ko dadalhin?! Put me down!"

Di niya pinansin ang mga tanong ko.


Naramdaman ko ang takot at panghihina.

Maya maya pa ay dinala ako sa parang isang kakaibang living room at tinapon sa sofa.

"Aray!!"

100-Day Contract With The Devils (Original Tagalog Version)Where stories live. Discover now