Chapter 47

1.2K 36 2
                                    

I miss this place! Inilapag ko na ang mga gamit ko sa lapag at nagdive na sa kama ko. Pinauwi na kami nila mom dahil miss na nila daw kami. Bakit pa kasi pinalayas kami diba? Napabangon ako nang nagring ang phone ko.

(Conversations are BOLD)

"Yes?" Ako.

"Gel, Natsu to. Punta ka sa Club 777 sa Manila."

"Bakit?"

"Si L eh. Napaaway. Alam mo naman yun."

"O sige osige. Papunta na."

Binaba ko na yung tawag. Dinala ko na ang phone ko at bumaba.n

"Ate kain na!" Sigaw ni Zack.

Naamoy ko yung Bango ng Beefsteak! Makakapaghintay naman siguro si L noh? Hahahaha! Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Tahimik kaming kumain pero binasag agad yun ni Dad.

"So, I heard na pumunta ka Gel sa Cemeron.At pumunta rin si Lyle."  si Dad. nagpapaka-Inspector nanaman.

Tumango lang ako.

"Ano relasyon niyo ni Lyle?"  Si mom.

"Kopol." Mahina kong sagot. Tumayo na ako. "I got to go. May pupuntahan lang ako." Lumabas na ako at pumunta sa doon.

Club 777

"Nasan si L?" Tanong ko kay Twyla.

"Bakit ang tagal mo? Nandun sa V.I.P. Lika." Sambit niya.

Pagpasok sa Kwarto nakita ko si L na nakikipaglampungan sa isang babaeng naka red tube dress.

"Mukhang hindi na pala ako kailangan. Kalmado na oh." Sabi ko.

"Angel, Lasing lang yan kaya ganyan." Pakiusap ni Dale.

Naoabuntong hininga ako. Nilapitan ko siya. Hinawakan ko sa braso yung babae at inilayo.

"Ano ba?! Epal ka!" Sigaw sakin ni L.

"I-I j-just want t-to Heal your w-wounds.--" Natatakot na akong magsalita.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Sigaw niya.

Natulala ako. Hindi na niya ako kailangan. "B-bakit ba naglasing siya?"

"Dahil sainyo ni Lyle. Pumunta kasi siya sa School. Narinig niya si Wade. Kaya ayun." Kaya naman pala. Inilayo ko ulit yung babae at hinila si L palabas.

"Ano ba?! Kanina ka pa ah?! Lumayas ka na nga!" Sigaw niya.

"Hindi ako aalis. Halika na."Sinangga niya yung kamay ko at tinulak ako ng malakas kaya napadausdos ako sa carpeted floor. 

"Hindi kita kailangan okay?!" Madiin niyang sabi.

Linapitan ko siya at sinapak. Binuhat namin siya ni Natsu at dinala sa Bahay nila.

--

"Angel"

*poke poke*

"Angel!"

"Ano?!" Pasigaw kong tanong.

" Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Tss. Inalagaan kitang balahura ka. Tinaboy taboy mo pa ako." Natahimik siya ng sandali.

"Ah." Malungkot niyang sabi.

Napansin kong nagiba ang timpla ng mukha niya. Mukhang naalala na niya. "Ah. Baba ka na. Kain ka na." Kiniss ko ang forehead niya at umalis na.

St. Carol's

"kayo na pala!" Sambit ni Andy.

"Uh Yeah. " Sagot ko.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now