Chapter 30

1.5K 41 1
                                    

Angelique Kae Divine Navarro

Taas noo akong naglakad sa hallway. wala akong pake kung iba na ang may-ari nitong eskuwelahan na 'to. Eh ano nga naman? I'm a Student here. I have the rights. Pinagtitingginan na nila ako. Ganda ko raw kasi. :) It's Tuesday. May Exam kami ngayon. Hindi naman ako bumabagsak. actually, ako ang isa sa mga matatalino sa eskuwelahan na ito. Papasok na ako sa room nang nakita ko sa isang way na harap ko ang Tropa pips ni wade. nang nagkatapat kami Pumose pa sila sa harapan ko. Tinaasan ko sila ng kilay. Pumasok na lang ako sa room at umupo malapit keyla Andy na mukhang sawing sawi.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Nakakahiya eh. Dati ako yung nag-hahari harian eh." Nakayuko niyang sabi

"Oh e ano? Tss. Kung tutuusin mas ma-angas pa kayo sa mga yan eh. Syempre, Inensayo ko kayo!"  sambit ko

"para dito ba yung training na yon?" Tanong ni Jiro.

Tumango tango na lang ako sa kanila. Pinagmasdan ko kung paano marahas na paalisin yung estudyante sa harapan. Umupo si wade dun at yung lalaki naman eh nakatayo at naghahanap pa ng upuan. Inilibot ko  ang aking mata. wala nang bakanteng upuan.Tumayo ako at lumapit sakanya. 

"Umupo ka na dun." sambit ko sakanya

"S-sure ka?" Nag-aalala niya pang tanong.

"Uupo ka o kakaladkarin kita don?" panakot ko sakanya

Nagmamadali siyang umupo doon at nanahimik. Napatingin naman ako keyla Jiro. They smiled at me. Problema non?

"Huwaaw." Tumayo si wade at humarap saakin. "Nag-papaka Bayani! Plastik ka rin eh noh?"  Hindi ko siya pinansin. kinuha ko na lang ang phone ko at ipinasak ang earphones ko sa tenga ko.

"Aba't Bastos ka ah!!" bahala ka diyan sa buhay mo. Bigla niyang tinanggal ang earphones ko at kinuha ang cellphone ko at nilapag sa kung saan.

"Tsk! Ano bang Problema mo?! Inaano ba kitang gago ka?!" malakas na sigaw ko sakanya

"You Bitch!" sigaw niya.

"STOP!" Malakas na sigaw nung pumasok. Ay. Teacher pala.

"Kayong dalawa! Mahirap ang I tetest niyo!"  sambit samin ni Teacher Julie.

Tch. Baliw 'to ah. Binigay niya saaming dalawa ang test papers namin. Unang tingin ko palang ang hirap na.

"tsk. Ikaw kasi eh!" Bulong ko sakanya. sabay Dila sakanya.

"Ikaw nga yun eh!"   Sambit niya

"Kayong dalawa! Tumigil na kayo!"

Mabilis kong sinagutan yung test paper ko. 

--

Naunahan ko silang lahat sa pag-pasa ng test papers.

"Tss. Pasikat." Bulong ni Dealeen.

"Gusto ko na kasing umalis dahil 'di ko na kayang mag-stay kasama ka." sambit ko sakanya

"I bet puro mali yang nasa test paper mo." hula niya.

"baka naman yang test paper mo ang dinedescribe mo?!" sambit ko sakanya.

"Oh really? ----" naputol ang sasabihin ni dealeen ng nagsalitsi si teacher Julie.

"para walang away, I checheck ko na ngayon test paper ni Angel! Ngayon, Manahimik kayong dalawa!" Sambit ni Teacher Julie.

ilang sandali tumayo yung teacher at lumapit sakin.

"You're a genius Angel! You've got the perfect score!" Masaya niyang sambit.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now