Chapter 25

1.5K 41 0
                                    

Several days had passed. And yes , pinayagan ko siyang manligaw. It’s been 2 weeks. I think. Everyday, sundo’t hatid ako from dorm to classroom and pag uwian classroom to a small date and uwi sa dorm. Ganyan ang routine namin. Kahapon nag bigay siya ng isang basket ng branded chocolates. Ewan ko lang ngayon kung ano bibigay niya. Hindi niya ako nasundo dahil sabi ni jiro nalate daw ng gising. Hanggang ngayon wala parin siya.

“Ma’am.”

Speaking of.

Hindi ko siya tinignan dahil sa isang importanteng rason. Nagsusulat ako ng notes ng kaklase ko. Malapit na kasi mag periodical.

*EHEM*

Napa-angat ako ng tingin. Nasa harap ko si andy. Halata sa mga mata niya na puyat talaga siya. “Roses for you!”

O___________O Agad kong nilayo yung bulaklak at pumunta sa harap para lang makalayo sa kanya. Tinakpan ko na ang ilong ko.

“A-ayaw mo ba?” Teary eyed na sabi ni Andy

Kawawa naman si Andy!
Bwisit siya!

Like duh! Siya na nga binigyan eh!

Sabi nung iba. Napatingin agad ako sa balat kong nangangati na.  Namumula na. Tumakbo na ako palabas , walang paalam sakanya o dun sa teacher na nasa harapan.

--

Nagising ako dahil sa mga pesteng lamok na kumakagat sakin. SHIT! Tinignan ko ang orasan ko , It’s 7:30 pm! I missed dinner!  Tumayo ako at kinuha ang phone ko , pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa dorm.

“Oy Angel! Saan ka galing?! Pinaghahanap ka namin! San ka ba nag-sususuot?!” Tanong ni Miracle

Hindi ko sila pinansin at pumasok nalang sa C.R . Anong sasabihin ko sakanila? Sasabihin ko ba sakanila na ayoko sa mga Bulaklak lalo na ang mga Roses o magiging cold na lang ako? Oo Tama! Naghilamos muna ako at lumabas na.

“Hoy Hindi ka sasagot?!” Sigaw ni Poppy

Tinitigan ko lang siya.

“Eh P*ta ka pala eh!  Pinag-mukha mong tanga don sa Andy!---“ Pinutol ko ang sasabihin niya

“Anong Problema mo?! What’s the big deal?!” Tanong ko sakanya.

Halos silang tatlo ay nanigas sa sigaw at hitsura ko. Kitang kita sa mga mata nila ang takot. Nnag nakarecover si Poppy , nagsalita agad siya.

“sana hindi mo siya pinagmukhang tanga.” Sambit niya at umalis silang tatlo sa kwarto.

Napasimangot na lang ako. Tinignan ko yung phone ko. Weird. I thought by now napakaraming missed calls  and texts saakin ni Andy. Pero tanging texts and calls lang ni poppy ang nakita ko. Nothing from him.

n  Two years Later—

Dalawang walang kwentang taon ang lumipas. Madaming nagbago. As in sobrang dami. Una , ang St. carol’s ay hindi na isang boarding school.  Pangalawa , nawala ang uniform dito – Parang collage lang. Pangatlo  , nawala saakin ang tatlo kong kaibigan –Ay! Lahat pala. Pangapat , kinaiinisan, kinatatakutan , pinagmamalaki , pinagtsitsismisan ako dito sa campus --- In short sikat ako rito. Panglima, Tumigil na si Andy sa panligaw saakin two years ago.

Alam niyo kung bakit tumigil siya? Tinatanong ko lang. Hindi ko rin kasi alam ang sagot. That night pag-alis nila Poppy sa kwarto , Binaba ko ang pride ko at nag-sorry ako sa kanya ng personal. Pero ang natanggap ko ay mas matindi pa sa murder.  He said he gives up at tumalikod palayo saakin. Yung pakikitungo niya saakin ngayon? Malamig na malamig.

Pinagsisihan ko. Pero wala na akong magagawa. Sa ngayon sina Poppy , Miracl , Gelica ang mga representative sa mga Quiz bee , etc. In short Nerds pero masyado silang sikat para tawaging ganoon. As for Harriet , the Head girl, She transferred to another school. Ang pinaka sikat ngayon ang tatlo. Sina Kyle Sagabaen , Jiro Buenaventura at Andrei Kingsley. They’re the most Hottest pick here in Carol’s.

~KKKRRRIIIINNNGGG!!~

It’s lunch time. As usual ako ang huling lumabas ng classroom. Kinuha ko ang bag kong halos walang laman at pumunta na sa royal room. Walang pinagbago sa class schedules o lunch. Natanggal lang ang breakfast at dinner.

-Royal Room-

Tahimik at nakayuko akong pumasok. Actually , Firs tday ko ngayon as a 3rd year highschool student. Nag-iba din ako ng pananamit at inalis ko muna ang heavy makeup ko na lagi kong suot last year. Walang nakapnasin sa presensya ko. Umupo ako sa table na bakante , ako lang mag isa. Nang mai-angat ko ang ulo ko nanlaki agad ang mata ko. Katapat lang ng table ko ang table nila!

Yes! I’m fuckin’ inlove with him! Pero --- Mukhang na-Fall out na siya sakin. Ano?! Ako na ang maghahabol? Hayyszx! Tumayo siya ng nakita ako at pinatahimik ang buong room.

“This is a place to eat not to chat.” Diretso niyang sabi habang nakatingin parin saakin. “ And you!” Turo niya sakin.

Namula agad ako at tumingin sa likod. Paktay! Ako nga ang tinatawag! Tumayo ako as a sign of respect sa kaisa isang anak ng principal.

“Don’t you know the rule? Bawal kumain mag-isa. You must be new around here.----“ Pinutol ni  kyle ang sinasabi ni Andy

“Ang dami mo pang sat-sat! Dito ka na umupo , newbie. Tutal absent si Cal ngayon.” Sambit ni kyle. Since wala akong choice umupo na ako dun at nasa tapat ko pa si Andy at katabi si Jiro. Torture! Maya maya nagsimula nang i-serve yung pagkain. Tahimik ang lahat. Ang tangi ko lang naririnig ay ang grandfather clock at ang ingay na nagagawa ng mga kutsara at tinidor sa babasaging plato. Kumain ako ng tahimik na nakayuko parin.

“Don’t eat like that.”

Napa-angat ako ng ulo ng magsalita tong katabi ko.  “Ano nga pala name mo?” Tanong naman ni Kyle. Mabilis kong sinubo ang huling pagkain na natira sa pagkain ko. Tumayo ako at sumagot.

“Angelique.” Cold kong sagot at umalis na lang sa Royal room.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now