chapter 34

1.4K 39 0
                                    

Lyle Domingo

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari kagabi. First of all, yung pag-gising niya sakin. Do we really have another choice? Another option? Alam niyo nagtaka ako ng kaunti kay Angel. She doesn’t seemed angry dahil kinuha namin ang blood niya. And parang she’s perfectly fine na magaganap ang Legacy? Ang purpose naman talaga ng legacy ay mapatay sina Andrei at Angel. Because both of them are big time sons and daughters of the legendaries. At a very young age lumalaban na agad si Angel. Second, yung tatawag niya sana saakin kagabi. Parang pamilyar pero hindi ko maalala. Parang—

“Hoy! Busy ka nanaman jan sa pagmumuni-muni mo!” Sigaw ng girlfriend ko, si Dealeen.

We don’t treat each other like couples. Hindi naman talaga kami. It’s like those boy-girlfriend contracts. She needs a boyfriend para makuha ang mana niya sa lola niyang malapit nang mamatay. Malubha na ang sakit kaya siguro mapapabilis ang fake relationship namin. Tinitigan ko lang siya. Lunch ngayon at nandito kami sa table namin. Nakatingin lang ako sa labas. Since ang cafeteria walls ay glass walls. Kaya kita ang field.

“Hay nako dea, alam mo namang ganyan palagi si Lyle eh. Dito ka nalang sa tabi ko.”- chris.  -______- Kahit kelan talaga , ang landi nitong lalaking ‘to.

“Nga pala, na-announce na ni ML dun sa b-day bash niya yung tungkol sa Legacy.” Cold na sabi ni wade.

“Hay salamat! Matatapos na rin ‘to!” sabi ni Mikayla.

“NANDIYAN NA SI ANGEL!” Sigaw ng isang lalaki. In an instant, lahat ng estudyante ay tumahimik. Lahat nang pumipila pa ay humarap  hawak hawak ang mga tray nilang may pagkain. Pumasok ang isang babae na naka dress na black with boots at leather jacket. Humarap siya dun sa mga estudyanteng may hawak na tray at kumuha siya ng isang tray mula sa isang estudyante.

Ang sunod na pumasok ay isang duguang lalaki na agad humingi ng tubig. May pumasok ulit. Sina Andy kasama sila Poppy. Bakit ba lahat sila nakablack?! Pumasok ang tito ni wade na ang alam ng lahat ay tatay niya ito.

“Anong problema dito?” Tanong niya.

“Bakit mga nakablack kayo?” Umirap lang si angel at umupo sa malapit na table saamin.

“Ngayon kasi pinatay yung puso ko two years ago.” Sagot ni andy.

“Dinadamayan namin yung kaibigan naming namatay two years ago.” Poppy at tumingin sila kay Angel.

“Ikaw angel?” tanong ni tito.

“Tss, para namang nakaputi ako araw-araw. -________-“ mahinang bulong ni angel.

“As much as possible ayokong nakaitim kayo. Mukhang may patay!—“ naputol ang sasabihin ni tito dahil nagsalita si angel. Bigla siyang tumayo.

“May patay nga.” Seryoso niyang sabi.

Huh? May patay? Sino?  

Angelique Navarro

Napatayo ako ng nakita kong naglalakad si Annabelle na may hatak hatak na lalaking duguan. Ayan ba yung binugbog ko kanina? Tinignan ko ang cafeteria. Hindi. Ayun yung binugbog ko kanina oh! Nakatingin saakin. Tumingin ulit ako sa glass wall. Nakatayo si Annabelle doon. Nakakatakot ang hitsura niya. Hindi siya yung Annabelle na kilala ko. Tumingin ako kina lyle. Halatang nagtataka rin sila. Wait! Hindi ba nila nakikita?! Humila ako ng isang estudyante at tinanong ko.

“Anong nakikita mo sa harapan mo?”

“y-yung f-field?” Sagot niya. Oo alam kong hindi talaga nila makikita si Annabelle pero yung p-patay. Nakatingin parin sila sakin. Lumabas ako ng cafeteria at lumabas ng forbidden gate. I stopped nang nakita ko ang old fountain. Biglang lumabas si Annabelle.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now