Chapter 28

1.6K 41 0
                                    

Jiro Buenaventura

Nasa labas pa lang kami ng Emperor eh nakanganga na ako. Sobrang ganda! Liningon ko sina Andrei. Katulad ko manghang-mangha din si Kyle. Pero itong si Andrei, Bakas na bakas sa mukha ang pagtataka. Sinundan lang namin si Angel. Huminto kami at naupo, nandito ata kami sa kungtawagin ay Living room. 

"Pakitawag si Ash." Utos ni Angel dun sa isang lalaking nakakulay black.

nang maka-alis yung lalaki agad na nagsalita si kyle. "Ang ganda anamn dito! Parang palasyo!" Kumento ni Kyle

"Hahahaha!! Almost." Masayang tugon ni Angel.

"Parang Pamilyar na itong lugar na 'to." Mahinang sambit ni Andrei.

"Huh? Tago itong lugar na ito. Mga relatives ko lang at ang mga kaibigan ko pati na rin ang mga kaibigan ng mga magulang ko ang nakakapasok dito. How can you say na pamilyar ito?" Nagtatakang tanong ni Angel kay andrei.

Andrei just shrugged at her. " Ewan. Parang nakapunta na ako dito eh." Sambit ni Andrei while looking at the Gold Antiques. Napatingin naman ako kay Angel. Nawala ang mga ngiti sa labi ni Angel. Nag-bago agad ang kanyang pakikitungo. Medyo naging ...  Weird. Mga ilang segundo, bumalik yung lalaki.

"Ready na po." Napatanggo na lang si Angel. Tumayo siya. "Sumunod kayo sakin." Sambit niya

Pumasok kami sa isang Glass Elevator. Pinindot niya ang 3rd floor.Nang makarating, Naglakad agad si Angel patungo sa isang kwarto. Binuksan niya ito. Sa loob ng Kwarto ay may isang malaking kama. Queen sized bed ata.  Malaki ang Kwarto. May mga damit na nakalatag sa kama. May mga Drawers, cabinets , Bathroom, Sofas at kung ano ano pa. Nakapag-paganda ng kwarto ang Very very light blue nitong kulay at may mga kaunting dark blue na color para sa mga higlights ng kwarto.

"Dito ka Jiro." Nagulat na lang ako sa sinabi ni Angel. " Sige na. magpahinga ka muna." Pumasok na ako sa kwarto at sinarado na nila ang pinto.

Andrei Louise Kingsley

Nang masarado na ang pinto , sumunod na binuksan ni Angel ang isa pang pinto. Medyo malayo ang agwat ng pinto ni Jiro sa pinto na pupuntahan namin. sobrang laki ng agwat. mga 5 dipa pa para makapunta dito. 

"Kyle." Sa pagtawag ng pangalan ni kyle eh agad siyang pumasok doon. 

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. D-dalawa lang kami. 

"Huy!" Utas niya sakin. napatingin ako sa kanya. malayo na siya sakin. Lumapit siya at tinignan ako. "Bakit pawis na pawis ka? Masyado bang mahina yung Aircon?" Hindi ako nakasagot. bakit nga ba ako pinagpapawisan? Pinindot niya yung button doon sa wall at nagsalita. " Paki-lakasan yung AC!"  At humarap sakin.

O_______O Na-Nakakakaba. "Tsk! Ganyan ka na ba ngayon? Grabe ka pagpawisan oh!" Nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang pawis ko.HINDI AKO MAKAGALAW! " Halika na nga! Dadalhin kita sa kwarto mo."

Makalipas ang dalawang Dipa mula sa pinto ni kyle nakita ko ang dalawang magkatapat na Pinto. Itinuro niya ang Pinto na nasa gilid ng mga pinto ng kaibigan  niya. "Kwarto mo yan." Binuksan niya ito at pumasok sa loob. Sumunod ako sakanya. Kulay Dirty white ang kwarto. may mga Black Decors din ito sa mga sulok ng kwarto.

"Like it?" Tanong niya. Natauhan ako. I smiled then tumango-tango. Napkatawa na lang siya. Ang ganda niya----- Ay! Putcha! Wala wala! "Ah Sige. Yung Kwarto ko nasa tapat mo lang. Sabihin mo na lang sakin kung may kailangan ka--- Kayo Pala." At yumoko sabay alis.

Cute.

nahiga ako sa Kama ko. Napakalambot. Mas malabot pa kesa dun sa higaan ko sa bahay ko. Tinignan ko ang mga paintings na nakasabit sa kwarto ko. Mga Paintings ng nature. Napakaganda. Tinignan ko ito ng mabuti. Sa ibabang part ng painting nakita ko ang isang pirma at isang pangalan sa baba nito.

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now