Chapter 25 : Their Death II

777 23 0
                                    

Chapter 25 : Their Death II

————————————————————

"P-PATAWARIN niyo ako" bulalas ni Emerson. Ayaw na niyang magsinungaling. Gusto na niyang ipaalam ang katotohanan sa kanyang mga kaklase.

"Pero bakit.." nagpipigil na tanong ni Joel. Nanggigigil siya sa kaharap niya. Hindi niya lubos akalain na may mangyayaring ganitong bagay sa kanila.

"Pinagkatiwalaan ka namin... Bakit mo to ginawa ?"

"....Hindi ko sinasadya, Hindi ko alam na aabot ang lahat sa ganito.." Napapailing na sagot ni Emerson, patuloy pa ding tumutulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

"Bakit mo nga ginawa!?" sa oras na ito ay hindi na napigilan pa ni Joel ang sumigaw.

"...Nung una, akala ko..Akala ko para mawala ang sumpa ay kinakailangan kong maipasa sa iba ang video na yun, kaya naisip ko na ipalagay sa data room ang video copy na meron ako"

"... Pero hindi pala... Nagkamali ako... Nagkamali ako, at huli na ang lahat."




*

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Jason. Nakita niya ang isang sasakyan na nakatigil sa may daan. Nasisiguro niya na ito na ang sasakyan na ginamit nina Aries at Kyle papunta dito.Dahil wala namang ibang sasakyan ang napapadaan pa dito, sa madaling sabi. Abandonado na ang lugar na ito.

Mabilis niyang tinahak ang mapunong daan para mahanap sila.

Sana hindi pa siya huli.

Tinawag-tawag na din niya ang pangalan ng kaibigan ngunit kahit isa ay walang sumasagot .

May nakita naman siyang daan na pwede niyang tahakin kaya't sinundan niya ito.

"Kyle!"

Ngunit nangingibabaw lang ang kanyang boses na naroon.

Pinagpatuloy niya ang paghahanap. Hindi pwedeng hindi niya mahanap si Kyle. Hindi siya makakapayag na may mamatay nanaman na isa sa mga kaibigan niya.

———

"Malapit na ba tayo? parang kanina pa tayo lakad ng lakad ah" hinihingal na saad ni Kyle. Bahagya siyang napatigil at inilagay ang mga kamay sa kanyang tuhod. Kanina pa siya pagod na pagod.

Hindi naman siya nakatanggap nang anumang salita mula sa magkapatid, nauuna kase siyang maglakad, iisa lang naman ang daan na pwede nilang daanan kaya nasisiguro niyang tama ang tinatahak nila. Sabi kase ni Aries kanina na deretso lang talaga ang daan papunta doon at kapag malapit na sila ay may makikita daw silang maliit na kubo, ngunit kanina pa sila naglalakad ay parang hindi naman nila marating-rating ang destinasyon.

"Saglit lang, pahinga muna tayo" hinihingal niyang saad. Mabuti na lang pala at may puno doon kaya naman umupo siya sa ibaba nito.

Tinignan niya ang magkapatid na nananatiling nakatayo, kaya naman ay tinitigan niya ang mga ito.

"... Magpahinga muna tayo, kahit mga 15 minutes lang" sambit pa ni Kyle na bahagyang tinignan ang relos niya 1:30 pm na pala at hindi pa sila nanananghalian. Kinuha naman niya ang bag at balak sana niyang kunin ang baong tinapay—nang makita na papalapit si Aries sa kanya.

"Oh, may dala akong Tinapay, hati-hati na lang ta—"

"Patawad"

At sa isang iglap ay parang naduling si Kyle. Sinuntok siya ni Aries upang mawalan ng malay. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at mabilis niyang sinipa ang lalaki. Dahilan upang matumba din ito. Agad-agad siyang tumayo at binigyan nang nagtatakang tingin ang magkapatid.

CLASS 203 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon