Chapter 14: Why's

868 25 0
                                    

Chapter 14: Why's

—————

***

"FRANCISS!"

Napalingon naman si Franciss sa kanyang likuran nang tawagin siya nang kanyang kaibigang si Aries. Binigyan niya ito ng tingin na nagtatanong, pauwi na sana siya nang tawagin siya nito.

"Oh bakit?"

"Wala lang, ito naman napakasuplado! sasabay lang ako pauwi" nakangiti nitong saad habang nanunukso din. Ngumiti naman si Franciss at tinahak na nila ang daan pauwi.

Magkalapit lang kase ang kanilang bahay kaya naman madalas ay sabay na talaga silang umuwi. Nasa 4th year College na sila ngayon at kumukuha sila ng kursong BS Phsycology.

"Nga pala buti na lang magkagrupo tayo sa Thesis natin!" magiliw na sambit ni Aries, napatango naman si Franciss dahil alam naman niyang maasahan ang kaklase.

Wala pang labing limang minuto nang makarating sila sa Subdibisyon nila, kaya naman ay nagpaalam na din ang dalawa sa isa't-isa.

***



"Sigurado ka bang ayos lang yang si Emerson? kahapon pa yan parang tulala e" pansing muli ni Alaina sa lalaki.

"Hayaan mo na siya Alaina , ano ba ? Nagpapasama ka sa amin diba ? tara na !"

Nagpapasama kase si Alaina kina Marian, Sabrina at Hyacinth (pronounce as Ha-ya-sint) para umihi, Liban kase sa klase ang ka-seatmate na si Connie Ann. Lumabas na agad sila ng kanilang Classroom at tinungo ang Cr. Nadatnan nila doon si Renalyn na wari mo ay umiyak.

"Oh ? Ayos ka lang ?" Pagtatanong ni Sabrina , hindi siya pinansin ng babae at inirapan lang bago umalis.

"Lintik talaga yung babaeng yun, napaka suplada , hindi naman kagandahan" nang-gigigil na puna ni Marian.

"Easy bhe, si Renalyn lang yun" natatawang komento ni Hyacinth. Matapos iyon ay bumalik na sila sa kanilang kwarto at doon nag-usap.

*

Galit naman ang nararamdaman ni Renalyn nang mga oras na iyon, Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanya, kung sana sumama na lang siya sa pag-gawa ng research, edi sana hindi siya napahamak.

*PAK*

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" Singhal niya habang umiiyak, Hindi siya nagdalawang isip na sampalin si Jerson. Nandito sila sa isang bakanteng kwarto na walang tao, sila lamang dalawa ang magkasama at nag-uusap. Hindi naman malaman ng lalaki kung anong ire-react, alam niyang mali ang nagawa niya pero hindi na niya maibabalik ang kahapon.

"S-Sorry baby.. H-hindi ko sinasadya, promise! Mahal na ma—"

Natigil siyang muli sa pagsasalita nang muli ay dumapo sa pisngi niya ang palad ng babae .

"MAHAL?! PAGMAMAHAL BA ANG TAWAG DUN?! GINAHASA MO AKO JERSON! GINAHASA MO AKO! BINABOY MO ANG KATAWAN KO!" Hagulhol na sumbat ni Renalyn habang sinusuntok ang dib-dib nang lalaking kaharap.Sobrang galit at lungkot ang nararamdaman niya, Sobrang nag-sisisi siya na sana hindi siya nagtiwala sa lalaki.

" Hayop ka... hayop ka" mga salitang lumalabas sa bibig ni Renalyn habang sunusuntok ang dib-dib ng lalaki, hinayaan lang ni Jerson na gawin ito ni Renalyn.

"Pananagutan kita kung sakali mang magbunga ang ginawa natin.." malumanay niyang sambit. Natigil naman ang babae at tumingin sa lalaki na luhaan pa din, napatawa ito ng impit at tuluyan nang natawa ng sobra, kunot noo namang pinagmasdan ni Jerson ang dalaga, tumingin pa ito ng seryoso sa kanya at kitang-kita ang pagkamuhi sa mga mata nito.

"Ginawa natin?.. O sa kababuyan mo!? .. Hayop ka Jerson.. at itong tatandaan mo ! kung sakali mang magbunga ang demonyong yun sa tiyan ko, asahan mong papatayin ko siya!" matigas nitong sambit at iniwan ang lalaking nakatayo pa din sa loob.

Napayukom naman ang mga kamao ni Jerson, akala niya ay maangkin na niya nang tuluyan ang babae matapos niyang gawin iyon..

'Kung hindi ka lang din magiging akin..... hindi ka din maangkin ng iba!' Sambit nito sa kanyang isip at tsaka ngumisi.

Dumeretso naman si Renalyn sa kwarto nila at tsaka umupo, inub-ob niya ang sariling mukha sa desk.

"Renalyn, Ikaw na pala ang bahala sa Chapter 4 natin ah ? tutal wala naman tayong interview, ikaw na lang mag-analyzed ng data natin" Dinig niyang boses . Alam niyang si Audrey ang kumakausap sa kanya. Hindi niya nilingon ang babae at nanatiling umob-ub.

"Psh, Ang arte!" dinig niya ding pag-paparinig ni Andrew sa kanya. Naramdaman niyang umalis na si Audrey kaya naman kahit papaano ay nakaramdam siya ng maluwag, mabuti na lang din at wala silang guro.

"Ano kayang meron ngayong araw at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga kaklase natin ngayon, tignan mo si Jerson tulala , ganun din si Emerson tapos itong si Renalyn himala at hindi nag-iinarte!" puna ni Dave habang kausap ang tatlo pang bading.

"Hayaan mo sila bhe , Life nila yan basta tayo magaganda!" Natatawang saad ni BJ habang naglalagay ng Foundation, naglalagay naman ng lipstick si Andrew na tinutulungan nanan ni MJ.

"Hoy mga bading! bakit dito kayo nag-aayos!? pati kalandian niyo dito niyo nilulugar" puna si Audrey nang makita ang mga baklang kaklase na nag-aayos.

"Ano ba Audrey napaka-pakielamera mo naman, magpaganda ka na lang din kaya?!" saad ni Andrew sa babae , alam naman nilang nag bibiruan sila at Hobby na nila itong dalawa.

Samantala, hindi na din naman nagpumilit pa ang tatlo na sa CR mag-ayos dahil alam nilang aasarin lamang sila nina Wilmar kung sakaling madatnan sila doon. At isa pa alam nilang ayaw pumunta ni MJ sa Cr.

Halos mapatingin naman ang lahat nang dali-dali ay tumayo si Emerson, gulat din namang tinignan ni Jedidiah ang kaibigan, kausap niya si Kyle at Joel. Hindi niya makausap si Emerson dahil sa mukhang wala ito sa mood.

"Badtrip yata..." sambit ni Joel nang makalabas ng kwarto si Emerson

"Kaya nga e , kanina pa nga siya tulala at parang wala sa sarili" bahagi din naman ni Jedidiah. Nagtataka din naman si Kyle sa inasta ng lalaki, kahapon kase bago sila umuwi ay nakita na niya ang hindi mapalagay na mukha ng lalaki, masigla pa nga ito noong nagising siya at nahulog ito sa kama, kaya naman lubos siyang nagtataka sa inaasta ng binata.

Napakibit balikat na lamang sila at pinagpatuloy ang pag-uusap.Natapos ang oras nila nang walang dumadating na guro, napagalaman nilang nagkaroon pala ng meeting ang mga ito kaya naman ay pinauwi na din sila nang maaga. Habang naglalakad ay nagulat si Kyle nang makita si Emerson sa isang Convinience Store na may kasamang lalaki. Waring seryosong nag-uusap at kontrobesyal ang pinag-uusapan.

Tinignan niyang mabuti ang lalaking kausap ni Emerson, noon niya lang din napuna na ito din ang lalaking kausap ni Dave noong isang araw.

Bakit kausap ni Emerson ang kuya ni Dave?
pagtatanong niya sa kanyang sarili. Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan niya ba ang kaklase o hindi at isa pa nais niya ding makita ng malapitan ang mukha ng kuya ni Dave dahil malakas ang pakiramdam niya na nakita na talaga niya ito dati pa.

Tatawid na sana siya nang daan upang puntahan ang dalawang nag-uusap nang biglang may humawak sa kanyang paahan.

~*~

A.N: Hi Guys! just wanna inform you na kapag nakita niyo po ang tatlong (***) means Flashback siya 2 years ago.. sa Point of View ni Franciss and kapag naman (**) dalawa lang, Flashback siya sa Point of View nina Jason noon, yung mga kaibigan ni Kyle. And.... kung may magtatanong man kung sino si Franciss , abangan niyo na lang po :) at muli ay humihingi ako ng tulong sa inyo 😁😂 Tulong sa pagboto at tulong sa pag-suporta. Sige nanaman na oh 😃😂 para na din sipagin akong mag-update . Huehue. Update ulit ako later kung kakayanin.

VOTE. COMMENT is really appreciated! Mamats! 😗

_*_




CLASS 203 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon