Chapter 9: Founded

964 27 5
                                    

Chapter 9: Founded

—————————

"KYLE!" napalingon ang binata ng marinig niya na tinawag ang pangalan niya , Si Joel pala ang class president nila. Agad naman siyang ngumiti at tsaka tinignan ang kaibigan, maaga sana siyang uuwi ngayon dahil nagtext ang kanyang lola Trinidad na kukunin nila ang padalang pera ng kanyang ama.

"Bakit?"

"May pupuntahan ka ba ngayon? Magpapasama sana ulit ako sa library at Promise! Di kita iiwanan dun" natatawa nitong saad, nahihiya kase siya sa kaibigan sa tuwing naaalala na iniwan niya ito nung nakaraan sa kadahilanan na siya ay may pupuntahan.

"Awts, sorry pards kailangan ko nang umuwi e , kukuha kami ng padala ni papa , ako ang sasama kay lola kase alam mo naman mahina na si lolo kaya hindi na nila kayang suportahan ang isa't-isa" paliwanag naman ni Kyle, tila nagbago naman ang ekspresiyon ni Joel , inaasahan niya kase na sasamahan siya nito , pero anong magagawa niya ? Hindi talaga pwede ang kaibigan niya.

Ngumiti naman si Joel tsaka sumagot.
"Awts , sayang pards Haha , next time na lang ha?" Saad niya dito , ngumiti naman si Kyle at tsaka nagpaalam na din. Lumabas na siya ng building ng eskwelahan at tsaka tinungo ang gate.

"Kuya naman! Ayaw ko nga pumunta duon at tsaka bawal na noh!" Napatingin naman siya sa nagsalita , si Dave pala at may kausap na isang lalaki marahil ay kuya niya ito.

"Ito naman , minsan lang e sabi ko naman kase sayo dalhin mo kanina , bakit kase kinalimutan mo!"

Napako naman ang tingin ni Kyle sa kuya ni Dave. Kinilatis niya itong mabuti dahil pakiramdam niya ay nakita na niya ito dati.

'Teka , saan ko nga ba siya nakita ? Hindi ako nagkakamali , nakita ko na siya ' Saad niya sa kanyang isip . Sa kaiisip niya ay hindi na niya namalayan na nakaalis na pala ang magkapatid. Nagkibit balikat na lang si Kyle at tsaka tuluyan na din umalis.

"Hayst, saan kaya natin makikita yun?"

"Sigurado ka ba na nandito yun ha ? Tsaka akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga ganung bagay?"

Nagpintig naman ang tenga ni Joel nang marinig ang usapan, pakiramdam niya ay kilala niya ang nag-uusap. Kahit na hindi nakasama si Kyle ay dumeretso pa din siya sa library para maghanap ng related sa case study nila.

"Ano ka ba pre , it's a matter of truth a lies , nakakainteresado kaya yun, kase tingnan mo ha .. Itong school natin may tinatagong baho! At isa ako sa mga tutuklas nun!"

"Woah! Sa pagkakaalam ko kase may tinatago talagang baho ang school na to lalo na sa CR!"

"Woii, anong hinahanap niyo jan?" Pagtatanong ni Joel nang makita niya na si Emerson at Jedidiah lang pala ang halos pabulong na naguusap sa isang sulok ng library.

"O-oy Joel anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Jedidiah sa kaklase nagulat kase ito nang bigla itong sumulpot.  "Ahmm may hinahanap kase akong research na related sa study namin at... Woah, Emerson ikaw ba yan? Gumagawa ka na ngayon ng research ah? Ano ba Title niyo?" May halong biro at pagkagulat na saad ni Joel . Last year kase e kagrupo niya si Emerson at kung minsan lang ito tumulong sa research nila noon.

"Psh, wag ka ngang magpabulag sa ginagawa nang kolokoy na yan, para lang din sa kalokohan niya yan noh!" Sambit ni Jedidiah na nakatayo pa din at naka cross arm. Napatigil naman sa paghahanap si Emerson at hinarap ang dalawang kaklase. "Hindi nga ito para lang sa kalokohan okay? May research din akong gagawin, at titignan ko kung totoo ba yung sinabi sa amin ni Dave" paliwanag nito. Napaisip naman si Joel sa sinabi ng binata , iniisip niya kase kung ano ba iyong sinabi ni Dave . "About naman saan?"

"Sa patayan daw kuno na tungkol sa school natin" dinig niyang saad ni Jedidiah , hindi na nakasagot pa si Emerson dahil sa naunahan na siya ni Jedidiah sa pagsabi kay Joel

"H-ha? A-anong—? HAHAHAHAHA" nagtataka namang tumingin si Jeidiah kay Joel dahil sa pagtawa nito. Samantalang napangiti naman si Emerson sa naging reaksiyon ng kaklase at tsaka tumalikod ulit para tignan isa-isa ang mga Research na naroon.

"Anong nakakatawa? At tsaka pwede ba hinaan mo boses mo baka nakakalimutan mong nasa Library tayo!" Halos pabulong na pagpapa-alala  ni Jedidiah kay Joel.

"S-sorry Haha! Kase naman—Hahaha k-kalokohan nga yang ginagawa mo Emerson" banggit na lang ni Joel dahil natatawa siya sa narinig.

"Haha kung alam mo lang na nakita ko na ang senaryo na yan nuon" nakangising sagot naman ni Emerson na siya namang ikinanuot ng noo ni Jedidiah at Joel , humarap muli si Emerson sa dalawa at tsaka nagsalita.

"Ganyan na ganyan din ang naging reaksyon ko noong narinig ko yan kay Dave and look at me now, naging interesado ako sa usap-usapan na yun" paliwanag nito , inayos naman ni Joel ang hitsura at muling nagsalita.

"Well , yan ba yung sinabi sa inyo ni Dave ? pero for what? Sa tingin mo ba mag lalagay sila ng research na yan dito? I mean may mag-aaprove ba nang ganung klase ng research?"

"Yes , sa katunayan hindi pa nga siya tapos , kase yung mga researcher na gumawa noon ay namatay na"

Napataas naman ang kilay ni Joel, mukhang hindi siya nakumbinsado sa sinabi ng mga kaklase . "O well , buhay niyo yan at yan na ang pinaniniwalaan niyo. Wala naman akong magagawa e" wika muli ni Joel "anyway dun na ako sa kabila , maghahanap din ako ng related sa study namin. Kung ako sa inyo ang hanapin niyo is yung pinaga-aralan natin para makatulog sa mga ka-grupo niyo, hindi yung puro kalokohan kayo" nakangiti nitong saad at tsaka umalis.

"Sabi ko sayo Emerson e kalokohan lang yang ginagawa mo" saad ni Jedidiah at tsaka naghandang umalis "aalis na ako ha, may laro pa kase kami e , goodluck na lang jan sa research mong kuno" may halong pang-aasar na saad ni Jedidiah pero hindi naman nagpatinag si Emerson sa katunayan nga ay hindi manlang siya tumingin kay Jedidiah ng umalis ito

"Nasan na ba kase yun? Alam ko meron nun dito malakas ang pakiramdam ko" bulong niya sa sarili

Napatingin naman siya sa gilid niya nang may mga nahulog na libro sa kahilera nang mga research na hinahanapan niya, madali niya itong pinulot at tsaka ibinalik sa lalagyan pero bago niya ito tuluyang mailagay ay nakita niya ang isang lumang papel na pinagpapatungan ng libro na iyon, dahil sa curious ay kinuha niya ito at nakita niyang isa pala itong dyaryo

"Dahil siguro sa kalumaan kaya ginawa na lang pangsapin" sambit niyang muli.

Pero nanlaki ang mata niya nang kanya itong buklatin at nang may mabasa.

'FLASH REPORT : A MURDER CASE IN KIRIN ART ACADEMY . A man jailed for life after killing 45 students in Kirin Art Academy'

~*~

CLASS 203 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon