"Okay, bastat sama si Keen para naman palitan na kita sa pwesto" sambit ni Zirco at umalis

Gustong gusto niya talaga na maging boss ng grupo.

Gaganapin ang party next Friday, excited na ako><



(Skip time)

Papunta na ako sa room nina Zirco. Pagkarating nila doon ay lalabas na rin sila. Sumilip ako at nakita kong inaasar ni Zirco si Keen


Lahat naman ng mga babae na makakita sa akin ay pasikretong nagtitilian, nakakatawa sila

At palabas na si Keen


"Hi! Tara?" Sambit ko ng may smile

At nagsmile rin siya

Pero ng palabas si Zirco ay nawala ang smile niya


"Rob?" Nagtatakang tanong ni Zirco

Tumingin ako kay Keen pero nakayuko lang siya


"Kakain kami ng ice cream sa labas ililibre ko siya" sambit ko

Kitang-kita sa mukha niya ang pagseselos, pekeng pagseselos


"Sama ako" wika niya

"Hindi, kaming dalawa lang" tangi ko

"O sige na nga, pero ngayon lang" wika ni Zirco at paalis na sana kami ng may sabihin siya

"Laruan ko yan, alam kong hindi ka pumusta sa akin kaya hwag mo nang ituloy ang balak mong agawin siya" wika niya at umalis

Naglalakad kami ng tahimik, hindi ko alam ang sasabihin ko

Hanggang sa...

"Alam mo ba ang pangalan ko?" Tanong niya sa akin at tiningnan ko siya, nakatingin siya sa akin


Magkamukha sila ni James, ang liit ng mata niya, kaya kapag nags-smile na siya hindi na lumilitaw ang mga mata niya, at may Hanse din naman siya, parang kalabi niya si Keen. Parang magkakapatid silang tatlo, pero imposible yon dahil mahirap lang si Keen samantalang si Hanse at James ang pinakamayaman sa aming lahat.


"Tinatanong kita" hindi ko na napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya

"Ah amm syempre alam ko! Ikaw si Aila Keen na future girlfriend ni hyung" sagot ko sa kanya

(Ice cream store)

"Umupo ka na lang ako na mago-order" sambit ko

At umupo siya

"Anong flavor ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya

At ngumiti siya, parang nagpapacute siya ahh pero hindi. Mahilig lang talaga siya sa ice cream.

"Strawberry" sagot niya at mas lalo pa siyang ngumiti at parang naging red ang pisngi niya

At tumango na lang ako. May tinatagong ganda ang babaeng to.

At nag-order na ako.

-
-
-

Pagbalik ko ay nagbabasa ng libro si Keen, familiar yung libro.

"Mahilig ka rin palang magbasa?" Tanong ko sa kanya

At tumango siya at nagsmile

Binigay ko sa kanya ang ice cream niya at dali-daling sumubo. Hindi ko napansin na tinititigan ko siya habang nakasmile

"Uuyy Rob, bat ka natulala? Haha matakaw ba ako? Pasensiya na" sambit ni Keen at tumatawa pa rin


Ganyan niya ba talaga gusto ang ice cream, hindi ko na rin napansin na napapasaya ko na ang pinaglalaruan na babae ni Zirco

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now