"Are you sure you're okay?" tanong ni Ate sakin habang naghuhugas ng pinggan.

"I'm fine Ate. Ako pa ba? Iinom lang ako ng biogesic magiging ayos din ako." nakangiting sambit ko.

Masakit pa din kasi ang ulo ko dahil nga naulanan ako.

"So by the way, plano namin ni Namjoon na magpabeach party. Since kakadating mo lang din naman and itatali ko na siya saki-"

"What?!" natatawa kong sagot.

"I mean! Last na kasing tong celebration niya with his boys."

"Wait, can you repeat?"

Kasama yung boys sa beach party?

"Bingi ka ba? Pumunta ka lang US nabingi ka na."

"I'm not coming.." sambit ko at tumayo na sa sofa para dumiretso nalang sa kwarto.

Napasigaw naman ako nang may biglang sumampa sakin galing sa likuran. "SASAMA KA O SASAMA KA?!!!" sigaw ni Ate at sinabunutan ako.

"AAAA MASAKIT! MASAKIT!" sigaw ko.

"SASAMA KA BA O HINDE?!?" sigaw niya at mas lalong nilakasan ang sabunot sakin.

"PUNYETA?! ANO NA NAMAN NANGYAYARE?!" rinig kong sigaw ni Mama.

"TULONG MA!!" sigaw ko habang paiyak na.

"OH SHIT! ATE TAMA NA!" rinig kong sigaw ni Kuya at pinaglayo kaming dalawa.

"Ano ba kasing nangyayare?! Nagaaway na naman kayo! Jusko miyo!"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapaglayo kami. Kahit kailan talaga yung Ate ko, hindi pa din talaga ko makapaniwala na nagkaasawa siya.

"AYAW KASI SUMAMA SA BEACH PARTY KO NIYANG ANAK NIYO! UUWI DAW SIYA NG US!"

Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi ni Ate. She's right, babalik na ko.

Ayoko nang mapaglapit na naman ang landas namin ni Jungkook. May boyfriend ako. I think sapat na yung dahilan para di na kami magkita uli.

"You're leaving, again?" medyo malungkot at di makapaniwalang sambit ni Mama.

"Yes ma.." mahinang sambit ko.

"Hindi ako papayag."

Natigilan naman kaming lahat sa sinabi ni Daddy.

"Ano ka bang bata ka ha? Minsan na nga lang tayo umuwi aalis ka agad? Sa tingin mo ba papayagan kita?" seryoso niyang sambit.

Napakagat labi naman ako sa sinabi ni Daddy. "Pero dy! Yung trabaho ko-"

"Umamin ka nga sakin. May nilalayuan ka ba kaya gusto mo umalis?"

Parang binaril ako nang katotohanan sa sinabi ni Daddy. Dahil totoo naman ang sinabi niya. Aalis naman talaga ko kasi ayoko nang maglapit pa ang landas namin.

"Are you still affected?"

"Of c-course not!" nauutal kong sambit.

"Then, you will attend your Ate's celebration. Show some maturity Dianne. Hindi ganyan ang pagpapalaki ko sayo." sambit niya at iniwan kaming lahat.

Natahimik naman kaming lahat. Pinaglalapit ba talaga kami ng tadhana? Kung oo, bakit?

--

"Love.. Napatawag ka." sagot ko sa call.

"Guess what? Makakabisita na ko diyan! I think I'll stay there for weeks. Okay lang naman diba?"

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako ngumiti sa sinabi niyang yun.

"Love..? Nandiyan ka pa ba?"

"U-uh yes! I'm still here! I'm glad you're coming back.." sambit ko.

"Are you okay?"

"Okay lang ako." sagot ko.

"Love, babalik nalang ako diyan sa mismong date ng beach party ha?"

"How did you know?" nagtataka kong sambit.

"U-uh.. Nakita ko lang sa facebook."

"Oh, okay love. I need to go.. Goodnight." paalam ko.

"Goodnight love." paalam niya.

Sinandal ko na ang ulo sa may kama. Napahawak naman ako sa labi ko at nagisip.

Hindi ko naman sinabi sakanya na may beach party na magaganap ah?

Then sabi niya sa facebook niya nakita?

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at tinignan ang facebook ni Ate. Wala ni isang post dun na magbeabeach party kami.

I also hacked her account, wala naman silang chat ni William.

Tinignan ko din naman ang lahat ng accounts ng BTS pero ni isa walang nagsabi dun na may beach party na magaganap.

"Sino ka ba talaga.." bulong ko.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now