Chapter Thirty-One

Magsimula sa umpisa
                                    

Para kay Willow, kahit si Tammy lang ang kaibigan niya sa mundong ito, kontento na siya at masaya. Para sa kanya, ang pagkakaibigan nila ni Tammy ay hindi matutumbasan.

"Tignan ninyo sa stage!!!"

"Namamalikmata ba ako?!"

"Si Kara C!!!"

"Panoorin natin!!!"

Napatingin si Willow sa stage kung saan kumakanta ang isang rising star na si Kara C. Pop song ang genre ng kanta nito kaya naman naging lively ang paligid na bumagay sa festival.

"Nasaan kaya si Tammy?" tanong niya sa sarili. Kung may cellphone lang sana ang kaibigan niya maaari niya itong tawagan. Gustong gusto na talaga niyang bilihan ng cellphone si Tammy pero alam niyang balewala rin dahil sa rules ng Mama nito. "Oh well. Hahanapin ko nalang siya gamit ang friendship radar. Hihihi!"

"Ms Outsider!!!"

"Eek!" Napatalon sa gulat si Willow. Saglit niyang nakalimutan na legal siyang nakapasok sa school, tumingin siya sa paligid upang hanapin ang tumawag sa kanya.

"Hahaha! Nandito ka, Ms Oustider!" tumatawang sabi ni Nix. Nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay nito.

"Excuse me, hindi ako outsider!" naiinis na sagot ni Willow.

"Oho? Bakit ka lumingon?" nakangiting tanong ni Nix. Hindi nito mapigilan na tuksuhin ang babae.

"H-Hindi naman ako lumingon, ah! Tumitingin lang ako sa paligid. Masama ba? At bakit ba ang dami mong tanong?" Hindi talaga gusto ni Willow si Nix. Para sa kanya ay kahati niya ito sa kaibigan niya.

"Nagugutom na ako. Kailangan ko pang pumasok sa security room para manood sa CCTV. Aaah..." Tumingin ito kay Willow.

"A-Ano naman ngayon?" Nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si Willow. Kaagad siyang humakbang palayo sa lalaki.

"Gusto mo bang malaman kung nasaan si Tammy?"

"Oo! Nasaan siya?" tanong niya sa kumikislap na mga mata. May pakinabang din pala ang lalaki.

"Sasabihin ko sa'yo, pero may kapalit."

Nablanko ang mukha ni Willow sa narinig. Bago pa siya makapag-salita ay nagbilin na ito.

"Bumili ka ng lunch set sa booth 2-A sa second floor! Dalhin mo sa security room sa first floor!" sabi ni Nix bago matulin na tumakbo. Balak nitong bumili ng lunch pero nang makita ang mahabang pila ay kaagad itong umurong. Si Reo ang in charge sa pagluluto at kilala ito bilang mahusay na cook kaya naman marami ang pumila roon. Bukod pa roon ay marami rin itong fangirls.

"Ferragamo!!! Ano ang tingin niya sa'kin, utusan?! At hindi man lang siya nagbigay ng pera! Ang kapal ng mukha non! Grr!" Inis na inis si Willow habang naglalakad. Magkaganon man ay pumunta parin siya sa second floor para bumili ng pagkain nito. Ito ay dahil sa sensitibo siya sa mga salitang 'pagkain' at 'gutom'.

***

Sa lahat ng booths sa Pendleton High, ang may pinaka-malaking booth ay ang class 1-A at class 1-D. Ang class 1-D ay umo-okupa sa gym ngayon, doon sila nagtayo ng 'Maze of Death'. Para itong isang horror house ngunit nasa isang maze at puno ng traps. Maraming naintriga sa lugar at pumunta roon.

Ang class 1-A naman ay sa field ng school.

Sa gitna ng soccer field, doon itinayo ang isang malaking obstacle course. Ang unang obstacle ay monkey bars kasunod ng wall climbing at balance beam. Ang dalawang obstacles ay madaling nalalagpasan ngunit pagdating sa balance beam ay maraming nabibigo.

Ang balance beam ay nasa gitna ng isang malawak na inflatable pool. Kailangan lang tumulay doon at lumagpas. Ngunit may apat na babae na gumagamit ng mga cannons para patamaan ang mga tatawid ng water balls. Dahil doon, mabilis na nalalaglag sa tubig ang mga kalahok.

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon