Chapter Two

17 3 0
                                    


"Lumalaki na eyebags mo ,Vammy " pangugutya ni Ara Kay Vammy.

"Maganda naman" sabay ikot ng mata.

"Nangangayat ka rin naman Ara, ah"
Natatawang sabi no Bianca.

"Heh! Ikaw nga diyan, tumataba na" saad ni Ara

"Buti pa ang isa jan, walang pinoproblema sa katawan."
Parinig ni Vammy .

"Oo nga. Hindi pa ata naka move on sa confession?" Sabi ni Bianca.

Napalingon na ako. Halatang ako na and topic nila e.

"Pardon me?"

"Sus. Kunwari ka pa" panghuhuli ni Ara

"It's been a year since that confession happened." I Sarcastically said.

"Ikaw pa yata ang nakilala Kong kalmado kung makapagtapat ng damdamin sa crush e. Ibang klase"

"Eh 'yung iba nga, balisang balisa kung paano magtapat e. Ikaw? Aba, maypa tapik-tapik pang nalalaman."

Sabay tawa ng mga gaga.

"Mga leche! Magsitahimik nga kayo" suway ko sa kanila .

"'Di parin nagbabago. Reyna parin ng mga palamura ang isang 'to" natatawang pahayag ni Ara.

"Kung makaasta akala mo hindi CEO e." Diniinan pa talaga ang CEO e. Ghad!

"Oo nga. Grabe ka girl, ang lupet mo! Lodi na kita" sabi ni Vammy na ikinatawa nilang lahat.

Jesus! Could this people minimize their voices? It's really annoying! Napapatingin na sa amin ang mga tao dito sa Starbucks for Christ's sake!

"Ikaw nga jan,Manager sa Bangko ng tita mo e" sabi ni Ara kay Vammy.

"Hiyang hiya naman ako sa pagka COO mo Ara. " sabay ikot ng mata ni Vammy.

"Oy Biancs, owner kana pala nang isang sikat na Beauty Salon sa isang Mall? Tas, may isang Salon ka pa na nakabakod malapit sa pinapasukan Kong Call Center noon" pahayag ni Vammy.

"Ahh. Yup! Sariling sikap"

"No wonder. Ang hilig niyan magkolorote sa mukha noong High School at College e. Madami pang alam niyan na hair styles. " manghang mangha na pahayag ko.

"Anyways, kamusta na mga buhay niyo?" Tanong ko na ikinatahimik nila.

"Ito, stress na stress. Buti nalang talaga at nag aya ka Clar" saad ni Ara tsaka sumandal sa sandalan ng sopa.

"Ayun, stress pa sa stress! Ang daming costumer's kahapon. Buti nalang at nandiyan 'yung kapatid ni Kim, tinulungan niya ako." Namumulang pahayag ni Bianca. Alam na!

"Ilang months na nga kayo ni Kim?" Napangising tanong ko.

"Six months" sabay iwas ng tingin.

"Na beastmood talaga ako kahapon sa costumer namin. Talak ng talak kala mo talaga hindi professional. Na kesyo daw bakit daw nakulangan ng fifty-thousand 'yung pera niya sa account niya kung gayon ay hindi pa naman niya 'yon nakukuhanan." Salubong na kilay na pahayag ni Vammy.

"Oh tapos?"

"Ayun! Pinakita ko sa kanya 'yung mga records niya. Pero ang bruha, ayaw maniwala! Na kesyo daw peke daw 'yon at gawa-gawa lang namin." Sabay ikot ng mata! Beastmood nga ang gaga.

"Sinampal mo sana ng ninety-degree para matauhan." Suhestisyon ko.

"Ano ka ba? Siya 'yung isa sa mga malaking hulog sa account niya."

Lame ConfessionWhere stories live. Discover now