Bumuntong hininga naman ako at tumango nalang kahit na deep inside I still blame myself for being ignorant for years.

"Hey I told you don't blame yourself, I can read your mind now that my powers aren't sealed and yours too, It's not sealed anymore so better put a wall around your mind if you don't want any other people hears it" Head na nakatingin sakin.

"W-What NAKAKABASA PO KAYO?! -- Ay.. paano po?" siguro may kakayahan talaga silang magbasa ng iniisip kaya pala nababasa din minsan ni Master iniisip ko nung papunta kaming Zonadia non! Eh bakit si Master kahit sealed nakakabasa..

Ngumiti naman siya "Baka obvious lang sa mukha mo non ikaw talagang bata ka ang daming iniisip, ganto basta isipin mong may nakaharang sa utak mo"

Ginawa ko naman ito parang walang nangyayare.

"Wala naman pong nangyare" ako.

"Try thinking again" Head Aerena.

Inisip ko si Master at namimiss ko na siya hindi pa din kasi siya nagpapakita sakin after nung masabi niya ang pangalang Diana. Ilang saglit lang feeling ko may pumapatong sa paligid ng ulo ko at parang ang daming naharang.

"Good job hindi ko na nababasa" Head Aerena.

Huh? Nagawa ko? Wow. Feeling ko wala akong ginawa.

"Hinahanap kayo ni Kiesha doon sa Health Center pero Margarette ikaw na muna ang pumunta may paguusapan kami ni Zandra" sabi naman ni Head na ikinitango ni Margarette.

"Chazandra, we found some information that can help us sa office tayo magusap" Head Aerena.

Nagpaalam muna ako kay Margarette na mauuna na dahil may paguusapan kami nila Head sa office nila.

Nalaman ko ding hindi pa pala alam ng iba na nandito ang Special 5, masyado silang nagpapanic nung makalabas kami ng maze kaya hindi kami napansin.

"Alam mo Zandra kaya mo din magbasa ng iniisip namin" Head na naglalakad.

Nagulat naman ako "T-Talaga po?" minsan hindi pa din ako sanay na Special 5 pala ang mga nakakasama ko noon pa man.

Tumango siya "Ikaw ang pinakamalakas ngayon sa buong Zonadia bukod sa Zodiac Killer"

Napalunok naman ako parang hindi ko naman din dama na malakas ako. Halata naman sa mga nangyayare sa paligid ko.

Tumigil na ang usapan namin nung papasok na kami ng office niya. Nandoon ang ibang Special 5 at napangiti naman sila nung makita ako, ngumiti din ako at agad iyong nabawi nung makita kong wala doon si Master nasaan na kaya siya?

Naalala ko tuloy si Zhyron nung mapalingon ako kay Pacifico. Kamusta na kaya yun? Sana okay lang siya.

"I'm fine Chazandra"

Nanlaki ang mata ko nung marinig iyon sa loob ng utak ko si Zhyron! Nakuha niya yung sinabi ko!

"P-Paano mo nakuha?" ako.

"Kita tayo dito sa storey house hinahanap ka na din siguro ni Sky kasi nananahimik" halatang hindi niya pinansin sinabi ko kahit sa inner ang cold cold niya pa din tss.

"Chazandra?! Kinakausap ka namin!" Head.

Napalingon naman ako ulit sakanilang lahat na nakakunot noo.

"S-Sorry po hindi ko po narinig may nagpahatid ng mensahe sa isip ko" nahihiya kong sabi.

"Nakakagamit ka na din ng inner voice and Light Realm?" tanong ni Head.

Tumango ako bilang sagot na ikinangiti nilang lahat.

"Edi hindi na pala tayo mamomoblemang turuan pa siya non" sabi ni Pacifico na kumakain ng prutas.

"Nabawasan nga pero ang dami pa din, Chazandra hindi mo pa namamastered ang ibang elemento kailangan mo iyong mamastered bago ang Diablo Day two weeks nalang ang natitirang oras at araw sayo diba?" Head Aerena.

"T-Two weeks?" gulat na tanong ko malapit na ang Diablo Day! Di talaga biro yung sinabi ni Master na two weeks nalang!

"It's odd alam ko sabay sabay namamastered mga elemento pero sayo ay paisa isa namastered mo na ang hangin, hangin palang" Ms. Alyanna na nagaalala.

Bumuntong hininga naman ako ang lalim lahat ng iniisip nila.

"Si Aron ang nasa likod ng lahat ng attake na natanggap mo noong nakaraang mga buwan at araw, siya din ang nagmamasid sayo lagi dito sa loob ng Avalon para din makapaghatid balita sa nangyayare kay Zodiac Killer kaya minsan ay may mga sugat sugat siya dahil pilit siyang napasok at labas sa loob ng Avalon pati nung araw na muntik ka ng mahulugan ng malaking bola ng yelo gusto niya ang idea na lalabas kang Avalon, sasamahan ka niya pero yon ay isang paraan para makuha ka at maihatid sa Netheria" sabi naman ni Pacifico.

Ano? Siya ang lahat ng iyon? At hindi ko man lang namalayan?! Kaya pala may kakaiba akong nararamdam sakanya at kaya pala may mga sugat siya noong eliminations! Buti nalang talaga napigilan nila Zhyron... Si Zhyron.

"Bakit hindi pa po kasi ako pinasok ni Master noon dito sa Avalon ng maaga?" ako.

"Gaya nga ng sinabi namin utos to ng papa mo kahit na gustuhin namin noon na pagaralin ka na, Si Almada pa din ang nagdedesisyon noon kung ipapasok ka pa o hindi na kaya nasa restricted areas lang kayo ng Zonadia para maseal niya din ang presensya mo pero kaya satingin ko pinasok ka niya dito ay para may katulong na siya sa pagproprotekta sayo dahil may ibang tungkulin din siyang ginagawa sa North" sabi naman ni Pacifico.

Kaya pala siguro nawawala paminsan minsan si Master sa restricted areas.

"Hindi na po ba kaya ni Master mag-isa?" tanong ko naman.

"May gumugulo sakanya noon pa man kaya minsan nawawala siya sa concentration at sa mga tungkulin niya" sabi ni Head Aerena.

"A-Ano po yun?" ako.

"Again and again siya lang ang makakapagsabi niyan sayo Chazandra" Head Aerena.

Bumuntong hininga nalang ako. Sobrang dami palang hindi nasasabi ni Master sakin. Kailan niya kaya sasabihin? Naiinip na ko gusto ko ng malinaw ang lahat.

"P-Paano po ba ko magsasanay para mamastered ang mga elemento ko?" tanong ko naman.

Nagtinginan naman sila, Sila naman ngayon ang bumuntong hininga.

"Chazandra, Ikaw lang ang makakaalam niyan dahil minsan may pinipiling lugar, oras at panahon ang mga elemento" Head Aerena.

**

A/N:

EDITED!

-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now