Part 6

8.7K 265 9
                                    

Chazandra

"Welcome sa Zonadia Chazandra" natutuwang sabi ni Master pagpasok namin tas bigla namang nagbago aura niya na parang may gusto pa siyang iparating pa pero hindi niya sinasabi.

So eto pala ang Zonadia.

Hindi ko expected na mas maganda ito sa inaasahan ko medyo gabi na pero kahit na ganon makikita mo parin ang ganda ng lugar na nasa harap ko, sobrang lawak ng buong lugar, maaliwalas ang paligid dahil may mga iba't ibang creatures na nailaw at nalipad, yung malalaki at maliliit na bituin na parang kumakaway sa amin at may mga Zodiac people din sa paligid na busing busy sa mga pinanggagawa nila. Lahat sila mukhang may authority malalaman mong karesperespeto sila, nagpatuloy naman ako sa pagsunod sa likod ni Master may kapansin-pansin din akong natanaw sa mga dinadaanan namin na mga bahay may mga lanterns na nakasabit doon bukod sa buwan at mga bituin, iyon ang nagsisilbing ilaw ng dinadaanan namin ngayon may disenyo ang mga lanterns and it's Z.

Napatigil ako nung tumigil si Master sa paglalakad nakaharap naman kami ngayon sa isang gate, silver gates na halos umabot na itong langit sa sobrang taas may sinabi naman si Master kaya nagbukas ito, mas lalo lang akong napanganga sa nangyari nung nilakad naming muli ang loob akala mo nasa harap kami ng isang mansyon sa laki ng University. May fountain sa gitna, may garden na punong puno ng mga vines na nakasabit sa mga puno at lumot sa mga batong nakapalibot sa paligid, may mga magagandang bulaklak din na kahit gabi na kita mo padin kung gaano katingkad ang kulay ng mga petals nila, siguro mas maganda to lalo na pagumaga.

Kapansin pansin din ang logo sa itaas ng Avalon University isang malaking letter Z sa itaas, gilid, kabilang gilid at ibaba ng Z may mga nakalagay na logo doon ng mga elemento: sa North ang logo ng Air, sa East ay Earth, sa South ay Fire at sa West naman ay Water.

Tumigil kami sa front door ng University. May tao doon na nag-aabang na parang ka-age ni Master mga mid 40's na dark blue ang buhok parang expected niya talagang darating kami dahil sa ngiti niyang makabuluhan. 

Wait nga lang.. parang siya ata yung kaninang pinagtanungan ko ah? Mukha lang siyang matanda napalingon ako kay Master nagbago na ulit ang itsura niya hindi na ito bata nakakapagtaka talaga..

"Akala ko hindi na kayo makakarating Almada" naka-ngiting bati niya kay Master.

"Ako pa ba, akala mo lang yon" Master nakangiti rin pero talaga bang matatanda na sila? Para kasing teenager lang kung makapagusap e.

Napalingon naman siya sakin nakakapagtaka lang eh kasi parang tuwang tuwa siya na makita ako.

"Oh ikaw ba yung nawawala kanina na nagtatanong sakin? May hinahanap din akong binabantayan ko kanina biglang nawala din eh inutusan ko kasi" sabi niya naman habang natatawa.

Nagulat naman ako sa tanong niya sabi ko na nga ba siya yun eh! Pero bakit iba ang itsura niya kanina parang si Master lang din kanina weird.. Napailing nalang ako at ngumiti ng pilit.

"A-Ahh haha opo ako nga, akala ko po kasi kayo si Master" nahihiya kong sabi.

"Master?" Tumingin ito kay Master na parang naguusap sila sa mata.

"Mabuti nalang at nakasalubong ko ang Master mo kanina saka niya lang din napansin na wala ka na sa tabi niya nako tumatanda na talaga tayo Almada HAHAHA!" natatawang sabi niya samin ni Master teka nga bakit alam niyang si Master ang kasama ko?

Napailing nalang si Master "Alam mo mabuti pa sigurong dalhin mo na kami sa loob para makita ko na si Aerena kailangan niya ng makakuha ng slot para makapasok na siya kaagad bukas" Master.

"Oh syempre naman masusunod!" Nakangiting sabi nito habang binubuksan niya ang front door ng Avalon.

Pagpasok namin akala mo palasyo ito dahil may red carpet na nakalatag sa mala babasagin nilang tiles, isang malaking chandelier ang nakasabit sa itaas, sa right at leftside may hagdanan pataas napakalawak at ang daming mga bagay na nakadisplay na mapapansin mo talaga, lumiko kami sa right naguusap si Master at yung kaibigan niya habang ako naman ay aliw na aliw na nakasunod sakanila kapansin pansin kasi ang mga paintings dito.

Una may isang babaeng pula ang buhok na may bolang apoy sa palad niya na mukhang papatay na siya sa itsura niya, sa sunod lalaking may dark blue na buhok na parang nilalaro ang tubig sa kamay niya, yung sunod na painting babaeng pure brown ang buhok at sa paligid nito puro mga bato na nalutang halatang tuwang-tuwa siya, sa sunod naman na painting lalake ito na nakalutang sa ere at nakapikit mahahalata mong Air ang element nito at ang pinakahuli na sobra kong napansin ay yung lalaki na puting puti ang buhok at may kasama siyang babaeng itim na itim ang buhok na may hawak na sanggol, ang mata ng sanggol ay kakulay ng langit na sky blue. Mukha silang masaya sa painting na iyon.

Tinititigan ko lang ang painting na iyon. Hangga't sa..

"C-Chazandra, halika ka na kakausapin na tayo ng Head" tawag sakin ni Master na nakatingin sakin.

Sumunod naman ako agad sa harap namin may malaking pinto na nakasara kaya binuksan ito ng kaibigan ni Master at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.

Pagpasok namin kapansin pansin ang babaeng mid 40's din pero kapansin pansin ang pulang pula na buhok nito, nagulat naman ako nung mapalingon siya samin at bigla namang nagkaroon ng ngiti ang labi niya.

"Aerena.." Master nakangiti.

"Almada it's been years, buti naman at napagisipan mo ng ipasok siya dito" malumanay na sabi nito na nakangiti sa akin napangiti naman ako pabalik tas tumingin siya ulit kay Master na para talagang naguusap sila sa mga mata.

Naging seryoso naman ang mukha ni Master "Okay na ba ang lahat? Kukuha pala kami ng slot"

"Ano ka ba hindi na yon kailangan! Lahat ng kakailanganin niya ay nakahanda na pati ang mga gamit niya, ihahatid mo na lamang siya doon sakanyang dorm para makapagpahinga dahil bukas na bukas ay papasok na siya" nakangiting sabi nito samin.

Pumalakpak naman ang tenga ko nung marinig ko iyon papasok na ako, excited na ko na kinakabahan!

"Sige salamat bukas nalang tayo ulit magusap" Master Almada.

"Thank you for having me" sabi ko naman.

Tumango naman si Head Aerena atsaka ngumiti "Pacific ihatid mo na sila" nakatingin ito sa kaibigan ni Master.

Tumango naman si Pacific sabay sabing "Masusunod boss!" atsaka pasimple niyang kinindatan si Head at napailing nalamang ito.

Lumabas na kami ng office ni Head at umakyat kami sa right side ng hagdan doon daw kasi ang dorm ng mga babae tas sa kabila naman ay para sa mga lalake, pagakyat namin ang daming pinto at likuan ang masasabi ko lang sobrang laki talaga ng school na ito.

"Oh eto na ang dorm mo! At eto na rin ang susi mo" natutuwang sabi nung Pacific bago niya ibinigay sakin ang susi.

"Salamat po" ako na nginitian siya.

Napalingon naman ako kay Master "Master bukas po ba magkikita tayo? Saan ka po matutulog? May matutuluyan ka po ba?"

Napangiti naman ng ka-onti si Master "Wag kang magalala Chazandra baka isa din ako sa mga magtuturo sayo bukas"

Nagulat naman ako "Talaga master?"

"Oo naman ang Master mo ang isa sa mga prof mo bukas! At isa pa nako miss na miss na iyan ng mga estudyante dito!" Pacific.

Ibig sabihin nagturo na si Master dito dati? Hanggang dito talaga tinuturuan pa rin ako ni Master.

Napailing nalang si Master "Oo Chazandra kaya pumasok ka na para makilala mo na roommate mo at para makapagpahinga ka na rin, ang mga gamit mo sa school at uniform nandyan na rin sa loob" bago pa ko makapagsalita nakaalis na silang dalawa ni Pacific.

Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ko ang pinto gamit ang susi atsaka pumapasok sa loob ng dorm.

**

A/N:

EDITED!

Hey Zodian readers! Hahaha wooo any questions? Nako padami na ng padami ang hints hahaha sino ba talaga si Chazandra? Well basta abangan lang mga updates hoy mga silent readers jan hahahaha magparamdam!


-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora