Part 12

7.3K 252 9
                                    

Chazandra

Marami na ding nakatapos yung iba failed yung iba naman ay pasado. Lalo tuloy akong kinakabahan kasi parang hindi napapagod tong si Miss prof e tapos na rin si Kiesha kanina magaling din siya pero kailangan niya pa ng onting pagsasanay at mas gagaling na siya lalo.

Nakita ko naman si Margarette na ang nakaharap kay Miss Prof hindi ko pa rin alam ang pangalan niya nakalimutan kong itanong kay Kiesha kanina teka nga nasaan na ba yun? Tsk hays mamaya na nga lang nakita kong gumawa ng malaking bolang apoy si Ms. M at ibinato kay Miss Prof nasangga niya ito gamit ang barrier niyang earth at nawala ang bolang apoy gumawa siya ng fire blades at ibinato muli kay Miss prof pero nasangga niya ulit nagbato naman ng katamtamang laki ng bato si Miss prof pero nasunog ito kagad ni Margarette.

"Good job M!" sabi ni miss prof kahit ba naman siya M ang tawag ngumiti naman ng tagumpay si Margarette.

Sunod naman na nilapitan niya ay si Zhyron ang cold parin ng expression niya.

"Well Zhyron? What do you got?" Inatake ni Miss Prof si Zhyron naghagis si Miss Prof ng Stone blades dumapa si Zhyron at naiwasan eto, naiwasan niya naman ang mga sumunod na attake ni Miss Prof.

Nakabukas lang ang mga mata ni Zhyron at sa isang iglap nagkaroon ng malaking bola ng tubig sa harapan niya, so tubig pala element niya, hinagis niya ito kay prof nagulat ako nung unti unting nagiging ice ang bolang tubig habang papunta kay Miss Prof nanlaki ng onti mata ni prof, eto lang ang masasabi ko "wow" nakita kong nakangisi naman tong si Zhyron psh yabang.

Tatama palang yung bolang ice kay miss prof ay nawala na ito waaaatttt pano nangyari yun? Kahit si Zhyron nagulat lahat ata kami.

"You impressed me Zhyron" ngiti niyang sabi, may pumalakpak naman na mga estudyante, si Zhyron naman ay tumango lang lumapit naman sa akin si prof, kinakabahan na ko woooo!

Lubdub.Lubdub.Lubdub.

"Chazandra" nakangiti niyang bati parang tuwang tuwa siya na makita ako wait pano niya ko nakilala? Ay siguro kaibigan siya ni master baka napakilala ako, ngumiti naman ako sakanya.

"Professor Alyanna" pakilala niya sa sarili niya nakangiti padin.

"Nice meeting you Ms. Alyanna" sabi ko nakangiti din.

Biglang namang naging seryoso ang itsura ni Ms. Alyanna, oh no master is that you? Joke Zandra concentrate.

"Okay let's see what you got Chazandra" Professor Alyanna.

Inatake niya ko gamit ang mga Dead stones, mga itim na bato pagtumama sayo paniguradong dudugo, gagamitin ko sana ang apoy kaso naalala kong hangin lang pala pwede kong gamitin hays, umatras ako ng konte nilagay ko ang kamay ko sa harapan ko at pinakiramdaman ang hangin pumikit ako at huminga ng malalim at binuksan ko muli ang mga mata ko.

Pinigilan ko ang papunta ng mga Dead stones sakin, naka tigil ang mga Dead stones sa bandang gitna namin ni Professor Alyanna at nahulog ito sa gitna, naisipan kong gamitin ang Dead stones as defense ko umihip ako ng hangin at umaangat muli ang mga bato imbes na papunta sakin kay Professor Alyanna na ito papunta, nakita kong ngumiti siya pero saglit lang gumawa naman siya kagad ng pangsangga at dun tumama lahat ng Dead stones, bago pa ko makareact umatake muli si Professor Alyanna gumawa siya ng malaking bolang bato as in malakiiii! Anong gagawin ko dito? Mukhang di ko kaya toooo ...

"Bakit kaya mas mahirap yung pagsubok niya?"

"Ngayon ko nalang nakita na ginawa iyan ni Professor"

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now