Part 4

9.2K 298 20
                                    

Chazandra

No way pupunta kaming Zonadia, as in yung sentro ng mundo namin feel ko yung kaba at excitement!

Kaba kasi hindi ko alam kung anong meron doon at excitement kasi feeling ko makakakita na ko ng kulay sa langit pati na rin ng ibang taooo! All my life kasi si Master lang at ako ang magkasama sa iisang bahay minsan hindi ko pa siya nakikita sa mga bahay na iyon.

Nauuna si Master sa paglalakad sinabi niya sakin kanina na dadaan kami sa gateway ng North at pagnakadaan na kami doon nasa Zonadia na kami, sinabi niya rin sakin na sa North doon namumuhay ang karamihan sa Air Benders halatang natutuwa si Master na ikwento ito sakin kahit hindi halata sa mukha niya dahil isa siyang Air Bender yun yung pinaka main element ni Master. Ang Air.

Nakakapagtataka lang kasi si Master he can bend all the elements but Air lang ang nakatatoo sa wrist niya at ako naman nagagamit ko rin lahat pero ang nakatatoo sa wrist ko is Z ang weird lang ano bang ibig sabihin neto? Hirap talaga pag walang alam =_=

May pinakita siyang mapa sakin kanina nakinig naman akong mabuti baka sakali kasing maligaw ako e mahirap na hindi ko pa man din kabisado ang mundong ito. Hindi ko pa rin kasi alam ang dahilan kung bakit kami pupunta doon.

Bigla ko namang napansin na tumigil kami sa paglalakad dahil may harang sa harap namin, patong patong ito na gray brick walls, wait teka? Saan yung daan namin papuntang north gate way?

"Nasa north part pa rin tayo ng Zonadia Chazandra, ito na ang pinakadulo ng restricted area since Zodiac people are not allowed to go at these places sinarado nila ito dahil piling mga tao lang ang nakakalabas pasok sa lugar na ito kasi delikado" Master.

Ahh kaya naman pala pero paano kami dadaan dit--

"Dito na tayo ulit gagamit ng portal Chazandra para makapunta sa kabilang side at doon tayo muling maglalakbay papuntang gateway ng north" Master.

Nagulat naman ako sa utak lang naman ako nagsasalita ah! How come alam ni Master mga gusto kong itanong!?

"It's obvious sa mukha mo ang mga itatanong mo Chazandra" Master.

What?! Nakatalikod siya niyan sakin obvious pa daw partida! Feeling ko may mind-reading power si Master eh. Who knows? Well I don't.

Bigla namang naglakad palapit si Master sa brick walls na nakaharang sa daan namin.

"Opeortal" narinig ko nagchant si Master bigla namang may portal na lumabas sa brick walls, ramdam ko yung malakas na enerhiya na hihigop samin papunta sa kabilang side ng portal.

"Let's go" Master.

Pumasok na kami doon sa portal. Bigla nanamang umikot ang mundo ko.

Papikit pikit bukas ako ng mata sa nakikita ko ngayon kulay asul ang langit may mga ibon dito na lumilipad sa kung saan saan man ang ganda!

Ramdam na ramdam ko din ang malamig na hangin na humahampas sa balat ko napakafresh ng hangin hindi tulad sa restricted minsan wala minsan amoy masangsang at kung ano-ano pa.

May nakita naman akong mga tao paglingon ko sa paligid, nilingon ko naman ang kabilang gilid ko at nagulat nung makitang biglang nagbago ang itsura ni Master parang bumata ito na kasing edad ko what the? Bakit kaya? At nakakapanibago lang kasi kung tignan ako ng ibang tao para akong kakaiba para sakanila syempre pure white ba naman buhok ko tas ang bata ko pa tignan diba nakakapagtataka?

Tas yung iba naman may napansin akong nakalagay sa gilid ng kanilang mga braso it's a sign at pamilyar ito, sa isang babae nakita kong sign ng Libra ang nakatatoo sa braso niya at sa lalaki niya namang kasama sign ng Aquarius. Naalala ko na! Alam ko ang mga sign na iyon dahil may mga ibang libro sa loob ng kwarto na binabasa ko kapag wala akong ensayo at kaya pamilyar ito sakin kasi napagaralan ko na. Tinignan ko ang braso ko, walang nakalagay doon. Bakit kaya?

Teka Aquarius parang tubig yun ah? Eh Element of Air lan-

"Here in North lives three Zodiac tribes, Gemini is the highest and most of them sila ang namumuno dito sa Air Valley, second is the Libra and third is the Aquarius. These zodiac people only bends Air. Aquarians only bends Air but Aqua means water I know that but they don't bend water" sabi ni Master na nakatalikod sakin.

See sabi na talaga may mind-reading power si Master e! Hmm maybe right timing na ito para magtanong.

"Master what will we do at Zonadia anyway?" tanong ko habang naglalakad kami.

Tinignan niya lang ako at hindi naman siya nagsalita nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Dapat siguro sa utak lang ako nagsasalita eh no? Baka sakaling sagutin niya ko ulit.

"May gagawin kang importante doon Chazandra" sabi naman ni Master na parang nagdadalawang isip pang sumagot.

"P-Po?" Tinignan ko si Master habang nakatingin ito sa mga tao sa paligid, ano daw importante? Bakit nanaman?

"Magaaral ka, You will enter Avalon University" Master.

**

A/N:

This part is edited! 💖 please vote and comment!

Pinakamaikling chapter ko ata to sa Zonadia hehe!

-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now