HGMP 25

20K 453 46
                                    

HGMP 25

Trap

"Weh, di nga? Nag meet the parents ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Freya sa akin. Agad ko siyang sinamaan nang tingin. Anong akala niya sa akin? Nagbibiro?

"Mukha ba akong nagjojoke?" irita kong tanong sa kanya.

Agad siyang sumimsim nang buko juice niya, habang si Reen naman ay pinaglalaruan ang strawberry cake niya.

"Para kasing hindi totoo. Pero seryoso Thia ha, kinabahan ka ba?" tanong niya.

Napangiwi ako at napahalumbaba. "Malamang. Sino ba naman ang hindi kakabahan 'di ba? Mama niya 'yon."

"Oo nga naman." tugon ni Freya.  "Pero in all fairness kay bakla ha, nagawa ka niyang ipakilala sa mama niya. Ano sunod nito? Kasal?" pangangasar niya sa akin na siyang ikinairap ko.

Anong kasal?

"Tumahimik ka nga dyan, Freya! Magpapaparty ako oag nangyari 'yan, which is impossible. Atsaka..." napabuntong hininga ako at napatingin sa labas. Napatango si Freya sa akin at napailing.

Kahit hindi ko man masabi, alam kong alam niya kung ano ang gusto kong sabihin.

*Na hinihintay ko pa rin hanggan ngayon si Sven, kahit na napa impossible na nang hinihiling ko. Pero sana, matanggap niya ako, at ang bata.*

"Pero to be honest, Thia. Mas bet ko na si Theo." out of the blue niyang ani habang pinaglalaruan ang shake.

Napataas ako nang kilay. She slightly smile to me. "Ewan ko lang bakit, pero alam kong maganda ang intensyon niya sayo."

Umismid ako at napailing. Ang bilis naman yata. Parang kahapon lang, bet na bet niya si Sven, tapos ngayon kay Theo na.

"Ano ba, Freya. Bakla 'yun. Bakla. In case na makalimutan mo." giit ko.

She smirks. "Yeah, pero lalaki pa rin 'yun. Lalaki. Kaya nga nabuntis ka 'di ba?" she mockingly said.

Kung hindi lang masarap ang cake na kinakain ko, baka na ihampas ko na ito sa mukha niya. Nakakairita ha. Babatohin ko sana siya nang pang-aasar, pero natigilan kami nang biglang binitawan ni Reen ang tinidor niya, dahilan para magkaroon nang ingay.

Napatingin ang ilang tao sa amin. Kunot noo kong tinitigan si Reen na nakayuko ngayon.

"U-uy... Ayos ka lang?" tanong ni Freya kay Reen.

Napaangat siya nang kanyang ulo at bahagyang ngumiti sa amin, pero hindi nakatakas sa akin ang lungkot nang kanyang mata.

"Nakita ko siya..." she whispered.

"Ha?" sabay kaming napatingin ni Freya sa isa't-isa. Parehong hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Reen.

"Nakita? Sino?" tanong ni Freya.

Bahagyang napaawang ako nang bigla nalang may namumuong tubig sa kanyang mata. She smile. "Si R-rosco at Jayne. A-ang mga walang hiya nagawa pang mag date sa mismong resturant kung saan ko sinagot si Rosco."

Napasinghap kami pareho ni Freya. I know Jayne and Rosco did something unforgettable, but I never knew na magkikita sila nang ganitong kaaga.

It's been what? Six and a half months since the last time we've saw each other. At ang last time na 'yun ang pinakabumaon sa isipan namin. She cheated on her boyfriend and betrayed her bestfriend.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Reen nang bumuhos na ang kanyang luha. "Anong nangyari?" I asked.

She slightly smile at umiling. "Umalis ako. Baka nga maldita ako, pero hindi ako matapang Thia. Hindi rin makapal ang mukha ko para sabihan sila na umalis sa harapan ko. They betrayed me... They lied to me."

He Got Me Pregnant(Complete ✔)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن