HGMP 23

19.3K 449 64
                                    

Hgmp 23

Lihi

"arg" pabalik balik ako sa pag gulong sa kama habang hinihimas ang tiyan. Gutom ako. Alam ko 'yun. Pero fudge, alas dos na nang madaling araw, may gising pa kaya ngayon?

I bit my lower lips. Napaupo ako sa kama at napakamot sa batok. Durian. Gusto ko kumain nang durian. Parang mamamatay yata ako kapag hindi ako makakain non. Pero paano? Eh tulog na si papa at mama, mas lalo na si kuya.

I sighed at napagpasyahang tumayo. Mabilis kong kinuha ang jacket. Well, no choice ako eh. Ayoko namang gisingin sila, lalo na't may trabaho sila bukas.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Sumilip pa ako para tignan kung may tao ba o wala, kahit alam ko namang tulog na sila. Gusto ko lang manigurado, dahil pag nalaman nila na lumabas ako, tiyak na papagalitan ako ni papa. Darn, simula yata nang magkaayos kami, mas lalo siyang naging mahigpit sa akin. He always assure about my safety. He even scheduled an appointment to a doctor, kahit na kakatapos lang naming magpacheck-up ni Theo.

Natigilan ako. Wait! Si Theo! Baka gising pa 'yun, kasi mag clu-club sila ni Erika ngayon!

Agad kong sinarado ang Pintuan. I search for my phone at mabilis na idineal ang number ni Theo. Wala pang ilang minuto ay sinagot niya na ito.

"Hello? Ang pinakamagandang nilalang sa balat na lupa speakin'" Humagikhik pa siya. I can hear the loud music and also their laughter. I raised my eyebrow, aba nagkakatuwaan yata?

"Bakla" pauna ko.

"Uy! Thia! Gurl, how many times do I have to tell you ba, don't call me bakla nga! I'm a girl. As in Woman without a 'wo' "

Napapikit ako nang mariin. Oh, damn you Theo. Lasing ka ba? Gosh not now, may gusto akong ipabili sayo!

"Umayos ka nga, Bakla! Gutom ako!"

"Ah, bakit? Kakainin mo ako?" inosente niyang tanong, after that I heard wild tease from his friends.

Agad na uminit ang pisngi ko sa narinig. Shit, bigla ko tuloy naalala 'yung gabing 'yun. Galing rin nang isang 'to eh. "Hindi! Nasaan na ba 'yang utak mo? May ipapabili ako sa'yo."

"I'm not your maid, but I can be your slave if you want. In bed, I volunteer." Again, narinig ko na naman ang panunutya nang mga kasama niya. Narinig ko pa kung paano sabihan nang malutong na mura ni Jasper si Theo. What the hell?

"Arg! Bilhan mo nga ako nang durian!"

"Ah, duyan? Akala ko ba guto—"

"Durian! 'Yung pagkain! Ano bang laman nang utak mo ngayon, ha?" Ang hirap niyang kausap. Baka mamaya may kasama na pala itong babae. Ganyan siya eh, pagnalalasing. Kaya ayan oh, nakabuo agad.

"Ikaw."

Napakurap ako. "Ha?" Ano daw?

Narinig ko siyang tumikhim at bumuga nang hangin. "Alam mo, panira ka talaga nang happiness ko. May fafa na akong nakita ngayon oh. Pero no choice 'tong beauty ko. Kailangan mo ako eh. Tsk"

I gulp. This gay, ang dami niyang baon ngayon ah. Ganyan ba talaga paglasing? I was about to tell him na mag-ingat siya lalo na't lasing ito, but before I could utter a single word, he hang up.

Napaupo nalang ako sa kama. Well, I guess I need to wait for my food.

***

I was busy reading one of Helen Brooks story, when I saw my phone buzz. Pangalan agad ni Theo ang bumungad. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag niya.

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Kde žijí příběhy. Začni objevovat