HGMP 34

17.2K 362 91
                                    

           

HGMP 34

Waiting

Isang malamig na tubig ang tumama sa kanyang mukha, matapos niya iyon sabihin. Napapikit siya nang mariin at natigilan. Taas baba ang aking dibdib at halos mamuti na ang kamay sa pagkakakuyom. Tanga ba siya? Sinong matino na babae ang papayag sa kagustuhan niya?

"sana mahimasmasan ka sa mga sinasabi mo, Laira. Hindi pa ba maliwanag sa'yo na masyado mo nang sinaktan si Theo, tapos ngayon kung humiling ka, parang ang dali-dali lang nang hinihiling mo! Ano ba ang akala mo kay Theo? Isa siyang gamit na pwedeng hiramin at isauli? Nag-iisip ka ba?!"

Mabilis siyang dumilat at galit nag alit na tumitig sa akin. At siya pa ang may ganang magalit? Aba, matindi!

"Naranasan mo na bang magmahal at nagkamali sa pagpili ha? Naranasan mo na bang mamuhay sa puno nang what-if na hindi mo masagot-sagot kasi, huli ka na? kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang pinagdadaanan ko!" sagot niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang sinampal. Nakadalawa na siya ha. "Akala ko ba matalino ka? Bakit puro ganda ka lang?" inis kong tanong sa kanya dahilan para masama niya akong tinignan. "Hindi sa lahat nang oras ay may mababalikan ka pag-iniwan mo na! isipin mo muna kung ano 'yang pinagsasabi mo."

"dalawang linggo lang, Thia!"

Napatiim ako. Hindi ba siya marunong umitindi? "Hindi. Ayoko. Kung sa isang gabi nga, may nabuo na kami, paano na kaya ang dalawang linggo na hinihingi mo? Pasensya na Laira, pero hindi ko maibibigay ang kahilingan mo." Malamig kong ani sa kanya. Tumayo ako at agad na naglakad pa alis. Ayoko ko siyang Makita o makausap man lang. nakakainis. Hindi siya marunong lumugar sa sarili niya.

Ano siya? Swineswerte? Hindi dahil maganda siya ay makukuha niya na lahat nang gusto niya! Aba! Wala nang libre sa panahon na ito! Lahat pinaghihirapan!

"ang damot –damot mo, Thia. Dalawang linggo lang..." paghikbi niya.

Natigilan ako sa narinig ko. Parang tumayo ang tenga ko sa sinabi niya? Ako pa? Ako pa ang madamot? Ako pa ang masama, ngayon?

Lumingon ako sa kanya. "Hindi madamot ang tawag dito, Laira. Ang tawag sa ginagawa ko ay pagproprotekta at pag-iingat sa taong nasa'yo na. Ang bagay na hindi mo nagawa nang nasaiyo pa si Theo."

With that, lumabas ako sa café nang hindi na siya nililingon pa. Napahawak ako sa aking tiyan nang biglang gumalaw ang anak ko. Tama naman ang ginawa ni Mommy, 'di ba baby? Tama lang naman na ipagdamot ang daddy mo?

I groaned. Damn you, Theo! Ano bang ginawa mo sa akin? Panindigan mo talaga ako, hayop ka.

***

I thank God, dahil nakauwi pa ako nang walang ano mang masamang nangyari. Pagkadating ko sa bahay, nagad na ako dumeretso sa kwarto at hindi na kumain. Now, I'm lying in this bed with the sun rays on my face. Ano ba ang gagawin ko ngayong araw?

Mas gugustuhin ko nalang humiga dito magdamag.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Hindi na ako sumagot. Agad na ito bumukas at iniluwa si mama na nakakunot ang noo sa akin. Hays. Simula nang lumaki na ang tyan ko, hindi na nila pinalock ang pinto nang kwarto ko. In case of emergency daw, kasi.

"bakit nakahiga ka pa dyan? Alas syete na. Dapat maaga kang gumigising 'nak, tapos maglakad-lakad sa labas. Para kapag manganak ka na, hindi ka mahihirapan." Ani Mama, habang naglalakad patungo sa akin.

Napaupo ako nang umupo siya sa kama.  "tinatamad ako ma."

Umirap siya. " 'wag ka nga tamarin! Magkaka-anak ka na, ang tamad-tamad mo pa rin!" saway niya.

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Место, где живут истории. Откройте их для себя