HGMP 18

20.3K 402 39
                                    

HGMP 18

Thea

"Panget..."

Napatingin ako kay Theo na kunot-noo na nakatingin sa akin. He looks at me from head to toes then back to my face again. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga luha  ko o kaya naman alalahanin ang mukha ko. Without saying anything, tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

"Careful..." he mumbled nang muntikan na akong matapilok.

I buried my face on his chest. "T-Theo... Ang sakit... A-ang sakit-sakit na..." hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba ang sakit na nararamdaman ko.

Alam mo 'yun? Yung napredict ko na kung ano ang magiging reaction ni Sven. 'Yung ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na tatanggapin ko kung lumayo siya sa akin. Na kahit mahirap kailangan tanggapin kasi 'yun ang nararapat.

Pero hindi madali eh. Sa bawat pangkukumbinsi sa sarili na tanggapin ko ang mga consequences, hindi parin mawawala sa akin ang humiling. Na sana, tanggapin niya ito. Sana hindi siya lumayo sa akin. Sana hindi mag-iba ang pananaw niya sa akin. Sana... Sana mahal niya pa rin ako kahit anong mangyari.

Naramdaman ko ang kamay ni Theo na humahaplos sa likuran ko. I feel acceptance because of his touch. Dahilan para mas lalo kong higpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Shh, tahan na." pag aalu niya sa akin habang hinahaplos ang likuran ko.

Umiling ako bago kumalas. Tinitigan ko siya. He can't look at me directly. Namumula ang tenga niya. He hardly swallow dahilan para makita ko ang pagtaas at baba ng adams apple niya.

"Nget, ang lapit mo masyado." may bahid na pag-aalinlangan niyang sabi.

Ha? Napatingin ako sa position namin. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa bewang niya. Mga ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa. I feel my blood rush up towards my head. Uminit ang pisngi ko at umatras.

Akward silence fill between us. Huminga ako ng malalim. I don't really understand how life works.

Kung kailan masaya ka na, gagawa siya ng paraan para masira ito. Tapos pagnasira na, gagawa naman siya ng paraan para maayos ito. Pinaglalaruan niya lang ba kami?

"Ehem." napatingin ako kay Theo na seryosong nakatingin sa akin. Nawala na rin ang pula sa tenga niya. Sayang, ang cute niya pa naman tignan. "Alam na nila?"

Tumango ako at pinunasan ang luhang malapit nang tumuyo sa pisngi ko. Biglang pumasok sa isipan ko si papa at kuya. They can't even look to my eyes. Kahit yata ang makasama ako, hindi nila kayang gawin. I wonder kung hanggan kailan 'to.

Parang piniga ang puso ko. Habangbuhay nalang ba nila ako tratratohin na parang hangin? Ganon ba talaga ka big deal ang maling ginawa ko?

"Two days ago." sagot ko sa kanya at suminghot. Tutulo na talaga itong sipon ko eh. Kailangan pigilan kasi nakakahiya sa baklang 'to.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana nasamahan kita." aniya.

Mapait akong ngumiti. "Nahimatay kasi ak--"

"You what?!" gulat na tanong ni Theo sa akin. Mabilis niya ako pinaharap sa kanya ng lubusan. "At hindi mo man lang sinabi sa akin? OH My Ghad, girl! Baka mapaano ang little thea ko" nag-aalala niyang sabi.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Anong little thia mo!"

He rolled his eyes. "Feelengera nito. Thea ang sabi ko! T-H-E-A!"

Napaiwas ako ng tingin. Aray ko ha, napahiya ako don. "Bakit kasi Thea ang girl name mo! Nakakalito tuloy."

"Paki mo ba? Eh, thea ang gusto ko eh."

He Got Me Pregnant(Complete ✔)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang