"Ma'am! Tulungan ko na po kayo sa hawak niyo...."  Napatingin ako sa waiter na lumapit sa 'kin.

Tipid akong ngumiti at inabot sa kaniya ang dalwang kahong hawak. "Thank you..."

Naglakad ako papunta sa madalas kong pwesto noon kapag nandito ako. Hindi pa rin pala ito inaalis ni mrs. Benitez. Napangiti ako at umupo sa wooden chair, binaba ko ang kamay ko sa lamesang walang nakatakip na tela atsaka iyon marahang hinaplos. Still...soft and look new.

Sumulyap ako sa isa pang upuan sa aking harap. Naalala ko noon na diyan siya nakaupo. Masaya ang una't huli naming punta rito. Isang memorya na gusto ko mang balikan ay mali na. Tulad ng sinabi ko...hindi na kami pwede ni skyrile.

"Alam namin na babalik ka dito kaya iniwan talaga namin ang pwestong iyan para sa'yo."

Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa atsaka ito dinambahan ng yakap. "Mr. Benitez!" Masayang wika ko.

Napahalakhak ito. "I miss you too, anak." Natatawang aniya. Anak ang parati niyang tawag sa'kin dahil parang anak niya na daw ako.

I giggle. "How are you?" Tanong ko.

"I'm perfectly fine iha..." Ngumisi ito atsaka ako ginaya paupo sa isang table malapit sa pwesto namin. "Pasensiya na at ngayon lang kita nilapitan, busy kasi sa kitchen kanina." Halakhak nito.

Tumango ako. "I understand po." Ngisi ko din.

"Are you staying here for good?" Tanong niya.

"It depends po mr. Benitez. Kung gusto ni lola rito, dito po muna kami." Sabi ko.

Tumango ito. "Your lola suffered a lot this past few months...." nakiki-simpatya niyang wika.

Ngumiti na lamang ako. Mula ng mamatay si lolo ay lumungkot na si lola. Although, napapasaya pa rin namin siya pero alam naming lahat na iba pa rin kung kasama niya si lolo.

Nakakalungkot lang na kailangan nang mamaalam ni lolo sa mundo. I just hope that lola will be happy in staying here.

"By the---" Naputol ang akmang sasabihin niya pa ng makarinig kami ng ingay mula sa labas.

Napatayo kaming pareho at sabay na nilingon ang entrance ng restaurant. May mga taong nagkakagulo roon....mga media!

"Bakit nandito sila?" Takang tanong ko. Imposible namang dahil kay jethro, lihim ang pag-uwi niya rito. Tanging kami lang ang nakakaalam. "Sino pong pinagkakaguluhan nila sa labas?" Tanong ko kay mr. Benitez.

Nagkibit balikat ito. "Baka natunugan ng mga media na nandito ang buong pamilya ninyo ngayon." Aniya.

"Ang bilis po ng source nila kung ganon." Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi magiging tahimik at pribado ang lunch na gusto namin rito.

Nagpaalam na muna ako kay mr. Benitez para silipin si kuya. Baka hindi iyon makapasok sa dami ng media sa paligid. Baka madumog pa siya.

He's one of the famous bachelor in town, he's a big news to everyone. Baka hindi na iyon makalampas sa dami ng media.

"Ma'am wag na po muna kayong lumabas." Harang ng guard sa'kin.

Sumilip ako sa labas. "Nakita mo ba ang kuya ko? Iyong kasama ko kanina?" Tanong ko nalang.

"Opo!" Tumango ito. "Sinalubong niya po iyong mga lumabas ng itim na suv. Hindi nga lang po sila makapasok dahil sa mga media." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Nakita mo ba kung sino ang sinundo niya?" Takang tanong ko.

"Hindi po e." Iling niya.

Tumango nalang ako at nag-abang sa entrance. May mga bodyguards akong nakitang nagtataboy sa mga media. Tumayo ako ng tuwid ng mahawi ang tao at nagkaroon ng maliit na daan sa gitna.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon