Chapter 18

3.2K 104 0
                                    

Date...

-------
Sophia's POV

Nakahilata lang ako ngayon sa higaan ko di ako makalabas pero pinakain na ako parang kinidnap ako nito eh naisipan kong tumigin sa bintana ang daming yaya sa labas may mga kawal rin alam kong birthday ko pero sobrang busy naman ata nila pero nae-excite na may kinakabahan na part hehez

Di ko mabuksan yung pintuan nakakainis bakit bawal nakakainis

Queen's POV

"Ahm.....konting nalang"sabi ko naghahanda kami para sa kaarawan ni Heira for sure matutuwa yun ng bigla akong tawagin ng mahal Kong hari

"Bakit?"

"May good news ako para sayo"

"Ano yun?"

"Sa mismong kaarawan ni Leo ay wala ng mangyayaring masama"sabi nito

"Talaga.....buti kung ganun guminhawa narin ang pakiramdam ko"sabi ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko

Excited nako

Sophia/Heira's POV

Tanghali na nakain ako ngayon sa higaan wala...eh di ako makalabas ng biglang bumukas ang pinto at may dalang gown na sky blue ang kulay nito at may dalang box na mahaba at inilagay sa gilid

"Ay....madam ikaw pala akala ko kasama ka ng prinsipe"sabi ni bakla

"Hindi eh"

"Oh....yan madam pagkatapos mo dyan maligo ka at aayusan kita ok.....happy birthday nga pala sayo....swerte ko pala at maganda ang aayusan ko"sabi nito

"Hahahhaha...nambola kapa"

"Hoy....hindi no sige na kumain kana dyan"sabi nito kaya kumain nako tapos naligo narin ako

Charlotte's POV

Asa garden ako ngayon naglalakad wala pa akong partner sa Debut ni Sophia naglalakad ako ngayon ng may biglang nahulog sa puno kaya napahiga ako si Dy?asa ibabaw sya ako naman asa ilalim

Dugdugdugdugdug!!

Yan paulit-ulit nakatitig lang kami sa isa't-isa maya-maya at tumayo ito at itinayo ako

"Bakit kaba nandito?"tanong ko

"So-sorry na nagkamali lang ako ng hakbang"

"Ano bang-.......ini-istalk moko no!"tanong ko

"Ah....ha!hindi no"

"Ganun ba sige uwi nako"sabi ko maglalakad na sana ako ng bigla itong nagsalita

"May partner kana ba sa debut ni Sophia mamaya?"tanong nya kaya ako napatingin dito

"Wala pa ikaw?"

"Meron na"kaya bigla akong nalungkot

"Sino?"

"Ikaw"

Kikiligin na ba ako?

"Ako?.......eh di mo panga ako kinukumbinsi"sabi ko

"Kaya nga kukumbinsihin kita ngayon eh..........*tumigin ito ng diretso at hinawakan ang magkabila kong kamay*........pwede ba kita maging kadate sa debut ni Sophia?"tanong nito

Anong isasagot ko?

"Hmmm......sige na nga wala naman akong magagawa eh"

"Hmmm.....napipilitan kalang naman ata eh"

"Hindi no....sige na aayusan pako site bye kita nalang tayo mamaya"sabi ko at umalis na

Hayzel's POV

Nagpi-piano ako ngayon sa kwarto ko ng biglang bumukas ang bintana ko nagulat ako ng si Ben pala ang nandun

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko at inalalayan syang bumaba

"Ahhh.....kasi..."ano naman kaya ang sasabihin nito

"Ano?"

"Ah...may partner kana ba mamaya?"tanong nito sakin

"Wala pa naman bakit?"

"Ahhh...pwede bang-oo oo na ang isasagot ko dyan"di ko na tinuloy sasabihin nya alam ko na naman ang itatanong nya eh'pwede bang ikaw nalang ang partner ko sa debut ni Sophia?'diba?

"Talaga?"

"At hindi....kaya nga ako um-oo eh"sabi ko bigla nya Kong niyakap

Dugdugdugdug!!

Yan nanaman si puso

"Thank you"sabi nito at kumalas narin

"Baba nako kita nalang tayo mamaya ah...bye"sabi nito at hinawakan na ang tali

"Magiingat ka......saka baka mapag-kamalan kang akyat Castle nan"tawa kong sabi

"Di yan gwapo ako eh"sabay kindat sakin

"Tsk....Bahala ka na nga"sabi ko at pinagpatuloy ang pagpi-piano..

"Aray!"rinig ko kaya napatawa ako

"Kamahalan ayos lang po ba kayo?"

Tumwa nako kasi di kona mapigilan




To be continued......

--------
Pusna ang chapter 18 next chapter nalang uli...

zylarinschar

The Prince And I✔Where stories live. Discover now