He looked down at the coffin. Mukha nang mummified si Miss Igarte. Leathery skin, skeletal face. Nilagyan ng belo. Walang dudang vintage ang putting bestidang suot. Naninilaw. Sarado ang leeg at mahaba ang manggas.

Nag-sign of the Cross si Cade kahit hindi naman niya alam kung ano ang dadasalin. Buti pa ang katabi niya, mukhang nagdadasal ng taimtim. Amoy bubblegum ang buhok. Her warmth was a relief from the cold blast of the AC up the right wall. Sa ataul talaga itinapat ang aircon, sa loob-loob niya. Sabay, rest in peace po.

NARAMDAMAN na lang ni Geraldine na hindi na siya masyadong giniginaw. She welcomed the warmth.

A few seconds later, na-realize niya kung bakit nabawasan ang lamig. Si San Luis, este Cade. Hindi lang nito naharangan ang buga ng aircon, nakasiksik rin sa kanya.

Close kame?

Sa mga sandaling iyon, oo. Literally. Nasa five nine or ten ang taas nito. Siya ay five-five kaya halos sakto ang pagkakadikit ng mga braso nila.

Wala na bang space? Pasimple niyang tiningnan ang kanang side ng lalaki. Maluwang pa naman, bakit siya sinisiksik? At parang hindi ito aware. Nakamasid lang sa ataul, parang nagdadasal ng taimtim.

Ako na lang mag-a-adjust....on the other hand....

Hindi lang relief sa malamig na hangin ang lalaki. Relief rin ang amoy nito sa amoy ng punerarya--mula sa mga bulaklak na nakakasulasok na ang bango at sa tamis ay umasim na, mga kandila...parang may humahalo pang amoy ng embalming fluid. Nakasumpong ng haven sa deodorant ni San Luis ang ilong niya.

Bango mo naman, Kuya.

Naalala niya ang pito.

Yaiks!

This man could be a killer. Ang kapal naman ng mukha na nakipagtitigan pa sa bangkay ng biniktima.

Pero....paano kung aksidente lang ang lahat? Kinompronta nito si Miss Igarte at alam naman nilang lahat kung anong klase ang temper ng librarian, baka pinaghahataw rin ng stick si Cade. Inawat ni Cade pero patuloy sa pagwawala si Miss Igarte, nahulog.

Pero mataas ang pasimano, lampas beywang. Kahit magtulakan doon ang dalawa, walang basta-basta mahuhulog kung hindi ihuhulog.

So, kung aksidente, bakit nahulog si Miss Igarte?

Natanggal ang wig, nag-panic at lumundag na kaysa mapahiya? She wiced at her thought, Sorry po, aniya kay Miss Igarte. At, Kung ang lalaking ito ho ang pumatay sa inyo, bigyan n'yo ako ng sign.

Biglang kumalampag ang aircon. Kumbaga sa sasakyan ay kumambiyo, nagpalit ng giya.

Napa-awang ang bibig ni Geraldine.

Sign ba iyon?

Shit, kille----

Biglang sumingit sa pagitan nila ni San Luis si Angela. Ginitgit pa talaga siya, "'cuse me."

Gilalas si Geraldine. Obvious naman kung bakit ginawa iyon ng bagets. Ayaw nito na dumidikit siya sa tatay nito.

Hello? Hindi naman siya ang naniksik. Nananahimik siyang nakatayo doon....inismiran niya si Angela, Brat, at bumalik na siya sa upuan. Pinagmasdan na lang niya ang likod ni Cade.

Check na check ang lalaki, sa totoo lang. Kakainggit ang posture, walang effort sa pagtayo ng tuwid. Kwadrado ang balikat, pwedeng Mulawin.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now