Hindi ko na natapos ang magtanong nang nakita ko kung sino ang mga 'yon.

The Agrezors.

"Kapag sinuswerte ka nga naman." Hinarap ako ni Faerie na nang-uuyam ang ngiti sa mga labi. "The Agrezor siblings are here."

Rogue, Dash, Hawk, and Aegeus Agrezor.

Kaya pala halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa gawi nila. Nandito ang artistang si Rogue at ang naggagwapuhan niyang mga kapatid.

Muli kong tiningnan si Faerie at makahulugan ang ngiti niya sa akin. "You wanna come near them?"

Kumunot ang noo ko at dinampot ang baso ng tubig sa aking harapan, uminom ako. "Bakit ako lalapit sa kanila?"

She shrugged her shoulders and rose from her seat. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa braso. "Rogue is here. Kunwari papa-autograph tayo." Tumawa siya at hinila ako patayo.

"Hey!" Pinilit kong makawala, pero dahil sa pursigido siya sa naisip na kalokohan ay hindi ako nagtagumpay. "Love, nakakahiya!"

Tumigil kami sa tapat ng table ng mga Agrezor. Tumingin sila sa amin. Hindi ko magawang sulyapan si President.

"Hi!" Hinigit pa ako ni Faerie palapit. Nilingon niya ang aming boss. "Good evening, President!"

"Good evening," he replied in a cold voice.

Faerie looked at Rogue and smiled. "Can we have your autograph, Rogue? Fan mo kasi itong sister ko."

Humanda ka sa akin mamaya, Faerie Amarah Hontiveros!

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kilala nila ako o kung natatandaan pa nila ako.

Rogue's face was serious as he looked at me. Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Faerie.

"You look familiar. Have we met before?" he sipped on the bottle of his beer.

Tumikhim ang isa sa kanila. Napatingin kaming lahat sa taong 'yon. Si President.

President leaned back on his chair. "Her sister said she's your fan. Maybe you've seen her in one of your fan meetings," he said to his oldest brother.

"Aegeus is right, Kuya." Hinaplos ni Dash ang buhok at tumingin sa akin. "Just give this beautiful lady what she wants."

Tumango si Rogue at inilahad ang kamay. Naghanap ako ng mapipirmahan niya. Hinawakan ako ni Faerie sa magkabilang balikat at pinatalikod ako sa harap ng mga Agrezor.

Kinindatan niya ako. "Relax," she whispered to me. "'Yang damit mo na ang papirmahan mo."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Uh, dito sa damit ko." Itinuro ko ang aking likod. Sinamaan ko ng tingin si Faerie. Matamis lang niya akong nginitian. "Sa medyo baba."

"Copy," Rogue chuckled.

He placed his hands on my hips and pulled me closer. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa ginawa ni Rogue. He took off his right hand, but the other one remained holding on to my waist.

Napakagat ako sa ibabang labi nang naramdaman ang pagpirma niya sa aking damit. Nang natapos ay agad akong humarap sa kanila.

"Thanks a lot!" sabi ko.

"My pleasure, gorgeous," ani Rogue.

Tiningnan ko ang magkakapatid maliban kay President. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mga pisngi ko.

"Thanks again!" Tumalikod na ako at bumalik sa aming table.

Umupo ako at mariing ipinikit ang mga mata. Pagkamulat ko ay ang pagbalik ni Faerie. Tumatawa siya.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon