Napalunok ako sa tanong niya. Napako na ako sa kinatatayuan at hindi ko nanaman alam ang sasabihin. Parehas lang kaming nakatitig sa isa’t isa. Nakatikom ang bibig ko habang ang kanya naman ay nakangiti.

Lumunok ulit ako.

“You don’t have to answer that.” Sabi niya. Kusa na niyang hinawakan ang kamay ko at marahan akong hinila para makalakad patungo sa loob ng villa. “Kahit naman kasi tumanggi ka, iyo pa rin ako, Mika.” Walang alinlangang sabi niya.

Agad na sinagot ng puso ko ang pagpapahayag niya. Mabuti nalang talaga at nasa dibdib ko ang aking puso at nakakulong iyon doon. Mabuti nalang at wala itong bibig para magsalita. Dahil kung meron, matagal na ako nitong nilaglag. Because I swear in front of all the expensive things that surround me, bumigay na ang puso ko kay Vincent. Sumisigaw na ito ng ‘Vincent! Iyo lang din ako!’ Nagwawala na ito sa loob ng dibdib ko at walang katapusang pumapalakpak dahil sa sayang naramdaman nang bitiwan ng lalaking mahal na mahal nito ang mga salitang iyon.

Akin lang siya! Iyan ang sinabi niya. He said that he’s mine and no matter what, he will always be.

Tiningnan ko ang likod niya. Hawak hawak niya ako at nauuna siya sa akin. I am dying now! I am dying inside to say to him that I’m also his. Kanya lang din ako! Mahal na mahal ko siya! I am in love with him. From then until now, I am still in love with him!

Now, I am thankful that I also have a brain that, somehow, controls my stupid and uncontrollable heart. Kung wala ito, baka kanina ko pa nasabi ang lahat ng nasa puso ko. Kahit na pinipigilan ako nito, nagpapasalamat pa rin ako. It’s not yet the right time. I still need to hear him out. His explanation about everything. I want to hear everything from him.

Umiling ako at tinuon ang atensyon sa nakikita ng mga mata ko. Pagkapasok ng villa ay may kakaiba akong naramdaman. It feels like I really own this place. It’s like it was made for me. Somehow, I felt like I belonged here. Kahit na unang beses ko palang dito, pakiramdam ko matagal na akong nakapunta rito at ngayon, sa wakas, ay nakauwi na ako. Para akong naligaw at itong villa ang totoong tirahan ko. 'Yan ang naramdaman ko.

I loved the interior of the house. Modern style ang villa. Ang mataas na kisame ang mas lalong nagpamangha sa akin. Dahil sa mga floral painting nito na noon pa man ay hilig ko na. At ang mas lalong nagustuhan ko roon ay ang painting na mga sunflower sa iba’t iba nitong itsura. He remembered it. Naalala niya na ang paborito kong bulaklak.

“What do you want? Gusto mo bang kumain?” Napatingin ako kay Vincent nang magsalita siya. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin.

Saka ko lang naramdaman ang kuryeteng dumaloy paakyat sa leeg ko nang mapagtanong mahigpit kaming magkahawak. Pinilit kong bumitaw sa kanya pero hindi niya ako hinayaan. Dumila siya at kinagat ang labi dahil sa ginawa. Sinuklay niya ang buhok niya at malalim na huminga.

Unti unti, ay binitawan niya ako. Dali dali kong pinagalitan ang sarili ko dahil sana, hindi nalang ako nagpabitaw sa kanya.

“I’ll ask the maids to cook for us.” Tumalikod siya pero pinigilan ko siya. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng damit niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon