Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Two

160K 2.8K 213
                                    

AIYELL

NAUNA akong nakauwi kay Claw ngayon dito sa condo niya dahil may pinuntahan pa siyang dinner meeting. Pinauna na niya ako para makapagpahinga na raw ako.

Katatapos kong maligo at ngayon ay nasa sala ako. Nanonood lamang ng tv habang tinutuyo ko ang buhok ko.

"Sana may dala siyang pagkain—"

"May dala nga ako."

"Ay, kabayo ng nanay mo!" Nagulat talaga ako sa tinig na 'yon. Para naman kasing kabute ang biglaang pagsulpot niya.

Naglakad siya papalapit sa akin nang may dalang supot saka naupo sa tabi ko. "As far as I remember, walang kabayo si Momma dahil jewelries ang business niya." Pilosopo talaga kahit na kailan!

"Napakatagal mo. Gusto na lang talaga kitang layasan bigla—"

"Kumain ka na," putol niya sa akin saka niya inabot sa akin ang supot na dala niya, ngunit nang hawakan ko ito ay ayaw niya namang bitawan kaya't napa-angat ang tingin ko sa kaniya at nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. "Bago pa magbago ang isip ko at ako ang kumain sa 'yo." Para na naman akong nasilihan sa mukha dahil sa narinig kong maduming banat niya. Napakapilyo ng bwiset!

Akmang sasapukin ko siya dahil sa sinabi niya ngunit mabilis niyang nakuha ang kamay ko. "Bitaw, Claw!" angal ko.

Hindi nawala ang pagkakangisi niya sa akin. "Huwag mo 'kong hamunin. I've been holding for three long years," aniya at ramdam ko ang matinding pang-aasar niya sa akin. Kada makakakuha siya ng pagkakataon na mang-asar, talagang lulubos-lubusin niya.

Mabilis kong inagaw sa kaniya ang kamay ko saka agad na lumayo sa kaniya. "Bwiset ka talaga!"

Tinawanan lamang niya ako na tipong enjoy na enjoy siya sa nakikita niyang matagumpay na pang-aasar niya sa akin.

"I ain't kidding, my wife. You're too sexy not to be acknowledge," wika niya sa akin habang tumatawa kaya't bigla kong itinaas ang kilay ko.

"Nakakainis ka! Puro ka pang-aasar! Aalis ako!" singhal ko saka ako padabog na umakyat sa silid ko. Nagpalit ako ng damit pang-alis bago muling bumaba. Naabutan ko siyang naroon pa rin sa sala at nakaupo pa rin sa sofa.

"Saan ka pupunta? Bakit ganiyan ang suot mo?" Ramdam ko ang iritasyon sa tinig niya lalo na nang makita niya ang kabuuan ko.

"Bar ang pupuntahan ko. Anong gusto mo? Mag-traje-de-boda ako?" nakataas muli ang kilay na sagot ko sa kaniya.

Bigla na lamang siyang tumayo at mabilis na lumapit sa akin saka ako hinapit ng sobrang lapit sa katawan niya. "Sinabi ko na bang pinapayagan kita?" seryoso niyang tanong sa akin.

Nagpilit akong itulak siya palayo ngunit masyado siyang malakas. "I don't need anyone's permission para gawin ko ang mga gusto ko," deretso kong sagot.

"But I am your husband—"

"Fake husband," paglilinaw ko saka ko siya tuluyang naitulak dahil tila nabigla siya sa mabilis kong pagsagot sa kaniya. "Aalis na 'ko," pagpapatuloy ko at tumungo na sa pinto.

Narinig kong napabuntonghininga na lamang siya na tila sumusuko na sa katigasan ng ulo ko. "Fine. Just be home before dawn. I don't want to see you sleepy at your work tomorrow," aniya sa akin bago ko naramdaman ang mga yabag niya patungo sa silid niya.

I'm rich, kung tutuusin nga kahit hindi ako magtrabaho hanggang sa mamatay ako ay mabubuhay ako, pero dahil binantaan ni Lola Cassandra si Claw na kapag hindi raw ako pinagtrabaho ni Claw sa kumpanya niya ay papabagsakin daw niya ito, wala akong nagawa. Kahit daw mamulubi si Claw ay wala siyang pakialam. Ganiyan ako pahirapan ng Lola ko. She hates my spoiled personality.

My Possessive Fake Husband (Freezell #1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon