CHAPTER 07: Add Friend

Magsimula sa umpisa
                                    

Shit, shit, shit.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pumayag ka, please.

And please don't laugh at me.

She smiled, a really big smile. God, how can someone be beautiful and cute at the same time? "Like a date?"

I nervously nodded before swallowing.

Say yes please.

"Yes."

My heart jumped up and down at hindi ko na nakontrol ang pagngiti ko.

Yes! Yes! Yes!

Fuck this!

"A-Anong oras tapos ng S-Saturday class mo?" natataranta at nauutal pa ko sa pagtatanong. "And okay lang bang sunduin kita sa condo mo? Or uuwi ka sa inyo sa weekends? Kasi kung uuwi ka sa inyo we can have dinner na malapit lang sa inyo para hindi ka na—"

"Hey, hey. Relax. Chill ka lang." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Damn it. Paano ba kumalma? Ngayon lang ako nagkaganito. Kahit sa mga exam at recitation hindi naman ako naging ganito.

"I will make my schedule na later, kagaya ng ginawa mong laminated sched then ibibigay ko sa'yo bukas. Also, hindi naman ako uuwi sa weekends. Sa condo lang ako."

"Nice. Ahmm...I will tell you tomorrow kung saan. Or do you want to decide kung saan?"

"Ikaw na ang bahala." She squinted her eyes and smiled as if she's teasing me. "May tiwala ako sa taste mo." Then nauna na siyang maglakad.

Ugh!


PAGDATING ko sa dorm ko ay ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama. It's been a while since I had an attack. Dahil sa mga sinabi ni Sabrina ay inatake na naman ako, but she's also the one who made me feel better.

Sabrina, you're all over my head. What will I do with you?

Inalog ko ang ulo ko hoping that this will help me to get rid of her in my head. Para na kong masisiraan ng bait.

Nagbihis ako at saka kinuha ang laptop ko and placed it on my study table. Kinuha ko na rin ang notebook ko at binuksan sa notes ko kanina sa Clinical Chemistry. Naglagay na rin ako ng tsitsirya at limang sandwich katabi ng laptop ko.

I planned to make trans but instead na MS word ang una kong buksan ay heto ang kamay ko, parang may sariling buhay na nagta-type ng facebook.com

The moment I opened it, automatic na tinype ko ang pangalan ni Sabrin sa search bar. I stared on her profile, specifically sa Add Friend na button. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya friend sa facebook because fuck this shit, nahihiya talaga kong i-add siya.

I'm already courting her pero ewan ko...nababahag ang buntot ko. Hindi ko talaga kaya. I placed the cursor katapat ng add friend at huminga nang malalim.

Shit, hindi ko talaga kaya.

"STORM!"

"Ay tinola!" Halos mahulog ako sa upuan ko dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko at panay ang tawag nina Niccolo. Nakakahiya sa mga nasa katabing room.

"Storm, panagutan mo ko!" sigaw ni Stephen.

Anak ng!

Dali-dali kong binuksan ang pinto at dire-diretso silang pumasok sa loob at humilata sa kama ko. May mga dala silang pizza at manok ni Kuya Bok.

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon