CHAPTER 07: Add Friend

Começar do início
                                    

"Pota, Storm! Ano, ayos ka lang?"

"Kingina tol alalang-alala ko!"

"Pasensya na pre, nag-aaway kami ni Jayla hindi ko agad nasagot tawag ni Sabrina."

Napalingon ako kay Sab.

"Sorry, I called Niccolo. Sinundan kita nang tumakbo ka palabas ng canteen. It seems you're not okay then nawala ka na sa paningin ko dahil ang daming students sa labas ng canteen kanina. Then Nicco told me na baka andito ka."

"Okay ka na ba?" tanong ni Mike.

I nodded.

"Tooool!" Bigla akong niyakap ni Mike. "Tangina, nag-alala ko gago kaaa."

I chuckled, the softie Mike.

"Gago! Baka hindi na naman makahinga 'yan umalis ka nga!" hinatak siya ni Stephen. "Stoooorm, okay ka lang ba, pre?" at siya naman ang yumakap sa'kin.

Minsan talaga nagtataka na lang ako paano ko naging kaibigan mga siraulong 'to.

"Okay ka na ba talaga? Kayo mo na ulit tumayo or maglakad?" tanong ni Sabrina. She's looking at me habang nakakunot ang noo at nakasimangot.

Shit.

Sobrang cute niya talaga.

"Yeah. Sorry for what happened. Hindi na tuloy tayo nakakain."

"It's okay. Ako ang dapat mag-sorry. Ikaw pa naman nagbayad no'ng food. Babawi ako, promise."

I smiled. This woman in front of me can make me smile anytime of the day and whatever the circumstances are. She smiled back and it made me feel more than better.

"Momshies, parang hindi naman tayo kailangan ni Storm dito," saad ni Niccolo.

"Oo nga, momsh. Tara na kaya, mga momsh?" panggagatong naman ni Stephen.

Tumayo na silang tatlo at tinalikuran kami.

Napailing na lang ako.

"Let's go."

Inalalayan pa niya kong tumayo at ibinigay niya sa'kin ang gamit ko.

Naglakad na rin kaming dalawa at walang nagsasalita ni isa sa'min hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan. "I know there are lot of questions running in your mind right now."

I heaved a sigh. "I..."

I'm lost for words, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.

"Hey." She stopped walking kaya napahinto na rin ako. "You don't have to explain. Kung hindi mo kayang sabihin sa'kin, I won't force you. I understand, Storm. Believe me."

Tinitigan ko siya diretso sa mga mata. Hindi ko kayang tumingin sa kahit na sino diretso sa mga mata nila, it makes me weak and self-conscious. Pero kapag siya, the more na tinititigan ko siya sa mga mata niya, I feel brave. As if I can face everything.

I never felt this kind of peace from a person.

"Saka mo na lang ikwento sa'kin kapag handa ka na," she continued. "I will be more careful next time—"

I cut her. Agad ko na siyang hinila para yakapin. Marahang yakap lang ang binigay ko sa kanya, I don't want her to think anything of me. This hug is for gratitude, ayokong pag-isipan niya nang masama.

"Thank you," I said.

I don't know, pero ang gaan gaan nang pakiramdam ko. I felt like falling more with her.

Huminga ko nang malalim para ipunin ang lahat ng lakas ng loob ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at muli siyang tinignan. I heaved a sigh again before asking her, "Can I invite you over a dinner on Saturday?"

First Rainfall of May [MEDICAL SERIES #1]Onde histórias criam vida. Descubra agora