"Mahal bitaw na"

411 4 0
                                    

Mahal mo ko, mahal kita
Pero hindi na pwede pa kasi merong ng siya
Siya na dahilan kung bakit hindi na magiging tayo pa
Siya na para sayo talaga
Siya na nauna saming dalawa

Gusto kita pero ayoko na
Mahal kita pero tama na
Hindi ko na kaya kasi ang sakit sakit na
Mahal, nahihirapan nako talaga
Mahal, hindi ko na kaya pa
Mahal na mahal kita pero hindi naman ako tanga

Kung mahal mo ko talaga dapat tayo lang, dapat ako lang
Pero meron pa pa lang siya
Siya na di mo kayang iwan
Siya na dahilan kung bakit tayo nahihirapan
Masaya na sana kaso hindi pa rin pala
Masaya ako para sa inyong dalawa
Masaya ako para sayo
Masaya ako totoo yan.

Mahal, tama na.
Mahal, suko na.
Mahal, bitaw na.
Bitaw na mahal.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now