"Hindi ako"

1.7K 16 0
                                    

Hindi ako sobrang ganda, tulad ng iba.
Hindi ako pang rampa, tulad ng iyong inaakala.
Katawan ko ay walang kurba,
Kaya naman hindi ako 'yung pinapangarap mo matagal na,
Hindi ako ma porma, ako'y simple lang talaga.

Madalas hawak ng ibang kababaihan ay palamuti sa mukha, samantalang ako'y papel at itim na pluma. Madalas ang iba ay gusto ang maraming kasama, samantalang ako'y masaya na kahit mag-isa. Madalas ang gusto ng karamihan ay sa magarbong kainan, samantalang ako'y ayos lang kung sa bahay lamang.

Oo, iba ako.
Hindi ako yung hanap mo.

Bakit ko nga ba sinasabi pa sa'yo ito?
Baka kasi maisipan mong kilalanin ako ng husto,
Inuunahan lang kita para ikaw ay hindi umasa at mabigo,
Na hindi ako 'yung tipo ng babaeng gusto ng karamihan,
Tanging mga salita ko lang ang pang laban sa iilan.

Hindi man ako gano'ng kagandahan, mabuti naman ang aking kalooban. Hindi man ako pang rampa,
kaya kitang ipagmalaki sa pamamagitan ng pag sulat nang tula.
Wala man kurba ang aking katawan,
hindi ko naman ugaling mang iwan.
Hindi man ako maporma,
kaya kitang gawing bida sa aking mga isinusulat na akda.

Hindi ako yung tipong panandalian,
Mahalin mo ako,
Mamahalin kita nang lubusan,
Ayoko sa taong manloloko,
Dahil kung magmahal ako ay todo-todo.

Hindi kita sasaktan pisikal,
Dahil tanging mga salita ko lamang ang mananakit sa'yo sa t'wing magkakaro'n ng hindi pagkakaintindihan.

Inaamin ko marupok ako,
Sana manahimik ka nalang kung landian lang ito,
Madali akong mahulog,
Kaya naman madalas akong maiwan na wasak at lugmok.

Kung mamahalin mo ako at iiwan mo 'rin agad,
Pasensiya ka na't hindi kita kailangan.
Kung puro ka lang naman salita't kulang sa gawa,
Pasensiya na't hindi kita tatanggapin pa.

Ako kasi 'yung tipo na babaeng ibang klase mag mahal,
Hindi ko hahayaan ang ating relasyon ay hindi magtatagal,
At hindi ko 'rin hahayaan na ito'y mabilisan,
Dahil gusto ko ay 'yung pang matagalan.

Inuulit ko.
Hindi ako sobrang ganda,
Hindi ako pang rampa,
Wala akong kurba,
At hindi ako maporma.

Kaya naman kung ninanais mong makilala ako,
Tanggapin mo ang simpleng tulad ko.

Spoken Word PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora