"Magkaibigan lang, walang tayo"

1.6K 25 0
                                    

Ilang taon na tayong magkasama
Ilang beses na tayong umiyak at tumawa
Ilang beses na rin tayong nagloko at nagwala
Pero isang beses lang kita minahal ng sobra

Minahal kita kahit alam kong kaibagan lang dapat kita
Isinakripisyo ko ang lahat para lang makasama ka
Ginawa ko ang lahat para ang araw mo ay aking mapaligaya
Pero sayang lang ang lahat dahil minahal kita sa panahong huli na

Huli na hindi dahil may iba na na sa iyo'y nakalaan
Huli na hindi dahil ikaw ay lilisan
Huli na dahil isang hamak lang akong kaibigan
At hinding-hindi magiging tayo kailanman

Oo, yun talaga ang totoo
Kahit ano mang gawin, walang ikaw at ako
Kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin ang salitang ito "Magkaibigan lang, walang tayo."

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now