"Pinapaasa mo lng ako kase alam mong crush kita"

409 11 1
                                    

Ako muna'y magpapakilala,
Bago ko simulan itong tulang iniyakan ng aking tinta,
Kasama ng papel na tila lapida,
Sapagkat ako'y nalulungkot sa t'wing makikita ko ang bakas ng mga letra, Dahil ikaw at ikaw pa rin ang paksa sa bago kong istorya.

Ako nga pala yung patuloy kang sinusundan sa bawat galaw mo,
Ako yung nagiipon ng iyong mga litrato,
Ako yung naiilang sa tuwing dadaan ka sa harapan ko,
Ako yung palihim kang tinititigan kaya't kung kiligin hanggang buto, Sa madaling salita, ako yung stalker mo at ikaw yung crush ko.

Ikaw yung dahilan kung bakit araw-araw ganado akong pumasok sa paaralan, Ikaw yung dahilan kung bakit mabilis akong na-full storage na halos ikaw lang ang laman, Ikaw yung dahilan kung bakit lagi akong pasado sa exam,
At ikaw yung dahilan kung bakit nagpakabasa ako sa ulan masilayan ka lamang.

Isang araw tinangka kitang makausap,
At labis akong natuwa dahil mabilis kang tumugon,
Na para bang ako lang ang p'wede mong kausapin ng araw na iyon.

Nagsimula tayo sa medyo may ilangan,
Hanggang sa humaba na ang ating usapan,
Pero ito ang hindi ko makakalimutan,
Nang ako'y nagtapat sa iyo ng aking nararamdaman,
Ang mensahe kong "crush kita, matagal na",
At wala kang naging ibang tugon kundi ang dilaw na mukha na may puso sa mga mata.

Noong araw na iyon kinilig ako ng sobra,
Napatalon ako sa sobrang saya habang maluha-luha na ang mga mata, Sabay sabi sa sarili kong
"Siguro crush din ako nito, kaya ganito ang sagot niya".

Pero mas kinilig ako no'ng araw na ginawa mong pula ang chat color nating dal'wa, Maging ang nickname at emoji ay binago mo na sa akin ay nagpakilig talaga, At ang dating payak na usapan ay binigyan mo ng kabuluhan,
Na para bang tayo pero walang sapat na dahilan.

Sa t'wing makakasalubong kita labis akong sumasaya,
Sa mga ngiti mong kay tamis at malambing na mga mata,
At para bang ang kahulugan sa akin ay iisa,
Marahil ako'y mahal mo na.

Pero bakit ganito?
Masyado na ata akong nahulog sa'yo,
Masyado na ata akong napamahal sa isang katulad mo,
Normal pa bang sabihin na ako lang yung stalker mo, at ikaw yung crush ko?

Isang araw nakasalubong ulit kita,
Ngumiti ka pa rin ngunit bakit iba na ang aking nadarama?
Ngumiti ka pero bakit hindi ako kinilig at naging masaya?

G a l i t,
P o o t,
L u n g k o t,
N a n g h i h i n a.

'Yan ang naramdaman ko ---
'Yan ang naramdaman ko nang makasalubong kita habang nagkukulitan kayong dal'wa. 'Yan ang naramdaman ko nang makita ko kung gaano kahigpit ang hawak n'yo sa isa't isa. 'Yan ang naramdaman ko nang makita ko kung gaano kayo kasaya.
At 'yan ang ang naramdaman ko nang malaman kong pinaasa mo lang ako kasi alam mong crush kita.

Minsan habang ako'y nakatitig sa kalangitan,
Bigla-bigla na lang akong mapapatanong marahil dahil sa bigat ng aking nararamdaman, Ang mga tanong na ibubulong ko sa aking sarili kasabay ng mga kulisap na humuhuni.

Ang mga tanong na ---
Minsan ba minahal mo ako?
Minsan ba naging mahalaga ako sa'yo?
Minsan ba nag-alala ka sa isang katulad ko?
Pero mas nangibabaw ang tanong na bakit pinaasa mo lang ako?

Hanggang sumagi sa isip ko na hindi nga pala nabuo ang ikaw at ako para magkaroon ng tayo, Dahil mayroon na nga palang kayo,
Pero aaminin ko ang totoo,
Masyado na akong nahulog sa'yo,
Masyado na akong napamahal sa isang katulad mo,
Kaya hanggang ngayon...

UMAASA PA RIN AKO.

Spoken Word PoetryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα