Chapter 11: Mommy Kai and Daddy Kei

7.4K 198 2
                                    

<<Kaidee's POV>>

"Uy sorry na talaga ha. Sorry" sabi ni Door Matt habang nagda drive papuntang SECRET daw =__=

At paulit ulit na nyang sinasabi yang kasosorry nya. =___=

"Oo na=___= Paulit ulit ka" sabi ko sabay tingin sa kanan ko, ang bintana.

"Gwapo naman!" sabi nya tapos tumawa ng mahina. Baliw =__=

Hayyyy....

Aaminin ko, nainsulto talaga ako dun sa mga pinagsasasabi nya kanina to the point na gusto ko syang bugbugin pero di ko magawa. Parang, may pumipigil saking gawin yun.

Buti nga binato ko lang sya ng patatas nun eh =__=

Kanina din, I don't know what's wrong with me. Ewan ko kung bakit nung niyakap nya ako at sinabi nyang magbihis ako, nag bihis agad ako.

Baka impakto to tapos control nya katawan ko??!! O_O

My gosh! Bakit di ko naisip yun?!

Tiningnan ko yung Door Matt na to, ano kayang pangontra dito?

Tumingin ulit ako sa bintana, pasukin ko kaya kwarto nito mamayang gabi tapos sasabuyan ko sya ng asin?

Or hampasin ko ng latigo na may holy water para mamatay agad? Kaya lang wala akong latigo eh =___=

Batuhin ko na lang kaya ng bawang? :3

Habang nag iisip ako ay tumigil muna kami saglit sa mall tapos bumili kami ng mga laruan, fruits, biscuits, zesto at candies.

Para saan to? Andami naman ata?

Pagkatapos bayaran ni Door Matt yung mga pinamili ay sumakay na ulit kami sa kotse then nag drive na ulit sya papuntang SECRET nga =__=

.

.

.

After ng 15 minutes na byahe ay bigla syang tumigil sa orphanage?

Anong gagawin namin dito?

[A/N: Siguro mag titinikling kayo dito noh?]

+_________+

.

Habang naglalakad kami papasok at dala dala namin yung mga pinamili namin kanina ay may sumalubong saamin na isang madre.

"Oh Keifer iho! Napadalaw ka? Musta naman?" sabi nung madre then niyakap nya si Door Matt. Keifer? Pft..

"Ayos lang po Sister Megan" sabi ni Door Matt "..Heto gwapo pa rin po." dagdag pa nya. Kapal ng mukha neto ah? =__=

"Sya nga naman!" sabi nung Sister Megan tapos tumawa sila "..Mag isa ka lang ba ulit ha iho?" pahabol nung madre.

"Ah hindi po" sabi nya  tapos hinila ako (nasa likod nya kasi ako) ".. actually po may kasama ako. Hehehehehe..." tapos nagkamot pa ng batok nya.

"Girlfriend mo ba sya iho?" tanong ni Sister Megan sa kanya.

"As--" sasagot na sana sya kaya lang inunahan ko na.

"Opo" tapos nag half smile ako. Peste! Balak pa nyang sabihin na 'asawa' nya ako =__=

"Ah ganun ba? Sige halika na hinihintay ka na ng mga bata sa loob. Miss na miss ka na daw nila" sabi ni Sister Megan tapos nauna nang maglakad. Syempre sinundan namin.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon