Chapter 3: Snowflake Tattoo

10.1K 263 6
                                    

Matt's PoV

Habang nagsisink in sa utak ko yung sinabi nung babae kanina (di nga nagpakilala diba?) Di ko namalayang napatulala pala ako. P*cha. Sinong hindi mapapatulala sa sinabi nun?! Di ko nga kilala yung babaeng yun tapos sasabihin nyang ikakasal na kami?! P*cha talaga! Parang sa isang kurap lang eh nagkaroon na ako ng instant wife?!

[A/N:Ahem.. Papakasalan mo pa lang yun]

Ganun na din yun. Dun na din papunta yun eh.

[A/N: Tch...]

Epal na author =____=

Anyway, medyo-medyo nakakarecover na ako. Putae talaga. Ayos na sana sakin yung ikakasal ako eh pero sana naman may kalayaan pa rin ako diba? Yung kalayaang makapag bar ! >:D Hahahaha !!

Napatagal ako sa Ice Cream & Bake Shop ni Author kasi may MGA babaeng nakipag usap sakin. Di ko nga sila malandi kasi nasa shop ng kami diba? Natural may mga bata dito. Hanggang usap lang tuloy kami. Kainis.. =____=

Ngayon nandito pa rin ako. Malay mo may mg babae pang kumausap sakin diba?

Yayayain ko sila sa bar para mag alam mo na ! >:D

Don't get me wrong humans. Virgin pa din ako noh. Edi kung ginagalaw ko lahat ng mga flings ko edi sana may sakit na ako!

"Sir, sorry for interrupting your moment pero papasara na po yung shop" sabi nung server (tama ba?) Tumango na lang ako at lumabas ng shop. Naglakad muna ako papunta dun sa pinagparkingan ko ng sasakyan ko then inistart ko na yung engine. Nung inistart ko eh ayaw namang mag start! Putae naman! No choice, maglalakad ako . Nung mapapadaan na sana ako dun sa may madilim na eskinita eh may nakasalubong akong taong naka jacket at jogging pants na black tapos nakamask sya na color white na cover lahat ng face nya.

Sa tingin ko babae to. Obvious naman sa balikat at height na babae to eh. Atsaka kahit naka jacket tong taong to, kitang kita na slim sya. Fitted yung jacket nya eh. Hindi ata sa kanya :D

Nagmamadali syang pumasok dun sa may madilim na eskinita. Dahil sa curious ako eh sumilip ako.

Pagtingin ko eh may babaeng estudyante na nakahiga dun sa may gilid ng eskinita tapos yung taong nakasalubong ko kanina eh parang binabastos na sya nung tatlong malalaking panget na lalaki (kasi nga fitted yung damit nya kaya kita na slim sya. Paulit ulit?)

Susugod na sana ako nang sinuntok nya yung lalaking nasa harapan nya.

Napataob nya yun kaya sumugod din yung ibang lalaki. Yumuko sya at at kinuha yung bakal sa may paanan nya. Umikot sya para mapalo yung susuntok sana sa kanya sa batok at sa may ulo dahilan para dumugo at mapataob yun.

Naglabas naman ng kutsilyo yung lalaking di pa nya napapataob. Parang may sinabing di maganda yung lalaki kaya napayukom nang kamay yung babae. Lalo tuloy akong kinabahan sa ginawa nung babae. Sumuntok na yung lalaki pero nailagan naman nung babae. Yumuko sya at umikot while naka stretch yung paa nya at yung kamay naman nya eh naka tukod dun sa lupa. Tumalon naman yung lalaki para maiwasan yung ginawa nung babae pero nung patayo na yung babae eh siniko nya sa may bandang dibdib yung lalaki at bago pa tumaob yung lalaki eh binirahan nya (babae) muna ng isang malakas na suntok sa panga yung lalaki na dahilan para matulog na yun.

Tatayo na sana yung unang lalaking pinataob nya nang paluin nya ng tubo yung batok nun kaya natulog na lang ulit yung lalaki XD Nakatayo lang yung babae dun at biglang lumapit sa bag nung babae. Hala. Magnanakaw ata to?! Maya maya ay nakita kong kinuha lang pala nya yung marker at sticky note sa bag nung babae. Nagsulat lang sya dun tapos nilagay nya yun sa noo nung unang lalaking binugbog nya kanina. Nagulat ako nung lumapit sya sakin at naglahad ng kamay.

"Phone" sabi nya.

Binigay ko naman sa kanya yung phone ko at may dinaial sya dun. Lumayo pa sya para hindi ko marinig yung sinasabi nya dun sa kausap nyang nasa phone.

Sabi ko sa inyo babae yan eh. Boses babae sya pero pinalaki nya yung boses nya para di ko mahalatang babae sya. Pero na obvious ko naman XD

Maya maya ay lumapit sya sa akin at inabot yung phone ko. Naglakad sya papalapit sa babaeng nakahiga tapos binuhat ito.

Lumapit ulit sya sakin at binigay sakin yung babae. Kinuha ko yun at binuhat nung parang nag bubuhat ng sako ng bigas (XD).

"Dalin mo na lang yang babaeng yan sa ospital" sabi nya sabay talikod.

Hinawakan ko naman sya sa may kamay nya para pigilan sya.

"Wait. Wala akong sasakyan" sabi ko sa kanya. Ayaw nga mag start diba?

"Mag taxi ka." sabi nya sabay talikod pero napigilan ko sya kasi hawak ko pa nga kamay nya.

Tiningnan ko kung may palatandaan sya sa kamay like mole para malaman ko agad kung sino sya behind her mask.

Marahas nyang nyang tinanggal yung hawak ko sa kamay nya pero bago pa nya matanggal yun eh may nakita na akong palatandaan. Isa syang snowflake tattoo na nakalagay sa may baba ng middle finger nya. Medyo maliit sya pero di din naman sobrang malaki.

Tumakbo na yung babae papaalis. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya.

Mahahanap din kita. *smirk*

Binuhat ko na lang yung babae kanina nung posisyon na parang pang bagong kasal. Baka kasi mapagkamalan akong kidnaper or rapist pag ganun yung posisyon ng buhat ko sa kanya eh.

Sumakay na lang ako ng taxi at dinala yung babae sa ospital.

.

.

.

[Enjoy Reading ! :* ]

Republished: 5/07/14

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon