Chapter 57: Missing

4.2K 90 2
                                    

Matt's PoV

"Ang sakit talaga ng likod ko T^T" reklamo ko habang nakahawak sa likod ko. Tahimik lang na nakaupo si Miggy sa tabi ko habang sinusubuan ng pagkain si Jill at pati si Jayson katabi na nagpipicture habang si Jill, Cherry, Blossom at Patrick nagsuswimming. Si Yame nakaupo sa duyan kalong si Sho. Nandito kami kila Mommy

"Pang ilang beses mo na ba sinabi yan? Uhmm... Lima ata?" sarcastic na sabi ni Miggy. Napatawa naman sila.

"Matt bading ka ba? Babae lang yun no! Hahahaha!" sabi ni Patrick tapos binasa ako.

"Kung alam mo lang kung anong nangyari!" tapos kinuwento ko sakanila lahat ng nakita ko. Tatlong araw na ang nakalipas pero di ko pa rin makalimutan yun!

"Grabe naman. Kababaeng tao mamamatay tao" -Jill tapos lumublob.

"Oo nga. Psh.. Baka hindi sya tanggapin sa langit" -Miggy

"Dapat dun hindi na magkaroon ng asawa. Baka patayin rin nya asawa't anak nya e" -Patrick

"I think masama talaga ugali nya" -Jayson

Hinihintay ko ang OA na reaction nung kambal pero wala, tahimik lang silang nagkatinginan at tumingin kay Kaidee na biglang tumayo at pumasok ng bahay. Umiiyak kasi si Sho.

Yumuko si Cherry "W-wag kayong ganyan. Hindi nyo alam kung anong nararamdaman nung tao. Hindi nyo alam kung gaano kasakit para sa taong yung ang ginagawa nya" seryosong sabi nya kaya napatahimik kami.

"W-wag nyo syang ijudge base sa ginagawa nya. K-kasi hindi nyo naman alam reasons nya. Hindi natin alam mga pinagdadaanan nya" seryosong sabi rin ni Blo.

"Wait wait ang lalim ata ng pinaghuhugutan nyo? Don't tell me isa sainyo yun?" pagbibiro ni Jill. Tumingin lang yung kambal sakanya at ngumiti ng mapait "Ahon na ko" sabay na sabi nung kambal.

Nagtatakang napatingin kami sa kambal. "Ang weird nung dalawa na yun ngayon" komento ni Patrick.

Oo nga. Baka may alam yung kambal?

Ah. Hindi. Hindi. Mainit lang talaga ngayon.

"Hoy! Ang seseryoso nyo na!" sabi ni Miggy sabay pinalo yung tubig gamit yung tsinelas nya kaya ayun, nabasa kami.

"Loko ka ah! Nabasa ako beset!" sabi ko.

"Shet! Napasukan ako ng tubig sa ilong!" react agad ni Patrick.

"Kyaaa! Ako din!" tili ni Jill.

"Tngna yung camera ko nabasa!" sigaw ni Jayson sabay habol kay Miggy. Naghabulan lang sila ng naghabulan hanggang sa madulas silang dalawa.

Hahahaha! Laughtrip! XD

Pagpasok namin, nakaupo yung kambal sa tabi ni Kaidee at nilalaro nila si Sho. Tumingin silang tatlo saamin tapos yung kambal nagkatinginan sabay ngumiti saamin. Si Kaidee no reaction.

"Ang tahimik nyo ata? May problema ba?" pagsingit ni Mommy na kalalabas lang ng kusina "Anyway, ready na yung pagkain. Kain na tayo" dagdag nya.

Pumunta na kami isa isa sa kusina at kumain na kami. Pinasimulan ni Patrick at Blossom ang kaingayan. -_-

Third Person's PoV

Tahimik lang na nakatayo si Matt sa may garden at malalim na nag-iisip. Tutal gabi na rin naman, alam nyang walang makakapansin sa kanya.

"Matt.." tawag sakanya ni Kaidee. Napalingon naman si Matt tapos ngumiti "Nasan si Sho?"

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon