Chapter 1: A-Y-O-K-O!!

19K 351 16
                                    

Kaidee's PoV

"Kaila apo.."

Napatigil ako sa paglalaro ng tubig sa swimming pool at napairap ng palihim sa tumawag saakin. Bahala sya jan. Tss.

Naramdaman kong lumapit sya saakin kaya inangat ko ang paa ko at isinuot ang tsinelas. Aalis na sana ako ng hawakan ni Lolo ang kamay ko "Kaila apo.. Pansinin mo naman si Lolo" tapos nag pout pa! Anak ng.

Tiningnan ko lang sya ng tahimik hanggang sa tumigil sya sa kakadrama nya. Ano ba to. Lolo ko ba talaga to? Grabe lang.

"Galit ka ba apo?" tanong ni Lolo.

"Hindi" tipid kong sagot at naglakad na papasok ng bahay. Sinundan naman ako ni Lolo.

Napatigil ako sa paglalakad ng humangin ng malakas dito sa garden. Naramdaman ko na lang na hinihimas ni Lolo ang buhok ko "Apo, makakasanayan mo rin yan." sabi nya saakin.

Weh? Talaga lang ha? -_- Beset.

Humarap ako sa kanya "Lo, wala akong pakielam kung magkapera ako o hindi. Ang gusto ko lang, hindi ako ikasal. Hindi ko yun mahal. Tapos"

"Apo, yan ang gusto ng mama mo. Wala tayong magagawa dun." sabi nya "..gusto mo bang hindi sundin ang gusto nya? Gusto mo bang madisappoint sya sayo?"

Boom. Sapul.

Tinapik ni Lolo ang balikat ko "Aalis na ko apo"  at pumasok na ng bahay. Napabuntong hininga ako at pumasok na rin sa bahay at dumirediretso sa kwarto ko.

Kainis. Di ko magawang mainis kay mommy. Naiinis ako sa gusto nya. Hindi kay mommy ha. Magkaiba yun. Psh..

Anyway, I'm Kaila Demonette Han. 16 years old. Going 17. May Kuya ako. Actually, half brother lang. Anak sya ni daddy sa American Model but unfortunately, iniwan nya brother ko kay dad and the rest was history. Pero mahal na mahal sya ni mommy na parang totoong anak nya si Oppa at sana, SANA sya na lang ang ipapakasal at hindi ako -_-

Oo tama. Kasama yan sa last will testament ni Mommy. Ang ipakasal ako before mag 18 para sa mana ko. Ewan ko kung anong reason. Aba! Yun lang nakalagay e.

And yes, unfortunately patay na ang mommy ko 8 years ago. She died because of hematemesis. Masakit. Sobrang sakit. Hanggang ngayon, nafifeel ko pa ang sakit at walang magbabago dun. I never had a chance bago sya mamatay na yakapin sya at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko si Mommy. Sad right? Hayt.

Mayaman naman ako–I mean kami pala. Pero sayang naman yung mana ko diba? Pera din yon. Haha. Joke.

Bakit ako arrange marriage? Wala akong boyfriend. At NEVER magkakaroon. Bakit? Sabi nila I'm cold hearted, walang pakielam sa mundo, tahimik, hindi mahinhin; hindi ako ang tipo ng mga lalaki. Who cares? At least iwas heart break \m/

Hayy.. Boriiing. Wala yung kambal. Tsk.. Lumabas na lang ulit ako ng kwarto at naabutan ko ang mga maid na may hawak na mga pagkain.

"Excuse me." tapos kinalabit ko ang isang maid.

"Ah yes po may kailangan kayo?" tanong nya.

Umiling ako. "Bakit ang daming pagkain?"

"May dadating daw pong bisita ngayon" sagot nung maid. Tumango ako "Bilin nga po pala ni Sir pag-ayusin daw po kayo para mamaya." dagdag nya.

"Mamaya?"

"Opo. Di ko po alam kung para saan." sabi nya. Napairap lang ako at dumiretso sa labas. Bibili ako ice cream sa tapat na tindahan. Sarap ng ice cream dun e. Haha!

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon