1st Denial: We're Just Childhood Friends

7.7K 95 26
                                    

Teaser:

Gumawa noon ng pact ang mag-best friend na Dark Knight at Elf Prince nang na-realize nilang pareho silang in love sa childhood friend nila na si Fairy Queen: never silang mag-ko-cofess. Pero biglang dumating sa buhay ng babae ang bad boy at bad influence ding si Kastle na 'interesado' raw kay FQ. Siyempre, hindi papayag sila DK at EP na si Kastle ang makatuluyan ni FQ. Kaya nag-decide silang i-break ang pact.

They're going to confess now.

***

BOOK 1: LIPS ARE SEALED

BOOK 1: LIPS ARE SEALED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"DARK KNIGHT! Hurry up!"

Napaungol sa inis si DK hindi lang dahil sa nakabibinging pagsigaw ng kanyang ina kundi dahil na rin sa pagbuo nito sa napaka-corny niyang pangalan. Sino bang normal na nanay ang magpapangalan sa anak nito ng 'Dark Knight' na para bang bumubuo lang ito ng character sa isang role-playing video game?

"Pababa na, 'My!" naiinis na sagot ni DK habang nakaupo sa kama at nag-a-ala-keyboard warrior sa pag-ta-type sa phone niya. "And it's just 'DK' now, okay?"

Narinig niya ang pagtawa ng kanyang mommy. "Whatever, Dark Knight!"

Bumuga na lang ng hangin si DK. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napaaway noon dahil sa panunukso sa kanya ng mga kaklase niya. Hindi kasi 'normal' ang pangalan niya kaya madalas siyang ma-bully no'ng elementary hanggang high school days niya. Kaya nang tumuntong siya ng college, bininyagan niya ang sarili bilang 'DK' at 'yon na rin ang gamit niya sa lahat ng social media accounts niya.

Binulsa na ni DK ang phone niya saka siya tumayo sa harap ng full length mirror para pasadahan ng tingin ang porma niya. Maayos naman ang pagkaka-wax niya sa buhok niya, wala ni isang gusot ang suot niyang pulang long-sleeved shirt at denim pants, at malinis tingnan ang athletic shoes niya. Sigurado rin siyang kumpleto na ang mga gamit niya sa loob ng backpack na nakasukbit sa mga balikat niya."Dark Knight, bilisan mo namang kumilos! Mag-be-breakfast pa kayo, 'di ba?"

Isa pa, first week pa lang ng first sem kaya hindi pa regular ang mga klase. Ewan nga ba niya sa mommy niya kung bakit parang mas natataranta pa ito sa kanya. Apat na taon na nilang drill 'yon dahil ngayon ang final year niya sa college. His mother should have learned how to chill by now.

"Dark Knight Castillo!"

Patakbong lumabas ng kuwarto si DK. Habang pababa siya ng hagdan ay palakas ng palakas ang sermon na naririnig niya mula sa kanyang ina na nasa kusina.

"Paano ka bubukod kung ngayon pa lang, hindi mo na kayang gumising ng maaga nang hindi ako nagbubunganga rito?"

Natigilan si DK sa pagpasok sa kusina dahil sa mga sinabi ng kanyang ina.

Actually, as a twenty year old bachelor, he had always wanted to move out of his parents' house ever since he turned eighteen. Madalas kasi ay nasasakal siya sa pagiging medyo pakialamera ng kanyang ina kaya naiisipan niyang bumukod na. Kaya lang, alam naman niyang pagsisisihan din niya kung aalis siya rito sa subdivision kung saan siya lumaki dahil nandito ang mga kaibigan niya. Sa huli, iniintindi na lang niya ang mommy niya sa pagiging overprotective sa kanya dahil nag-iisa siya nitong anak.

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon