Nakakapagtaka rin na si Rafael lang ang nandito sa ikatlong palapag.
Kami nina Minerva at ang iba pang guest rooms ay sa first at second floor.

Meron namang mga kwarto rito pero hindi ginagamit.

Parang ipinasadya na kay Rafael lang talaga ang buong third floor. Tapos hindi rin basta-basta ang pagpunta dito. Kailangang may go signal galing kay Rafael.

"Rafael buksan mo itong pinto! Anong nangyayari diyan?" Sigaw ko ulit.

" U-umalis ka na Acilegna, pakiusap." Narinig kong nahihirapan niyang sabi kahit na may pintong nakaharang sa pagitan namin.

Siguro ay lumapit siya sa pinto dahil mas lumakas ang boses niyang naririnig ko dito sa labas.

" H-hindi kita iiwan Rafael. Buksan mo ito. Bakit parang nahihirapan ka?!" Hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang dumadaloy ang luha sa aking mga pisngi.

Nanginginig na rin ako sa takot?

What's happening to him?

May sakit ba siya ?

May nanakit ba sa kaniya sa loob at kaya niya ako pinapaalis ay dahil ayaw niyang madamay ako?

Diyos ko, huwag naman sana.

May narinig ulit akong nabasag sa loob.

" Oh my God! What's happening inside? R-Rafael are you -- " Hindi ko naituloy ang sinasabi ko na English language pala at nabitin din sa ere ang kamay ko na kumakatok nang padarag na nabuksan ang pinto.

Lalo akong napaiyak ng makita ko si Rafael na magulo ang buhok.

Pawisan din siya at nalukot ang damit niya.

Agad ko siyang sinugod ng yakap.

Mahigpit na mahigpit at napahagulgol rin ako sa dibdib niyang matigas.

" A-akala ko may masama ng nangyari sa iyo sa loob. P-pinag - alala mo ako ng husto." Sumisinghot kong sabi sa kaniya habang pinapalo ang mga braso niya.

I don't care if I was acting like a crazy woman right now.

Hindi naman siya nagsasalita at hindi rin niya ako niyakap pabalik.

Ouch!

" T-teka may magnanakaw ba sa loob ng kwarto mo?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Ano bang malay ko kung uso rin pala ngayong panahon ng mga kastila ang panloloob ng bahay?

Nanlamig ako ng makita ko ang walang ekspresyon niyang mga mata.
Hindi niya rin sinagot ang tanong ko.
Nakatingin lang siya sa akin.

Parang may mali! Oo malamig  at suplado si Rafael pero hindi naman ganito na nakakatakot kung tumingin. As in na wala kang mababasang emosyon sa kaniya ngayon.

At ang masaklap parang hindi niya ako kilala!

Or maybe nagkakamali lang ako right?

" R-Rafael...Ayos ka lang ba?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ulit siya sumagot.

He was just staring at me with a blank expression.

Para mawala ang aking kabang nararamdaman at kung ano-anong iniisip ay inalis ko ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Parang napahiya rin ako. May payakap-yakap pa akong nalalaman ha? Tsk! Tsansing ka Acilegna Star!

Kunwari ay sinuri ko ang loob ng kwarto niya.

Napangiwi ako makita ko ang mga vase na nabasag at nagkalat. Pati ang salamin ay nabasag.

Siguro ito ang mga narinig ko kanina na nabasag.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang ibang tao sa kwarto.

Pero sinong kausap niya kanina?

Napabaling ako ulit sa nabasag na salamin at nanlaki ang mga mata ko sa nakitang dugo.

Shocks!

Lumingon ako kay Rafael na kanina pa ako pinapanood.

Nawala ang kabang nararamdaman ko at ang awkwardness sa pagitan namin ng mapatingin ako sa kaniyang mga kamao.

Dumudugo!

" Anong ginawa mo sa mga kamay mo! Ang daming dugo, halika gamutin muna natin." Natataranta ko siyang hinila sa loob ng silid niya na parang binagyo sa kalat.

Gusto kong mamula dahil ngayon lang ako makakapasok sa kwarto ng isang lalaki na hindi ko naman kamag-anak.

Pero isinantabi ko muna ang mga personal kung nararamdaman.

Damnation! Hindi ko napansin kanina na may sugat pala siya.

Wala na akong pakialam kung feeling close ako ngayon.
Ang importante ay magamot ko ang sugat niya.

Pilit ko siyang pinapaupo sa kama niya para sana doon ko siya gagamutin pero napatigil ako at napalunok ng tinitigan niya ako ng seryoso. Ngayon ay may emosyon na sa mga mata niya pero parang galit siya.

At tsaka bakit ba hindi siya nagsasalita? Napipi na ba siya?

" Ah ahmm, upo ka muna sa kama mo at nang makakuha ako ng panlinis sa sugat m---" I stopped  talking when he smirk.

What the heck! Anong nangyayari kay Rafael?

" Sino ka babae? Bakit basta-basta ka na lang pumapasok sa aking silid?" Matalim niyang sabi sa akin.

Napaatras tuloy ako.

" R-Rafael may sakit ka ba? Anong pinagsasabi mo! Ako ito si Acilegna ang..... ang t-tagapag-alaga ni Alfonso."

Kahit naguguluhan ay sinagot ko pa rin siya. Makakalimutin talaga itong si Rafael ah. Pangatlong beses na akong nagpapakilala sa kaniya!

Sasabihin ko sanang kasintahan niya ako para tignan kung nagbibiro siya pero alam kong hindi siya ang tipong mahilig magbiro.

Napangisi ulit siya na nagpakabog sa puso ko.

Pero wait lang! Hindi ngumingisi ng ganyan ang kilala kong Rafael!
Pero impossibleng ibang tao ito.

Dahil sa pagkabog pa lang ng puso ko noong nakita ko siya ay alam kong siya ang taong itinatangi ng puso ko.

" Tumigil ka na sa katatawag sa akin ng Rafael dahil hindi iyan ang pangalan ko!"  Pasigaw niyang sabi sa akin.

What the heck again! What on Earth is happening to him?



AN

Haha, ano kayang nangyayari kay Rafael??

Back in 1763Where stories live. Discover now