Chapter 57* She'll be Back

41.3K 1K 113
                                    

My Enchanted Tale [57]

***

We'll surpass the battle.

***

CHAPTER 57~ She'll be Back

[Louie's POV]


"Marami Lang susugod na dark mythical creatures at mga masasamang makakapangyarihang dark sorceres that have the Raven power. The dark covens. Marami pa tayong kahirapang haharapin." Seryosong sabi ni Clair, nakatitig ako sa kanya.

Lahat kami nakikinig sa kanya.

"But the one na pinakamahihirapan tayo ay sa prinsesa nila. Kay ate Ayisha, sa immortality Nya. Hindi natin sya mapapatay. Kailangan natin Syang maging kakampi. All We need to do is to..."

Hindi na naituloy ni Clair ang sinasabi Nya ng ako na ang mag tuloy.

"Tame the monster."

Lahat sila tumango at tahimik na sumang-ayon sa Sinabi ko. Immortality is her power. Hindi sya mamatay kaya kailangan maging kakampi namin sya.

Nanghihina din kami, kaya't ginamot na kami ng mga healing charmers, nandito ang mga ibang healing charmers sa palasyo. Yung Iba naman nasa iba't ibang lands at academy. Sa academy ang isa sa main base namin.

"Love is one of the key," napatingin kami sa sinabi ni Clair. Yeah. Love ang paraan para bumalik ang dating Ryleen. But what love? Love of me? Love of Bella as a friend or cousin? Love of King Rolan and Elsa as a guardian? Love of Kyle, Ash, Charlene, Vien, Fiona, Castle, Night as a friend?

"True love." Mahinang bigkas ni Clair. I know now exactly what to do to tame a monster. To tame the monster who's occupying the side of Ryleen, kailangan kong ipakita sa kanya ang pagmamahal ko.

Matahimik kami pagkatapos nun.

**


"Kuya! Puntahan ko Lang si mama at papa sa baba." Tumango na Lang ako sa Sinabi ni Liah. Nandito ang parents namin. Patina din parents ng charm five.

Dinala namin sila dito, Dahil natatakot kaming mapahamak sila, alam namin na malakas sila at magaling kayang kaya nilang lumaban, kaso Iba padin ang kaba at takot na nararamdaman namin para sa kanila.

Pumunta ko sa veranda ng palasyo, Kung saan tanaw ang nagaganap na digmaan. Kitang Kita ko ang mga iba't ibang mythical creatures na nasugod sa second batch ng nalaban.

Magagaling ang mga charmers Dahil na din sa trained na kami. Yung mga nasa iba't ibang lands, tulad ng fire circle, water tribe, earth wall, air heaven land nandun din ang iba't ibang malakas na charmers para depensahan ang iba't ibang lands.

Bawat minuto nakakaramdam ako ng pagyanig. Siguro Dahil sa mga bomba at iba't ibang atake na ginagawa nila.

"Guys! Tingnan nyo 'to!" Agad akong napatakbo sa loob Dahil sa sigaw ni Bella o ng prinsesa.

Pagkadating ko dun, andun ang mga monitoring charmers. Ipinakita nila saamin ang mga nangyayari sa iba't ibang lands. Na luluhod ako sa nakita ko. Yung dating payapa at magagandang lands namin. Ngayon umuusok na at parang nasisira na.

Unti unti nawawala na ang Ganda nito. Kitang Kita ang mga bomba na sumisigaw sa Ganda nito, saka ang makakaibang halimaw na kina kaharap ng mga charmers.

Napaluhod si Bella sa nakikita Nya, sina Charlene Hindi mapigilan mapaiyak. Halos masira na ang buong mundo namin. Halos masira na ang mundong iniingatan at pinahahalagahan namin.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now