Charm 44 ❀ Light of Death

56.1K 1.1K 92
                                    

You'll face demise for you to see the light.

***

Louie Blake's POV

Dali dali akong tumakbo sa building kung saan andun daw si Ryleen. Nabasa ko lahat ng gusto iparating noong charmer doon kanina. Si Ash ang nag papunta sa akin dito. Nalaman daw kase ni Ash na nandito si Ryleen. Nauna na si Abo sa loob at nagpanggap na kakampi nila, upang mapakawalan si Ryleen.

Pumunta daw ako dun sa likod ng building at doon abangan si Ryleen. Habang papunta doon hindi ko maiwasan na kabahan. Nakakaramdam pa din kasi ako ng panghihina, pero kahit ganoon medyo maayos nanaman. Baka ganoon din ang nararamdaman ni Ryleen ngayon.

Hindi na biro ang connection na ito. Dati, simpleng parang pakiramdam ko malayo lang siya sa akin nakakamatay na, ngayon naman pati nararamdaman niya parang nararamdaman ko na din.

May pagka-malayo iyong abandonadong gusali, at siyempre naiingat din ako habang papunta doon, baka kasi may sumulpot na dark sorcerer at magkaroon pa ng mas matinding gulo. Habang papunta doon, agad akong napatigil at napahawak sa isang puno. Biglaan pero, parang na-re-charge ang enerhiya ko.

Lihim akong napangiti dahil doon. Mukang maayos na ang lagay niya, kaya't nagsimula na ulit akong maglakad patungo sa kung saan kami mag-kikita.

Pagkadating ko doon, mas naging maingat ang mga galaw ko dahil madami-dami ding dark sorcerer ang nagkalat sa paligid. Tumakbo ako ng mabilis sa isang dark sorcerer at saka siya pinatay agad. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa ginawa ko kaya, nakahinga ako ng maluwag.

Nag-hintay muna ako, dahil ayoko naman na mabulilyaso ang plano. Hindi naman kasi pwede na basta basta akong sumugod, dahil baka mas lalo lamang mapahamak si Ryleen, at saka ramdam ko pa din naman na nasa maayos na lagay siya. Baka papunta na siya ngayon dito.

Maya maya may kaluskos akong nadinig, kaya nagtago agad ako.

"Asan na ba kasi si Louie? Sabi noong message charmer na nakasalubong natin. Andito daw siya." Rinig kong sabi ng isang babae. Pamilyar iyong boses kaya sumilip ako. Nakahinga ako maluwag ng makita ko sina Bella.

Tumayo ako at nag-pakita. "Kyle, mabuti na kadating na kayo." Mahinang wila ko.  Nakita naman nila agad ako kaya lumapit sila sa akin.

"Si Ayisha? Ano nasaan na siya?" Nag-aalalang tanong ni Bella. Napahawak ako bigla sa malapit na puno sa akin dahil nakaramdam ako ng panghihina. Shit. Ito nanaman, ano bang nangyayari?

"Louie, okay ka lang?" Tanong ni Charlene. Pinilit kong tumango kahit nalilito ako sa mga nangyayari. How come I'm feeling these kind of emotions? Hindi kaya naiisip ako ni Ryleen ngayon, kaya ganito na lamang kami ka-konektado sa isa't-isa? Marahil ay ganoon na nga.

"Nasaan na si Ayisha?" Tanong ni Kyle. Hinarap ko siya at inayos ang sarili ko, mabuti na lamang at wala na iyong pagod. Mga pasulpot sulpot na pakiramdam. Argh. "Hindi ko alam, ang sabi ni Ash dito ko daw siya intayin. Kararating rating ko lang din naman at mukang wala namang ganoong nangyayari." I said.

Napatango naman sila at mukang kumalma, subalit naging panandalian lamang iyon dahil bigla na lamang kaming naalarma noong parang may mga narinig kaming kalabog sa gusali. Walang imik imik, dali dali kaming sumugod papasok doon.

Damn, Ryleen. Hang on.

Marami ang nakapalibot sa amin noong nasa loob na kami. Madilim dito kaya naman nahirapan akong maaninag kung nasaan sila. Ilang saglit lamang bigla na lamang may umatake sa aming lahat kaya naman napalaban agad kami ng mano-mano, mabuti na lamang at mabilis ang pakiramdam namin sa mga ganitong bagay.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now